CHAPTER 3: OFFER
Natapos Naman Ang araw ko Ng maayos, nakapagpasa Naman na kami ni Paul kanina Ng papers Namin for the next semester and yep, we're partners till the end of the school year.
Sana maging maayos!
May mga fill-up pang naganap kanina di ko alam kung para saan yon pero nagpapasalamat Naman ako na naging maayos Naman di ko alam Ang gagawin ko kung sakali talagang mapalayas ako sa room kanina.
Ayoko Ng dagdagan Ang iisipin ni auntie sapat na Yung Kay Uncle Siya nakatuon.
Nasa dorm na ko halos Isang araw pa lang Ng umalis si Andi pero parang di agad ako nasanay na uuwi Dito na Wala Siya. Haytss di ko alam kung Anong schedule Niya Kasi mas maaga pa siyang nauuna sa akin na umuwi. Kapag papasok Naman kami may mga araw na tulog Siya.
Ibinaba ko na Ang mga gamit sa kama. Matapos iligpit Ang mga gamit ko at inayos Ang kwarto, Nag-half bath ako dahil Yan na Ang nakasanayan Kong Gawin after school para kasing na-refresh ako, nawawala kahit papaano Yung stress.
Nagsusuklay na ko Ng buhok Ng marinig ko Ang ringtone Ng cellphone ko. Kinuha ko agad yon, rumehistro Ang pangalan ni Mia sa screen.
"Hello Mia". Sagot ko sa tawag.
"[Hellow Piaaaa]". Balik nito na ikinabingi Ng Tainga ko. Mukhang may balita Ang Isang to ah.
"Bakit? Masaya ka Ata?". Iniipit ko Ang cellphone ko sa akong balikat at pinagpatuloy ang pagsusuklay sa aking buhok.
"[Gooddd newwsss!!!]". Sabi nito habang nagsisisigaw at tumitili sa kabilang linya.
"Pwede bang sabihin mo Muna sa akin yang good news?". Masama kutob ko Dito nung una Akala ko parang may mai-offer Siya sa king part time pero base sa kung paano Siya sumigaw at kiligin parang iba na ...Hindi kaya tungkol nanaman to sa lala-.
"[Tanda mo nung unang beses na pumunta ka sa cafeteria? Yung tungkol sa nanalo Ng Mr. Campuss??]". And then I rolled my eyes. That's it, Isang lalaki.
"Oo, medyo? Hindi ko siya Nakita". Bored Kong sagot. Hindi ko alam kung bakit ko ba toh naging kaibigan but I'm very thankful to have her.
"[Pia, ngayon lang napagalaman na classmate raw natin siya!!! AACCKKK!!!]". Halos mailayo ko Ang cellphone sa Tainga ko dahil sa nakakabingi nitong sigaw.
"Ano naman nhayon? Bakit daw ba classmate natin?". Tanong ko sabay lipat sa kabilang Tainga Ang cellphone,tapos na Rin Naman na ako magsuklay.
"[Ano ka ba! Echos ka dyan! Maging thankful nalang tayo noh! Isa Pala Siya sa mga absent since day 1 of class kaya pala di us know]".
"Ahmm..Mia? Di ka pa ba tapos? Gagawin ko pa Kasi Yung iba nating assignment". Sabi ko na nga ba. Minsan lang may magandang dahilan kung tumawag Ang Isang to eh. Wala Naman talaga akong pakialam sa mga ganyan sa katunayan mas Malaki Ang problema ko Ngayon.
"[KJ mo! Wait may Isa pa]". Sagot nito. "[Yung John Paul Pala kanina, Yung partner mo para sa second sem..]".
"Ano nanaman ba Yan Mia?".
"[Grabee..yayamanin sis! Kapatid niya Pala Yung Mark Martinez Yung sikat na architect!]". Sabi nito at muli nanaman nagtititili sa kabilang linya.
Bigla akong natuod sa kinauupuan ko Ng marinig ko iyon Mula Kay Mia. Dapat natural lang na magulat ako dahil Yung pinasukan Kong school is prestigious marami talagang mayayaman pero Kasi Yung lalaking yon? Yung simpleng taong iyon na nakilala at nakausap ko mayaman?
YOU ARE READING
Hindrance Of Past
RomanceAlthough Sophie Valdez desired a typical existence with financial stability, a pleasant home life, and a happy family, reality turned out to be bitter for her. What she had previously believed would happen hasn't come to pass; her terrible past stil...