Chapter 25. (Ang huling pahina)

1.2K 30 1
                                    

Lumabas ng naturang bahay si Angela kasama ng kasintahan niya, kasama na din ang mga pulis. Nakabalot siya ng twalya dahil basang basa lang siya kanina.

Ang bangkay naman ni Chief Vergara ay nakabalot sa puting kumot at nasa stretcher ito dahil isasakay ito sa ambulansiya.

"Hindi ko akalain na ang taong pinagkakatiwalaan ko ay isa pala sa mga taong muntik ng pumatay sayo." Sabi ni Carl kay Anj. Akbay akbay niya ito, at halatang nanlulumo sa kung anong nangyari kay Angela.

"Walang kasalanan si Lorraine, ginamit niya ito para maisakatuparan lahat ng paghihiganti niya sa akin, lalo na sa tatay ko."

Inilabas na din ng bahay si Lorraine, wala pa rin itong malay dahil naka comatose pa rin ito. May oxygen mask na naka kabit sakanya habang sinasakay siya ng ambulansya.

Pero mas nalungkot siya nung nakita niya ang Bangkay ni Denise na nakabalot sa kumot. Wala siyang magawa, at hindi niya nagawa ang misyon niyang iligtas ang bestfriend niya kaya siya pumunta doon. Umiyak siya nang makita niya ang bestfriend niya, agad siyang yinakap ni Carl.

"Babe, umuwi na tayo. Marami ng nangyari sayo."

Sumakay na sila ng sasakyan at umuwi.

-----------------------------------

Gumising si Angela, isa na naman itong bagong araw para sa kanya. Malaya na siya, dahil alam niyang tapos na ang lahat ng problema niya. Ang tanging hiling nalang niya ay mabuhay ng masaya kasama ang taong mahal niya.

Nagring ang telepono niya. Sinagot niya ito.

"Hello?" Si Ramon ang kausap niya mula sa kabilang linya.

"Hello Anj, hindi magandang balita. Namatay na si Lorraine ngayon-ngayon lang."

"Sige, pupunta kami diyan ni Carl maya-maya."

"Wag na kayong pumunta rito, may mas mahalaga akong lugar na ibibigay sa inyo, yun ang kailangan niyong puntahan."

Binaba ni Angela ang Telepono, at nareceive niya ang address ng bagong lugar na pupuntahan nila sa pamamagitan ng Text message.

Naligo siya at naghanda, bumaba siya at nakita niya si Carl na nagca-carwash.

"Carl maghanda ka, may pupuntahan tayo."

Slumbook 2: Memento Mori [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon