"Lorraine, may sasabihin ako sayo."
"Ano yun?" Pagtataka ni Lorraine.
"Ahmm." Nilabas ni Angela ang Slumbook mula sa Bag nya. "May nangyari kasing hindi maganda dito sa notebook mo, Yung kaibigan ko --"
"PAANO SA INYO NAPUNTA ITONG SLUMBOOK NA ITO?!" Galit na galit si Fiel at Kinuha niya ang Slumbook mula sa pagkakahawak ni Angela.
"Pasensya ka na Lorraine, Alam kong mahalaga sayo yan. Pero hindi ko naman napigilan yung kaibigan kong pakialamanan yan, Pasensya na talaga, wala na rin akong magagawa.
Balisang balisa si Lorraine na umupo sa Sofa, Hawak niya ang ulo niya at hindi niya alam ang gagawin niya, parang takot na takot itong lumilingon kung saan saan.
"Parang sobrang napakahalaga naman ng Slumbook na yan. Ano bang meron?" Medyo inis na sinabi ni Carl kay Lorraine.
"HINDI MO KASI AKO NAIINTINDIHAN!!!" Tumayo si Lorraine at kinausap ang dalawa.
"ANG SLUMBOOK NA ITO AY MAY SUMPA, KUNG SINO MAN ANG MAG SIGN DITO AY MAMATAY, KAYA NGA WALA NA YUNG MGA MAGULANG KO NGAYON. DAHIL YUN SA SLUMBOOK NA ITO. PINATAY SILA SA PAMAMAGITAN NG BANGUNGOT. NASUNOG NA ITO NG PARI NOON, PERO BUMALIK AT BUMALIK YUN. PINUNIT DIN NG NANAY KO ANG PAHINA KUNG SAAN NAGSIGN ANG NANLILIGAW SA KANYA, PERO BUMALIK PA RIN YUN. NAHATI ANG SLUMBOOK SA DALAWA, DAHIL PINAG AGAWAN YUN NG NANAY KO AT NG KAAWAY NIYA. PERO NAKITA MO KUNG ANONG NANGYARI? BUONG BUO PA DIN SIYA HANGGANG NGAYON!"
"Bakit nasa sayo yan?" Tanong ni Carl sa kanya.
"DAHIL AYOKONG ANG MAG SIGN DITO AY AY MGA INOSENTENG BUHAY. KAYA NGA AKO NAGLAKBAY AY PARA MAGHANAP NG BAGONG MAY ARI NITO. PARA HINDI ITO MAPASA SA MGA MAGIGING ANAK KO."
"Eh bakit hindi mo nalang iwanan sa ibang Lugar?"
"Ginawa ko na yan noon, Pero bumalik pa rin siya sa akin. Ang kailangan ko nalang a gawin, Ay mapagsulat ng ibang tao, Para magkaroon ang Slumbook na ito ng bagong may ari." Pagrarason ni Lorraine.
Binuklat ni Lorraine ang Slumbook. Binabanggit niya ang mga Pangalan ng mga taong nakasign dito habang naglilipat siya ng pahina.
"Si April."
"Victor."
"Trisha."
"Denise."
"Angela?!" Nagtaka si Angela sa narinig niya. "Nandito ang pangalan mo Angela." Ang sabi sa kanya ni Lorraine.
Nilapitan naman siya ni Angela at tiningnan ang itim na Kwaderno.
"Pero hindi ko sulat kamay ito?" Nakita niya ang pahina kung saan nakasulat ang Pangalan niya. Kinuha naman sa kanya ni Carl ang Notebook.
"Kilala ko na kung kaninong sulat to." Paninigurado ni Carl. "Kay Trisha to."
"Lima palang ang nakakapagsign dito." Sabi ni Lorraine.
"Bigyan niyo ako ng Ballpen." Dugtong niya.
Nagsign sa Slumbook si Lorraine. Siya ang kumumpleto sa anim na bagong buhay na kakainin ng slumbook. Imbis na ibang buhay ang makakakain ng Slumbook eh mas mabuting buhay niya nalang din ang kainin nito. Ginupit niya ang Itim na ribbon, at nagumpisa na naman ang bagong buhay na kanilang haharapin.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Lorraine, Magbihis ka." Ang sabi sa kanya ni Angela.
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ni Lorraine.
"Mag mamall tayo."
"Pero ano eh."
"Wala kang damit? Ano ka ba, Meron naman ako eh. Ito oh." Hinagis niya ang damit para kay Lorraine.
"Ang laki na nga ng Problema niyo nakuha niyo pang mag mall." Ang sabi ni Carl.
"Yun nga yun e. Kaya nga ako gumagawa ng ganitio para makalimutan ang Problema ko sa buhay."
"Then Fine, sana magenjoy kayong dalawa ;) Magiingat kayo." Ang sabi ni Carl sa kanila.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ate nakita niyo pa ba itong babaeng ito?" May binigay siyang Picture, Tanong ng isang Lalaki sa mga nakakasalubong niya sa Mall. Siya ay may suot na itim na sumbrero, at naka jacket. Kung siya ay iyong titingnan, nakakatakot siya, parang sa kahit anong oras ay papatayin ka niya.
Kung inyong nakikita, Litrato ni Lorraine ang pinapakita niya. Ano kaya ang kailangan niya kay Lorraine?
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Habang naglilibot sila sa Mall, May nakita si Lorraine na hindi niya inakalang makikita niya.
Napahinto siya sa paglalakad, napahinto rin si Angela dahil sa ginawa niya.
"Hindi maari ito, Bakit niya ako nasundan dito?" Ang nasabi ni Lorraine sa kanyang sarili.
"May problema ka ba Lorraine?" Tanong sa kanya ni Angela.
Tinitingnan lang niya ang Lalaki, Nung nalaman niyang papunta ito dito ay nagtago agad si Lorraine sa isang stall. Habang nagtatago naman siya ay tinanong ng Lalaki si Angela.
"Miss, Nakita niyo po ba itong babaeng ito?" Pinakita niya ang Larawan ni Lorraine.
Tiningnan ni Angela ang lugar kung saan nagtago si Lorraine, At alam na niya ang rason kung bakit nagtago ito.
"Ah, hindi ko pa po nakikita ang mukhang yan."
"Salamat Miss." Umalis na ang lalaki at nagtanong sa iba pang tao.
Pinuntahan ni Angela ang Pinagtataguan ni Lorraine, Nakita niyang umiiyak ito sa sobrang takot. Hindi niya alam ang gagawin niya, para itong na-trauma nung nakita niya ang lalaking naghahanap sa kanya.
"Sino yun Lorraine? Anong kailangan sayo ng taong yun?" Tanong niya kay Lorraine na halatang takot na takot sa kanya.
"Siya si Ramon, EX BOYFRIEND KO, Napakalupit niya. Sobrang seloso, Lahat ng taong mapalapit sa akin, pinapatay niya. Isa rin siya sa mga dahilan kung bakit ako umalis ng Batangas. Ayokong mahanap niya ako. Angela, Please. Tulungan mo akong malayo sa kanya, Ayoko na ng gulo. Ayoko ng makasama siya. Natatakot ako."
Niyakap ni Angela si Lorraine.
"Okay lang yan Lorraine, Sisiguraduhin kong hindi siya makakalapit sayo. Halika na, Umuwi na tayo."