Si Lorraine at Angela nalang ang natira sa loob ng bahay, nawawala ang suklay ni Angela kaya naghalungkat siya sa mga damitan ni Lorraine, nag babaka-sakaling nailagay lang yun doon.
"Lorraine! Nakita mo ba yung suklay ko?" Sumigaw siya, pero mukhang hindi yata siya narinig ng kinakausap niya.
"Tskk. San ba kasi niya nilagay yun." Kinakausap na niya ang sarili sa sobrang inis.
Hanggang sa mahulog ang damit na suot ni Lorraine nung una silang nagkita, isang Hospital Gown, kulay puti. Tiningnan niya ang Likod nun.
"Dra. Rodessa Arias Memorial Hospi--"
"Anong ginagawa mo sa gamit ko?!" Galit na hinablot ni Lorraine ang damit kay Angela.
"Pasensya ka na, hinahanap ko kasi yung --"
"Halika na! Bumaba na tayo!" Inirapan ni Lorraine ito, at sumunod nalang sa kanya si Angela.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagulat si Carl sa nakita niyang kakapasok lang sa pinto.
"Ikaw yung...." Nagtatakang sabi ni Carl.
Hindi makapagsalita ang taong ito.
"Bakit parang gulat na gulat ka?" Tanong ni Chief Vergara sa kanya.
"May nasabi kasi sa akin si--" Naputol ang sinasabi niya nang mag ring ang cellphone ng nakita niya, kaya sinagot niya ito.
"Chief Vergara, Gusto daw po kayong makausap."
"Sino yan?"
"Basta po, sagutin niyo nalang."
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Bumaba na ng Sala ang dalawa, umupo sila sa couch. Magkatapat silang naguusap.
"Ahm. Lo-Lorraine, Kwentuhan mo naman ako."
"Ano bang gusto mong malaman sa akin ha?" Walang ekspresyon ang mukha nito.
"Sino ba sa tingin mo ang pumatay sa mga kaibigan natin?"
"Ang slumbook."
"Pero sa tingin mo aksidente ang lahat ng iyon? Maaring may pumatay talaga sa kanila diba?"
"Hindi ka ba naniniwala tungkol sa Slumbook?" Nalulungkot ang mga matang pakikipagusap niya kay Angela.
"Hi-Hindi naman ganun yung ibig kong sabihin eh. Ganito kasi --" Naputol ang sinasabi ni Angela dahil biglang nagring ang cellphone niya, nung tiningnan niya ito, nakita niya ang Pangalan ni Denise.
"Hello? Asan ka na?" Sinagot ni Angela ang Phone.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Binigay ng lalaki ang Cellphone niya kay Chief Vergara.
"Hello... Mr. Vergara, Speaking... Pasensya na kayo, ginagawa naman namin ang lahat para makita siya... Pero mahirap talaga eh... Ginagawa naman namin ang lahat para makita siya... Thank you sa pag intindi... We'll give you an update."
"Kanino ba galing yung tawag na yun?" Tanong ni Carl.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Habang sa bahay, magkausap pa rin Sina Lorraine at Angela.
"Alam mo, Angela. May mga bagay kasi na dapat hindi mo muna ipinapakita, malay mo, masira lahat ng binalak mo, lahat ng pinaghirapan mo, Kaya nga minsan, natututong magsinungaling ang ibang tao. Yung iba, nahuli mo na nga, Ang masaklap, magdedeny pa. Pero ayos lang yan. Magbubunga naman yan ng maganda eh." Sabi ni Lorraine.
"Teka? Ano bang ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Angela.
"Parang ganito." SINAKSAK NI LORRAINE SI ANGELA SA TIYAN, AT BUMULWAK NAMAN ANG NAPAKARAMING DUGO.
"Bakit mo ginagawa sa akin ito?" Gulat na tanong ni Angela na parang nanghihina pa.
"Pasensya na, kailangan nating sundin ang batas, ang batas ng slumbook." Ngumiti si Lorraine kay Angela.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Kilala mo ba siya?" Tanong ni Chief Vergara kay Carl.
"Opo. Siya po si Ramon, Yung 'Psycho-EXBoyfriend' ni Lorraine." Sagot ni Carl.
Nagulat si Ramon sa narinig, nagkatinginan si Chief at Ramon.
"Teka, Si Lorraine Delos Reyes ba?!"
"Oo." Sagot ni Carl, may halong pagtataka ang mukha niya.
"Ano bang pinagsasabi niya sa inyo? Nasa inyo lang pala yun?!" Ang sabi ni Chief.
"Ako si Ramon Carasco Jr., Private Detective. Matagal na naming hinahanap si Lorraine, Mga Limang taon na rin ang nakakalipas. Ano bang kinekwento niya sa inyo?"
"Sasaktan mo daw siya, papatayin mo daw kami. Mga ganun, kaya nga nagulat ako nung nakita kita. Nakita ka kasi namin sa mall, hinahanap mo si Lorraine, kaya paniwalang-paniwala na ako sa kanya."
"Kaya ko siya hinahanap, Kasi mamamatay tao siya. Hinahanap siya ng batas."
"Asan ba si Lorraine?"
"Nasa bahay, Kasama niya si Angela."
Nanlaki ang mata ng dalawa sa narinig, napatigil sa pag inom ng kape ang Chief. Umuulan kasi sa labas kaya malamig at masarap magkape.
"Ramon, Tawagin ang SWAT team, magkakaroon tayo ng Operation para mahuli si Lorraine."
"Yes Sir." Lumabas na si Ramon.
"At ikaw Carl, Mauna ka na doon, magiingat ka, Pero may sasabihin akong mahalaga sayo."
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Oh Readers, kilala niyo na kung sino ang Killer, Ngayon, Paano naging ganun ang ugali ni Lorraine? Ang next chapters ay flashbacks 5 years ago, Which is Connected sa Slumbook 1. Kaya sana binasa niyo muna yun, sana nagustuhan niyo, nalalapit na ang pagtatapos
Chapter 13. (5 years ago: The Gift)