Chapter 4. (Ang unang pahina)

1.7K 57 2
                                    

Nakauwi na galing ng mall si Angela at Lorraine. Habang si Lorraine pa din ay balisang balisa kung bakit siya natunton ng sinasabi niyang ex boyfriend niya, nagtago siya para magbagong buhay, pero hindi niya inaakalang masusundan siya nito.

"Kwentuhan mo naman ako tungkol sa Lalaking yun." Request sa kanya ni Angela.

"Siya si Ramon, naging boyfriend ko siya noong 2nd Year high school ako, Mabait naman siya noong nanliligaw palang siya. Hanggang sa umabot kami ng isang taon, Loyal naman siya sa akin, Pero......"

"Pero ano?"

"Nagulat nalang ako isang araw nung namatay yung lalaking nagtanong ng number ko."

"Pano nangyari yun?" Pagtatanong ni Angela.

"Pinatay niya Mismo yun sa Harapan ko." Naputol ang boses ni Lorraine at Umiyak, Niyakap naman siya ni Angela para maging komportable ang dalaga, laban sa mga traumatic experiences na nararansan niya.

"Basta Ipangako mo sa akin Angela na hindi mo siya hahayaang mahawakan ako ha?"

"Oo, Promise yan Lorraine. Kahit buhay ko pa ang maging kapalit."

Natulog na ang dalawa, hindi pa rin alam ni Lorraine kung anong magiging kapalaran niya kinabukasan, mahahanap kaya siya ni Ramon na matagal na niyang tinatakasan? O maaring madamay rin sina Angela dahil nalalapit ito kay Lorraine? ABANGAN.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kanina pa kumakatok ang Maid nina April sa kwarto niya pero kanina pa walang sumasagot.

"Miss April. Gumising na po kayo. Aalis pa po kayo ng Papa niyo."

*Tok, Tok, Tok*

"Miss April?" Mga ilang Oras na rin siyang kumakatok pero wala pa rin talagang sumasagot, ang tanging naririnig lang ng katulong ay ang Tunog ng Aircon sa loob.

So sobrang tagal, Kinuha niya nalang ang susi ng Kwarto, Pinasok ang Susi nito, Pinihit at *Click* bukas na ang Silid. 

"Bakit Sobrang lamig naman dito." Nakayakap sa sariling sinabi ng Maid.

Malamig na malamig ang kwarto, parang hindi kakayanin ng Normal na taong matulog dito. Nakita niya si April na nakatalukbong ng Comforter, halatang nilalamig na ito dahil balot na balot ito ng makapal na kumot.

"Miss April? Gumising na po kayo." Yinugyog ng Katulong si April, pero hindi pa rin ito gumagalaw.

"Miss April?" Tinanggal niya ang pagkakataklob ng Comforter kay April.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

Napatili siya sa nakita, Lumapit ang ibang katulong sa kanya, Sukang suka ang iba sa nakita ng kanilang mga mata. Habang ang iba naman ay gulat na gulat sa mga pangyayari hindi nila akalaing may makakagawa ng ganon kasaklap kay April, Mabait itong bata at hindi nila inaakalang may makakaaway ito at makakagawa sa kanya ng masama.

Bumungad sa kanila ang Nakadilat na mga mata ni April. Nakanganga ito, Nalaslas ang kanyang leeg at kitang kita ang kanyang laman dahil sa makikita mong malaking hiwa sa leeg nito. Tila baboy itong kinatay dahil may nakatusok pang blade sa kanyang mga mata.

Ulo palang ni April ang natatanggal sa pagkaka taklob, pero hindi pa naalis sa pagkakatakip ang kanyang leeg pababa. Dumating ang Tatay ni April, pati na rin ang ina niya. Naiyak ang ina niya sa nakita niyang pagkakababoy sa kanyang anak. Matapang na inalis ng Tatay ang pagkakataklob ng comforter sa tiyan ni April.

Nung tinanggal niya ang Comforter, Bumungad sa kanila ang lumuwang Laman Loob ni April. Mula sa pagkakahati nito mula sa kanyang Dibdib, Pababa ng Puson, Lumuwa na ang kanyang bituka, atay at balun balunan. Medyo tumigas na rin ito dahil sa sobrang kalamigan ng Lugar.

Isang misteryo ang hindi pa nila natutukoy, Bakit ganon kasaklap ang pinagdaanan ni April habang siya ay natutulog?

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"O sige, Papunta na ako diyan."  Binaba na ni Angela ang Cellphone niya.

"Anong nangyari?" Tanong ni Lorraine sa kanya.

"Patay ni si April. Kailangan nating pumunta doon."

"Naguumpisa na ang pagbawi niya.." Ang sinabi ni Lorraine kay Angela.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dumating sila sa Morgue kung saan Icrecremate si April. Nandun sina Victor, Denise, Carl, Angela, Lorraine, at ang may kasalanan ng Lahat, si Trish.

*Pak.*

Sinampal ni Angela si Trish bilang pagsalubong dito.

"Kung hindi mo sana pinakialaman ang Slumbook, Hindi sana mangyayari kay April to." Ang sabi ni Angela kay April.

"Wait. What do you mean?" Pagtataka ni Trish habang nakahawak pa rin ito sa Pisngi niya.

"May sumpa ang Slumbook na yun. Kung sino man ang nagsign doon ay mamatay." Sabi ni Lorraine sa kanila.

"Wait? Nagsign din ako sa Slumbook na yun? Ibig sabihin mamatay rin ako?" Tanong sa kanya ni Denise.

"Oo, Sunod sunod tayong mamatay depende kung saang part tayo nagsign sa slumbook. Naunang nagsign si April kaya --"

"Kaya siya ang unang namatay ganon?" Tanong ni Carl sa kanila.

"Pero sino ng susunod?" Tanong ni Denise.

"Ako." ang sagot ni Victor.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ayan na, May binawi ng buhay. Napaaga ang update ko kasi may debut pa akong pupuntahan e. Sana naenjoy niya, Keep in touch! Love, Klovesred

Slumbook 2: Memento Mori [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon