"Lorraine! Gumising ka! Nananaginip ka."
Ginising ni Angela si Lorraine, narinig niya kasing sumisigaw ito kanina pa. Pagkadilat ng mga mata niya ay Iyak agad ang sinalubong niya kay Angela.
"Nahanap niya ako Anj. Pinatay niya daw kayo. Papatayin niya rin ako."
"Wag kang magalala. Hinding hindi mangyayari yun." Sabi ni Angela kay Lorraine.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Uhm sir. Magsasara na po ang Library. Bumalik nalang po kayo bukas."
Sabi nung Librarian kay Victor, every night kasi siyang suki ng Library. Siguro siya nalang ang natitirang estudyante sa Lugar, puro Guards nalang ang kasama niya.
"Sige salamat. Babalik ulit ako Bukas." Ngumiti si Victor sa Librarian at nagligpit na ng Gamit niya.
Nung lumabas siya ng Library, May nagtext sa kanya, Agad niya namang binasa ito.
Message Received from: Denise
"Asan ka?"
Nagreply naman siya dito agad.
"Kakalabas ko lang ng Library, Pauwi na ako."
Message Sent to: Denise
*BLAG*
May pumalo ng Paddle sa Ulo ni Victor, Kaya nawalan siya ng malay.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kakatapos lang maligo ni Denise nang may nagtext sa cellphone niya.
Message Received from: Victor
"Puntahan mo ako dito sa School. Dalian mo."
"Ano naman kayang meron? Dis oras na ng gabi, nandun pa rin siya sa School."
Dinalian niyang magbihis at dumiretso kaagad siya sa School nila, kahit 7:00 pm na.
Pagkarating niya roon, tinanong niya ang guard kung nasaan si Victor.
"Uhm. Manong Guard, nakita niyo na po bang lumabas si Victor?" Tanong niya, lagi kasing si Victor ang pinakahuling lumalabas sa school, kaya kilala na siya ng mga Staffs.
"Hindi pa nga e. Hindi ko alam kung bakit napa gabi ang uwi nung batang yun."
"Samahan niyo naman po akong hanapin siya oh. Natatakot kasi akong hanapin siyang magisa eh."
Sinamahan ng Guard si Denise na hanapin si Victor sa Loob ng school. Mga ilang minuto na rin silang naghahanap ng makita niya ang cellphone ni Victor sa lapag.
"Cellphone po to ni Victor, Manong Guard." Sabi ni Denise sa Guard, nagmasid-masid naman sa lugar ang guard dahil hindi pa rin nila makita si Victor.
Tiningnan ni Denise ang Inbox neto at nagulat siya sa nakita niya.
Message Received from: Denise
"Asan ka?"
Nagulat siya sa nabasa niya, Paanong makakapagtext siya ng ganito eh naliligo siya ng mga oras na yun? Imposibleng mangyari kusang magtetext ang cellphone niya kay Victor.
"May nagpapaikot sa amin dito." Sabi nI Denise sa sarili niya.
Pinatong ni Denise ang Cellphone ni Victor sa nakatakip na drum ng tubig. Nagaanatay siya na may mangyayaring maganda, pero wala pa rin.
"Ma'am. Baka kanina pa ho nakauwi ang kasama niya, Kanina pa tayo naghahanap eh. Ipagpaliban nalang natin hanggang bukas ang paghahanap sa kanya." Nagrereklamo na ang Guard sa sobrang tagal ng Proseso nilang dalawa.
"Sige na, Salamat sa tulong mo. Pag nakita niyo kaagad si Victor, Ipagbigay alam niyo po kaagad sa akin. Maraming salamat!"
Tuluyan ng naghiwalay ng landas ang dalawa.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kinabukasan, isang masangsang na amoy ang sumalubong sa estudyante ng mga university. Maraming tao ang nagkukumpulan, at nakatakip ang ilong. Nakisiksik si Denise sa maraming tao para makita kung ano ang meron dun.
Nakita niya ang Drum kagabi kung saan niya pinatong ang cellphone ni Victor. Kinabahan siya sa nakita niya, at sa nararamdaman niya. Sana mali ang kutob niya.
Dumating ang Pulis, Binuksan nila ang Naka Padlock na drum.
Pagkabukas nila ay umalingasaw ang masangsang na amoy na nakapagpasuka pa sa ibang estudyante sa Loob ng University.
Itinumba nila ang Drum, sabay ng pag agos ng Tubig ay ang pagsalubong ng Patay na katawan ni Victor na hindi na makilala dahil sa sobrang babad na sa tubig. Kulubot na rin ang mga balat nito at sobrang namumutla.
Dumating sina Angela at Nagulat din sila sa nakita.
Habang minamasdan ang bangkay ni Victor ay may nagtext kay Angela.
Message Received from: UNKNOWN NUMBER.
"KILALA KO ANG PUMATAY KAY VICTOR. AT SI DENISE IYON."