Isang madilim na gabi, Nagdadrive ng Kotse si Carl, Kasama ang girlfriend niyang si Angela. Kakagaling lang nila sa Party ni April, Debut kasi nito. Napakabilis mag drive ni Carl kaya naman kinausap siya ng girlfriend niya.
"Babe, Bagalan mo naman yung pag dadrive mo, Kinakabahan ako eh."
"Ano ka ba Angela, Simula High School palang eh nagdadrive na ako diba? Kaya ko to, Atsaka wala namang tao sa kalsada ngayon eh."
"Pero please? Iba talaga yung pakiramdam ko."
"Kiss muna?"
"Ano ba yan?"
"Sige na?"
Ilalapit na sana ni Angela yung Lips niya sa pisngi ni Carl pero napatigil siya ng may nakita siyang babae sa gitna ng kalsada. Naiwas naman ni Carl ang kotse kaya napadpad sila sa di Kalayuan.
"Buhay pa ba siya?" Tanong ni Carl.
"Hindi ko alam, Ang sabi ko kasi sayo dahan dahan lang magdrive eh."
Lumabas sila ng Kotse para tingnan yung babaeng muntik na nilang masagasaan kanina, nakahiga ito sa kalsada at walang malay, naglakad sila papunta sa kanya para malaman kung buhay pa ba ito o hindi na.
Chineck ni Angela yung mga pulso ng Babae, at nalaman niyang buhay pa ito.
"Babe, Buhay pa siya, dalhin agad natin siya sa hospital."
Kaya dali dali naman siyang binuhat ni Carl, Pagkabuhat sa kanya nito ay may nahulog na Itim na Kwaderno. Pinulot naman yun ni Angela.
"Ano ka ba Anj, Iwanan mo na yan diyan."
"Ayoko nga, mamaya mahalaga to sa kanya."
"Osige sige na, basta dalian mo, para madala na natin siya sa hospital."
Ipinasok nila ang walang malay na babae sa kotse ni Carl at dumiretso na sila sa hospital.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Makaraan ang ilang oras, nagkaroon na ng malay ang babae kanina. Unti unti niyang idinilat ang kanyang mga mata, nakita niyang ang puting kisama ng Hospital, nasa tabi niya si Angela ng magising ito.
"Uhm. Hello, Okay ka lang ba?" Tanong ni Angela sa babae.
"Sino ka?"
"Ako si Angela, You can call me Anj. Ano nga palang pangalan mo?"
"Bakit ako nandito? Anong nangyari sa akin kagabi?"
"Muntik ka na kasi naming masagasaan kagabi, Nawala ka ng malay, Kaya dinala ka namin dito sa Hospital. Pwede ko na bang malaman kung anong pangalan mo?"
"Ako si Lorraine, Lorraine Delos Reyes."
"Anong ginagawa mo at dis oras ng gabi ay naglalakad kang magisa?" Tanong ni Carl sa kanya.
"Nanggaling ako ng Batangas, Wala na akong pamilya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta."
"Sa Bahay ka nalang tumuloy, Ako lang naman ng magisa dun, Para din may maiwan sa bahay pag pumapasok ako sa School." Alok ni Angela sa kanya.
Tiningnan ni Carl si Angela, at sinenyasan niya itong lumabas muna, para magusap sila, kaya naman lumabas ang dalawa para magusap ng hindi naririnig ni Lorraine.
"Teka, sigurado ka bang papatuluyin mo sa bahay yan? Eh kagabi lang natin nakita yan ah? Malay mo kung sino pang masamang loob yan."
"Ano ka ba Carl, Okay lang yun. Mukha namang mabait eh, Atsaka, Kumalma ka lang diyan, I can handle."
Nung tapos na silang magusap, Pumasok na sila, Mababasa mo sa mukha ni Lorraine ang kalungkutan dahil alam niyang siya ang pinagusapan ng dalawa.
"Alam ko naman kung ano ang Pinagusapan niyo eh, Mapagkakatiwalaan akong tao, atsaka sisiguraduhin ko sa inyong wala akong gagawing masama. Sana magtiwala kayo, wala lang talaga akong matuluyan, bago lang ako dito sa maynila."
"Sige na nga! Basta pag may nangyaring masama dito kay Anj malalagot ka sa akin!" Paniniguro ni Carl kay Lorraine.
"Maraming salamat, tatanawin ko itong malaking utang na loob sa inyo. Hindi kayo magsisisi sa inyong binigay na tiwala sa akin, promise yan." Napaluha si Lorraine sa sobrang galak at dahil sa kanyang narinig.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nung umokay na yung pakiramdam ni Lorraine, inuwi na siya ni Angela. Tanggap na tanggap naman siya ng dalawa, wala naman kasing kasama sa bahay si Angela, tanging katulong lang nila, kaya madaling makakapag adjust si Lorraine sa kanyang bagong tuluyan.
Kinabukasan, sinundo na ni Carl si Angela sa bahay nila, sabay kasi silang pumapasok sa School, kotse ang gamit nila.
Pumasok na sa kotse si Angela, at iniandar na ito ni Carl. Sa may frontseat, katabi ng mga stufftoys ni Carl, nakita ni Angela ang Notebook ni Lorraine.
"Ito yung notebook ni Lorraine diba?"
"Oo nga pala. Ibalik mo nalang sa kanya mamaya, Nakalimutan ko kasing ipaabot nung hinatid ko kayo kagabi eh."
"Slumbook pala to." Sabi ni Angela. "Pero bakit walang laman? Tingnan mo?" Ipinakita ni Anj ang notebook sa kanyang boyfriend at ipinagpatuloy nalang nito ang pagdadrive. Pagkatapos niya itong tingnan ay ipinasok nalang niya yun sa loob ng kanyang bag.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagsasalamin sina Trish at Angela ng mapansin ni Trish ang bag ni Angela, napansin niya rin ang notebook na nasa loob nito.
"Friend, Ang tanda mo na nagsslumbook ka pa?" Pang aasar ni Trish sa kanya.
"Manahimik ka nga diyan Trisha. Hindi naman sa akin yan eh."
"Eh kanino ba kasi to?"
"Kay Lorraine."
"Yun ba yung babaeng muntik ng masagasaan ni Carl Last, Last night? Yung weirdo? She's a total weird huh, Bakit naman may notebook siyang ganito?" Binuklat niya yung notebook at binasa ang ilang pahina. "And omygosh, bakit may ganitong tanong: 'Paano mo gustong mamatay?' Shocks, she is a total Psycho."
"Wag mo nga munang i judge yung tao, hindi pa naman kasi natin siyang lubusang kilala eh."
"Yun nga eh, Hindi mo pa siya kilala, pero pinatuloy mo agad siya sa bahay mo."
"Manahimik ka na nga lang diyang Trisha kung wala kang magandang sasabihin. Nambwibwisit ka na naman ng araw." Niligpit niya na yung gamit niya tapos umalis na sa Cr.
"Anj Wait! Don't leave."
Nakalabas na si Angela, Kaso hindi niya napansing naiwanan niya ang Slumbook sa pangangalaga ni Trish.
"Iiwanan mo ako ha, Ewan ko nalang kung anong mararamdaman ng Weirdo na yun kapag nagsign ako sa Slumbook na ito ng walang paalam.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Tapos na po yung Chapter 1! Sana naenjoy niyo, bukas po ang update ng Chapter 2 ;)