Prologue

6.6K 87 3
                                    

Naalala mo pa ba ang childhood enemy mo?

Kakamot-kamot sa ulo ang napapanot ng Kapitan ng Barangay San Isidro. Suko na ito sa pag-aayos ng dalawang pamilyang mortal na magkaaway ng kanilang lugar.Halos araw-araw na lang kung magharap-harap sila.

Ang pamilyang Manlulupig na kinabibilangan nina Tito Edwin 45 years old, Tito Frank 40 years old, at ang sampung taong gulang na batang lalakeng si Simon.

Ang kabilang panig naman ay ang pamilyang Sta. Monica, na sina Tita Mahinhin 38 years old, Tita Mayumi 35 at ang walong taong gulang na batang babaeng si Ava.

Madalas sa barangay ang dalawang pamilya, dahil sa away ng dalawang bata ay nakikisali naman ang mga matatanda.

Katulad na lamang ng araw na iyon.

Naglalaro ng tumbang preso ang mga batang lalake, sa harap ng bahay ng mga Manlulupig. Laging taya ang batang si Simon. Napipikon na ito, at hindi nito nagugustuhan ang pagiging taya. Hindi kayang habulin ni Simon ang mga kalaro dahil mabibilis tumakbo, matapos matumba ang lata. Nang hindi na ito makatiis, pinulot na lang nito ang lata at inihagis kung saan.

"Ayoko ng maglaro, magsiuwi na kayo!" sabi ng bata sa mga kalaro.

"Ang daya mo naman Simon, pikunin ka lang eh! lagi ka kasing taya!" pang-aalaska ni Abet, isa sa mga batang lalake na kalaro ni Simon.

May narinig silang palahaw na iyak sa katapat na bahay, ang batang si Ava! na noo'y naglalaro naman ng manika, kasama ang kaibigan. Sapu-sapo ng batang babae ang dumudugong noo,tinamaan ng inihagis na lata ni Simon.

Nagsitakbuhan ang mga bata palapit kay Ava.

"Naku Simon yari ka! tinamaan mo si Ava, nasugatan ang noo niya." sabi ni Abet. Tumakbo ito patungo sa bakery na pag-aari nina Ava, at tinawag ang mga tiyahin nito.

"Bakit hindi ka kasi umilag? Ayan tuloy tinamaan ka!" paninisi ng batang si Simon.

"Ikaw talaga Simon, ikaw na nga ang nakatama eh! ikaw pa ang nagagalit? magsorry ka kaya kay Ava!" wika naman ng matabang batang si Patty, kalaro at kaibigan ni Ava, wala itong puknat sa pagkagat ng hawak na hamburger.

"Bakit ako magso-sorry? wala 'kong kasalanan!" sagot ng batang si Simon.

"Bad ka talaga Simon!" sambit ng pahikbi-hikbing si Ava, hawak ang dumudugong noo. Lumapit ito kay Simon, at sinipa ang salbaheng bata.

Tinamaan ang harapan nito!

Napaigik ang batang lalake, hindi maipinta ang mukha.Binalak gumanti, kaya iniumang ang kanang kamay upang suntukin si Ava.

Siya namang pagdating ng mga tiyahin ni Ava.

"Hoy! hoy! napakasalbahe mo talagang bata ka, ikaw na nga ang nakasakit, ikaw pa itong matapang?" halos nanlalaki ang butas ng ilong na saway ni Tita Mahinhin. Ang kasama naman nitong si Tita Mayumi ay lumapit at inalo ang umiiyak na pamangkin.

"Mahinhin,bakit mo sinisigawan yong bata? nasaktan din nman si Simon ah! Sapul pa nga yong gitna ng harapan ng pamangkin ko." sabi naman ng parating na si Tito Edwin.

"Ayan diyan kayo magaling mga Manlulupig! mano bang pagsabihan niyo yang pamangkin niyo para naman marunong umako ng kasalanan, hindi yong kinakampihan niyo pa!" galit na sigaw ni Mahinhin.

"Huwag ka namang sumigaw Mahinhin, hindi bagay sa pangalan mo. Hayaan na natin ang mga bata, tutal nakaganti na rin naman si Ava, napuruhan niya ang kaligayahan ng pamangkin ko. Baka nga kami pa ang dehado, alam niyo namang si Simon ang pag-asa, para maparami ang lahi ng mga Manlulupig." wika naman ni Tito Frank, palabas ito ng bahay ng mga ito.

"Kayo pa ang dehado ha? nakita niyo na ngang ang pamangkin namin ang duguan! ipapa-medico legal namin si Ava, magkita-kita tayo sa barangay!" taas ang mga kilay na sabi ni Tita Mayumi. Hinila nito si Ava papasok ng bahay upang bigyan ng paunang lunas ang sugat nito.

"Hindi kami makakapayag na hindi magbayad ang mga Manlulupig Kapitan! aba'y sobra sobra na ang pang-aapi nila saamin! Kitang kita naman ang ebidensiya duguan ang pamangkin ko!" exaggerated na sabi ni Mayumi.

"Overacting ka naman masyado Mayumi, halos gasgas lang naman ang sugat ni Ava!" sagot naman ng iritadong si Frank.

"Ayan! diyan kayo magaling mga Manlulupig! akala niyo kahit gasgas lang ay hindi kami nasasaktan.." makahulugang litanya ni Mayumi.

Napailing si Frank. "Lumabas din ang totoo Mayumi, hindi ang tungkol sa mga bata ang ipinagpuputok ng butsi mo, ang tungkol sa nakaraan natin. Kung sana kasi, ibinababa mo yang pride mo eh di masaya tayong nagsasama ngayon!"

Nagkatinginan ang mga lupon at ang Kapitan. Napailing ang mga ito.

"Dapat lang yun sainyo, mga babaero!mga manloloko!" galit na sigaw ni Mayumi.

"Sandali, sandali wag kayong magsigawan dito. Naririnig kayo ng mga pamangkin niyo. Pag-usapan niyo na lang ng maayos yang personal niyong alitan Mayumi, Frank." awat ng kunsumidong Kapitan. Napatayo pa ito sa kinauupuan.

Walang nangyaring pagkakasundo sa Barangay Conciliation ng dalawang pamilya. Sa halip, lalo pang nagkainitan ang mga ito.

Maging ang dalawang bata ay halos araw-araw din kung magbangayan kaya, lumaki silang mainit ang dugo sa isa't-isa..

*****

Hello mga bi!! Isa na namang kilig love story ang handog ko sainyo..
Hope to leave you a smile, lesson and inspiration. Please comment, vote and follow.. Thank you so much!

This story was also uploaded in my you tube channel (Nerie's Stories).

Married to a Playboy (Tagalog Love Story/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon