Part 13

1.5K 23 0
                                    

Nagising si Ava na kumakalam ang sikmura. Nagtungo siya sa kusina, may mga pagkaing nakahain sa mesa.

Pinakiramdaman niya si Simon sa kabilang kwarto, wala na ito. Ibig sabihin maaga itong umalis. Ano pa bang nakakagulat? malamang maaga na namang  nambabae ang magaling na lalake!

Naalala  niya ang pinag-usapan ng mga staff niya. Hindi niya naibibigay ang obligasyon niya kay Simon bilang asawa nito.

Kaya ba sa iba nito hinahanap?

Kahit na! wala man lang ba itong respeto sa kanya? Kahit naman maling akala lng ng pamilya nila kaya sila naging mag-asawa ay pumayag pa rin naman ito na makasal sila.

Mas nangibabaw ang pagnitngit ng kalooban ni Ava kaysa sa gutom na nararamdan, kaya hindi niya ginalaw ang mga pagkain, naligo siya at pagkatapos ay nagtungo na sa trabaho.

Sa isang fast food chain na lamang siya mabilis na nag-agahan. Iniwasan niyang magkasalubong sila ni Simon sa opisina ng araw na iyon. Pero kahit hindi na pala siya mag-effort ay hindi naman sila magkikita dahil ayon sa napagtanungan niyang staff nito ay nasa field si Simon.

Nakatanggap siya ng mensahe mula rito, susunduin siya sa uwian, pero dahil masama pa rin ang loob sa asawa ay maaga siyang umalis ng opisina.

Hindi dumiretso si Ava sa bahay nila, sa halip sa isang mall, nag-ikot ikot muna siya. Nang makaramdam ng pagkahapo, ay saka niya naisipang umuwi. Alas siyete na iyon ng gabi.

Dalawang bahay pa ang pagitan bago makarating ang kinalulunanan niyang taxi sa tapat ng kanilang  bahay. Nahagip ng mga mata ni Ava ang asawa, pasakay ito sa sasakyan ni Andrea!

Nagpupuyos na naman ang kalooban niya. Sa suot nitong shorts sleeve button down, beach short at beach hat ay alam niya kung saan ito pupunta.

Sa birthday party ni Jacob Lorenzo! ang anak ng Ceo ng MCC, gaganapin iyon sa private resort na pag-aari ng pamilya nito. Invited ang lahat ng empleyado ng MCC sa birthday party ni Jacob.

Dahil hindi naman siya sanay sa mga party ay wala siyang balak na pumunta, pero ngayong nakita niya ang asawa at kasama na naman si Andrea ay nagbago ang isip niya. Kinuha ni Ava ang cellphone sa bulsa ng bag at tinawagan si Jacob, minanduhan ang taxi driver na dalhin siya sa isang hotel.

*****

Palabas ng restroom si Simon habang hawak ang kanyang cellphone. Tatawagan niya ang asawang si Ava, upang masigurong nakauwi na ito ng bahay.

Kanina sa MCC ay kulang dalawang oras niya rin itong inantay, hanggang sa may nakapagsabi sa kanyang maagang nag-out si Ava.

Ilang beses niyang sinubukang i-dial ang number nito subalit hindi nito sinasagot ang tawag niya.

Napabuntong hininga si Simon.

Akma na siyang hahakbang pabalik sa party ng may makasalubong na tatlong lalakeng kapwa empleyado. Katulad niya'y nakaswimwear outfit din ang mga ito, mga bisita rin ni Jacob Lorenzo. Kaarawan nito ngayon, at nag-organize ng isang night pool birthday party.

"Ayos talaga mamili ng babae si Sir Jacob, ang hot ng kasama niya ngayon Pare!" himig naiinggit na sabi ng isa sa tatlong lalake.

"Tol ano ka ba! Si Ms. Ava ang kasama niya yong assistant manager niya sa isang project, yong konserbatibo manamit at palaging nakasuot ng malaking antipara." tugon naman ng isa.

"Siya ba yun? Sinasabi ko na nga ba, konting bihis at ayos lang dun tiyak na lulutang ang ganda at kaseksihan nun!" sabi muli ng unang nagsalita.

"Totoo Pare! Gusto ko nga sanang lapitan, kaya lang ayaw hiwalayan ni Sir Jacob!" sabi naman ng pangatlo.

Napahinto si Simon sa paghakbang. Kunot noong napatingin sa mga manyak na lalakeng ang pinag-uusapan ay walang iba kundi ang kanyang asawa!

Napansin siya ng mga ito at binati.
"Magandang gabi Engineer! ang saya ng party ni Mr. Lorenzo!" bati ng mga ito sa kanya na iginalaw pa ang mga katawan upang isabay sa beat ng tugtog.

"Sino ikamo ang kasama ni Jacob ngayon?" salubong ang mga kilay na tanong niya sa mga ito.

Sumeryoso naman ang mukha ng tatlo, nagtataka sa nakikitang galit ni Simon.

"Ah.. Si Ms. Ava ho!" napakamot sa ulong sabi ng isa.
"Balita nga ho namin, magbibigay siya ng song number ngayong gabi! " tugon din ng isa.

Nag-apoy ang mga mata ni Simon.

"Engineer atin atin lang naman to, pero balak mo rin bang lapitan si Ms Ava?" tanong pa ng isa sa tatlong lalake.

Kwinelyuhan ito ni Simon, at tinitigan ng matalim. "Hindi ko lang siya lalapitan, kukunin ko si Ava dahil pagmamay-ari ko siya! Kaya walang sino man sainyo ang may karapatang tumingin sa kanya! Kahit pa si Jacob Lorenzo!" nagngangalit ang ngiping sabi niya sa mga ito.Gulat namang nahintakutan ang tatlo.

Maya-maya'y narinig nila ang tinig ni Jacob sa mikropono, nagpasalamat ito sa lahat ng dumalo at ipinaalam ang  song number ni Ava.

*****
   
   
   
   
   
   

     

     
   
   
   
   

Married to a Playboy (Tagalog Love Story/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon