Part 10

1.6K 30 0
                                    

"Ava!" bulalas ni Mayumi. Bumaba ito sa sa isang Mitsubishi L300 na nakaparada sa tapat ng kanilang bahay.

"Tita Mayumi?!" tuwang salubong niya sa tiyahin.

"Ako nga pamangkin, kumusta na?"

"O-okay naman po." tugon niyang matapos magmano sa tiyahin ay yumakap rito.

"Kumusta kayo rito Ava?" tanong naman ng palapit na si Frank na bumaba rin sa L300.

"Tito Frank!?" halos sabay silang nagulat ni Simon.

Tumingin siya sa tiyahin, nagtatanong ang mga mata. Ano't magkasama ngayon ang dalawa?  Sa pagkakaalam niya labis ang galit ng tita Mayumi niya sa tiyuhin ng asawa.

"Alam mo naman ang nanay Ising Ava, hindi mapakali hangga't di nasisigurong maayos ang lagay mo dito sa Maynila. Kaya inutusan akong personal na bisitahin ka, tiyempo namang luluwas si.. si Frank, sumabay na ako sa kanya, para hindi na ako mag commute." paliwanag ng tiyahin.

Tumango si Ava at lihim na napangiti, may kung anong kakaiba kasi sa awra ngayon ng tiyahin, nagniningning ang mga mata nito.

"Ganun ho ba? tara na po sa loob." yakag naman ni Simon.

Inutusan ni Ava si Simon na lihim na kunin ang mga gamit niya sa guestroom at ipasok ulit sa masters bedroom, dahil doon matutulog ang tiyahin niya.

Si tito Frank naman ay sa sofa sa salas. Kapag nakita ni Mayumi, ang mga gamit niya sa guest room, tiyak na mabibistong hindi sila natutulog sa iisang kwarto.

Baka isipin pa nitong hindi maayos ang pagsasama nila ni Simon at sabihin pa sa lola niya! tiyak na mag-aalala ang matanda. Tutal kinabukasan lang naman, babiyahe na ulit ang mga ito pabalik sa Del Gallego.Tiniyak lang na maayos ang lagay nila. At ayon nga sa tiyahin, dadaan din umano ang mga ito sa Divisoria mamimili ng mga kailangan sa panaderya.

*****

"Halos wala na tayong unan, ginawa mo ng pader lahat." reklamo ni Simon ng pumasok na ito ng silid. Ang tinutukoy ay ang mga unan na ilinagay ni Ava sa gitna ng kama, upang may harang sa pagitan nila.

"Mabuti na yong sigurado." wika niya at nag-umpisa ng humiga, pagkatapos ay nagtalukbong ng kumot.

"Ava, hindi kita pipilitin sa isang bagay na hindi ka pa handa." seryosong sabi ng asawa.

Napahanga  siya sa sinabi nito, kahit pala kilalang babaero si Simon, marunong namang rumespeto.

Alas 6 ng umaga ng magising si Ava, may naramdaman siyang mabigat na brasong nakayakap sa kanya. Nalingunan si Simon na  mahimbing na natutulog at nakasiksik sa likuran niya.

Nang igala ang mga mata'y nasa sahig na ang mga unan na ipinangharang niya kagabi. Napangiti siya bakit parang ang sarap sa pakiramdam ang makulong sa mga bisig ng asawa. Ninamnam niya ang mga sandaling iyon ng ilang minuto. Nang umungol si Simon, ay agad niyang tinanggal ang braso nito at nagmadaling tinungo ang banyo upang maligo.

Gustong kurutin ni Ava ang sarili dahil nagtungo siya sa banyo ng hindi dala ang susuoting damit, mapipilitan tuloy siyang lumabas ng nakatapi lang ng tuwalya, at kunin sa mga maletang nakatago sa tokador ang susuotin niya. Maging panloob ay hindi siya nakapagdala.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng banyo, nakahinga ng maluwag ng makitang malalim pa ang tulog ng asawa. Pinilit niyang pagaanin ang mga hakbang upang hindi makalikha ng ingay. Hanggang sa marating ang closet at maghalungkat roon, nahirapan siyang maghanap ng susuotin dahil makalat ang pagkakalagay ni Simon.

"Ang kinis naman pala ng kutis mo, bakit lagi mong itinatago sa likod ng saya at long sleeve blouse?" matamis ang ngiting sabi ng asawa sa likuran niya.

"Oh my God!"gulat siyang napaharap dito, tutop ang dibdib." bakit ka ba nanggugulat!?"

Tumawa ang lalake, nakadapa ito sa kama paharap sa kanya at pilyong hinahagod ng tingin ang katawan niya. "Sabagay ayos lng din sakin, dahil gusto ko ako lang ang makakakita sa katawan mo!" kibit- balikat pang sabi nito.

"W-wag mo nga kong bosohan!" aniyang halos magkandadapa sa pagmamadaling makabalik sa banyo. Sa pagkataranta ay nahulog pa sa sahig ang hawak na panty. Pulang pula ang pisngi niyang pinulot iyon.

Lalo namang lumakas ang tawa ni Simon.

Married to a Playboy (Tagalog Love Story/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon