Naniningkit ang mga mata ni Simon ng makita ang asawa sa entablado, habang umaawit.
Hindi ang pagkanta ni Ava ang ikinakagalit niya sa halip, ang suot nitong kulay puti at mahabang lace beach dress! Dahil maaaninag sa dress nito ang kulay itim na bikini. Lantad ang magandang kurba ng katawan nito.
Ikinapupuyos ng kalooban niya, pero hindi masisisi ni Simon ang mga kalalakihang naroon sa party kung pagpantasyahan man ang asawa niya. Lumabas kasi ang tunay nitong ganda!
Nakalugay ang mahaba at unat na buhok, walang suot na eyeglasses at may konting kolorete ang maamong mukha. Katulad sa unang pagkakataong nakita niya ito sa JS Prom nila noong highschool..
Pero ang ayaw niya, ay ang akto ni Jacob! malalagkit ang titig nito sa asawa niya, tila gusto itong hubaran at animo kasintahan kung umasta.
Inantay niyang matapos ang piyesa ng kanta ni Ava, ng makababa ito ng stage ay agad niyang hinila pakubli sa malagong halaman.
Napapitlag si Ava dahil may humablot sa braso niya pagbaba ng stage.Si Simon! Madilim ang anyo nito.
"Simon ano ba, bitawan mo nga ako!" pilit niyang tinatanggal ang kamay nito sa braso niya.
"Bakit ka narito!?"galit na tanong nito.
"Empleyado rin ako ng MCC, kaya invited ako sa party na to!"
"Alam ko Ava, pero ang tanong ko bakit ganyan ang suot mo!?"
"Ito ang dresscode Simon dahil pool party ito! tsaka wala kang pakialam! Ikaw ba pinapakialaman ko sa mga ginagawa mo?"
Ano ba ang gusto ng lalakeng to, magsuot siya ng blouse at saya sa ganitong okasyon?
Tinitigan siya ng matalim ng asawa, dumiin ang mga kuko nito sa braso niya. "Ano ba ang problema mo Ava, bakit ka nagkakaganyan?"
"Simon! nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." nakangiting wika ng palapit sa kanilang si Andrea. "Oh, Hi Ava! You have such a soulful voice!" nakangiting baling naman nito sa kanya.
Dahan-dahan siyang binitawan ng asawa ng dumating ang babae, tila lumambot ang anyo nito.
Higit naman iyong ikinarebelde ng puso niya. Hindi niya pinansin si Andrea, akma na niyang iiwan ang mga ito ngunit sinaklot ulit ng asawa ang braso niya.
"Tinatanong kita Ava! bakit nagkakaganyan ka?" kumikislap sa galit ang mga mata ng lalake.
"Ikaw ang problema ko Simon, Ikaw!ang pagiging babaero mo!" mababa ngunit matigas niyang sabi.
Pagkatapos ay tinalikuran na niya ang dalawa bago pa siya maiyak, dahil kinakain ng matinding selos ang sistema niya kapag nakikita niya si Andrea na kasama ang asawa.
Gulat namang naiwan ang dalawa.."Simon bakit hindi mo sabihin sa kanya ang tungkol saatin?!" mungkahi ni Andrea.
Napabuntong hininga si Simon at napailing.
Tuloy tuloy ang party sa resort. Malakas na tugtog, tambak na pagkain sa food station, mga bisitang nagkakasiyahan, nagkakantahan at nagtatampisaw sa pool, habang may mga hawak na kopita ng alak. Ang kapaligiran ay binibigyang liwanag ng mga string bulb lights.Si Ava ay tahimik lang sa isang tabi at nakaupo sa gilid ng isang lounger habang umiinom ng juice.
Nilapitan siya ni Jacob. Nakasuot ito ng swimming trunks at may dalang wineglass.
"Dapat sa ganito kasayang gabi, wine ang iniinom mo at hindi juice." nakangiting sabi ni Jacob inagaw sa kanya ang hawak na baso ng orange juice.
"Ah, hindi ako umiinom Jacob."
"I know, pero pwede mo naman siguro akong pagbigyan kahit ngayon lang birthday ko naman!" nangungumbinsing sabi nito.
Atubiling tumango si Ava, pigil ang hininga ng lagukin ang alak. Napangiwi siya at nagpunas ng bibig matapos lumagok.
"Mapait lang yan sa umpisa, pero kapag nagtagal, tumatamis na." kumuha pa ulit ng kopita ng alak si Jacob sa waiter na dumaan at iniabot sa kanya.
Isinenyas ni Ava ang kamay tanda ng pagtanggi.
Nakaunawa namang nagkibit balikat na lalake si Jacob, naupo rin ito sa isang lounger katabi ng inuupuan niya.
"By the way, salamat nga pala sa pagpunta ngayon at sa song number mo." sabi ni Jacob.
Nung isang linggo ng puntahan siya ni Simon sa office niya at yayaing maglunch sa labas ay magaan ang pakiramdam niy. Kaya napapakanta siya, hindi niya napansin noong nasa likuran pala niya si Jacob kaya narinig nito ang pag-awit niya, nakiusap na kumanta siya sa birthday party nito.
"Walang anuman yun."nginitian niya ito.
"May talent ka sa pagkanta Ava, marami akong kilalang recording company na pwede kang pasikatin."
"Naku, hindi ko naman talaga gustong i-push through ang pagkanta, ang pangarap ko ay maging successful na engineer."
Napatango tango si Jacob.
"May gusto sana akong sabihin sayo Ava.." sumeryoso ito.Pero hindi iyon nabigyan ng pansin ni Ava, dahil nagawi ang paningin niya sa kabilang dako ng poolside. Naroon ang asawa niyang si Simon, nakaakbay ito kay Andrea at pinapaligiran ng mga kababaihang halos maghubad na sa harapan nito!
Pakiramdaman niya'y inapak-apakan ang puso niya. Ang kapal talaga ng Manlulupig na tong lokohin siya ng harap-harapan!
Nagulat si Jacob ng agawin niya sa kamay nito ang kopita ng alak na iniaabot sa kanya kanina. Dahil tinanggihan niya iyon, pero ngayon ay inisang lagok niya lang. Bagaman, nagtataka ay napangiti ito.
Ang mga sumunod ay si Ava na ang kusang kumukuha ng sariling alak sa mga nagro-roving na waiter. Pakiramdam niya'y sa pamamagitan ng pag-inom, kahit papaano'y maiibsan ang sakit na nararamdaman ng puso niya.
"Ava, ang sabi ko inom lang hindi magpakalasing." awat sa kanya ng kaharap na si Jacob.
"Sinong lasing? Hindi pa ko lasing nu!" aniya kahit ang pakiramdam niya'y tinamaan na siya. "Wooh! ang sarap pa lang malasing!" tumayo si Ava at tumalon-talon sumabay sa beat ng mabilis at malakas na tugtog.
Maya-maya'y sumuray siya. Mabuti na lang at maagap ang mga kamay ni Jacob. Mabilis itong nakatayo at naalalayan siya sa beywang.
"Opss! lasing ka na nga Ava." naiiling ngunit malapad ang ngiting sabi ni Jacob.
"Kaya ko pa nu!" sabi niyang hinubad ang suot na mahabang lace beach dress. "Jacob patutunayan ko sayong kaya ko pa, tara maligo tayo." hinila niya ang kamay ng lalake at umakto na silang lulusong sa pool.
"Umuwi na tayo Ava!!" sabi ng isang nagngangalit na tinig. Si Simon! marahas nitong kinuha ang kamay niya na nakahawak kay Jacob..
BINABASA MO ANG
Married to a Playboy (Tagalog Love Story/Completed)
RomanceSi Ava Sta. Monica ay lumaki sa poder ng mga tiyahing matatandang dalaga at konserbatibong lola. Ekis sa kanila ang mga LALAKE dahil sa paniniwalang lahat ng lalake sa mundo ay BABAERO! And there's Simon Manlulupig, ang kapitbahay nila at kababata n...