Part 15

1.7K 27 0
                                        

Dala ng pagkalasing, naniningkit ang mga mata ni Ava ng tumingin sa asawa. "Umuwi ka mag-isa mo!"

"Huwag mo kong sagarin Ava Maria Purisima!!" halos magputukan ang litid sa leeg na sabi nito, hila ang kamay niya palayo.

Sinundan sila ni Jacob. "Teka lang Mr. Manlulupig, saan mo dadalhin si Ava?" matigas naman ang tinig na tanong nito.

"Layuan mo si Ava, Jacob Lorenzo!" nagbabantang sabi ni Simon.

"At ano ang karapatan mong sabihin sakin yan!?" mataas ang boses na sagot ni Jacob.

Dahilan upang matuon sa kanila ang atensiyon ng lahat. Maging ang tugtog sa party ay huminto rin.

Si Ava ay nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak ng asawa.

Nakita iyon ni Jacob, kaya akma siyang tutulungan.

Subalit malakas itong itinulak ni Simon, pagkatapos ay inundayan ng malakas na suntok. Napaatras ito at nasapo ang pumutok na bibig. Nang makabawi ay aktong gaganti ng suntok subalit nakailag si Simon.

Saka naman nagsilapitan ang mga bisita at inawat ang dalawang nag pang-abot.

"Uulitin ko Jacob Lorenzo, layuan mo ang asawa ko!!" malakas na pahayag ni Simon, idinuro pa nito si Jacob.

Natigagal ang lahat sa narinig, nagbulungan.

Maging si Jacob ay nagulat, pero maya-maya'y nagpumiglas ito sa pagkakapigil ng dalawang empleyadong umawat rito. Saka matalim ang titig na ipinukol kay Simon. "Makakarating to sa Daddy ko Engr. Manlulupig!"

"Go ahead iparating mo, ipaabot mo na rin ang resignation ko effective ngayong gabi!" walang bahid pag-aalalang sagot ni Simon. Pagkuwan ay tumalikod na ito at kinaladkad ang asawa palabas ng resort...

Walang nagawa si Ava ng pasalya siyang paupuin ni Simon sa passenger seat ng isang magarang sasakyan. Pagkatapos ay pumwesto na rin ito ng driver seat. Hindi ito nagsasalita pero sa mga kilos nito'y makikita ang matinding galit, dahil padabog ang mga kilos.

Nayakap ni Ava ang sarili ng maramdaman ang aircon sa loob ng sasakyan. Nanunuot ang lamig sa katawan niya dahil bikini lang ang suot niya.

Napansin naman iyon ni Simon kaya bago nito patakbuhin ang sasakyan may dinukwang ito sa backseat, isang kulay rosas na sundress.

Napangiti siya ng pagak, kung hindi siya nagkakamali ay kay Andrea ang sundress na iyon!

Ibinato iyon sa kanya ni Simon. "Suotin mo baka mapulmonya ka!" sarkastiko ang tinig nito.

Hindi siya nagsalita pero ibinalik niya rito patapon din ang sundress, tumama sa mukha nito.

"Stop being stubborn Ava!" this time ay ilinagay na nito  sa kamay niya ang dress.

Umismid siya, pagkatapos ay ibinato sa likod ang sundress. Ayaw niyang suotin ang isang bagay na pag-aari ng babaeng karibal niya. "Ibalik mo na lang ako sa resort!"

"Para ano? para magpatake advantage kay Jacob Lorenzo?"

"Wala kang pakialam!"

Hinablot ng asawa ang braso niya, nag-aapoy ang mga mata nito ng titigan siya. "Asawa kita Ava!" 

"So ngayon kini-claim mong asawa mo ko, dahil ano? Dahil  hindi ako ngayon ang kadalasang Manang, baduy at pangit na asawang ikinahihiya mo?" nang-uusig na sabi niya rito.

Pakiramdaman ni Ava kulang pa ang mga nainom na alak para mapalis ang sakit na nararamdan ng puso niya, na idinudulot sa kanya ng babaerong asawa!

Binitawan siya ni Simon. Ilang beses itong huminga ng malalim, pagkatapos ay nagtatagis ang mga bagang na pinaharurot na ang sasakyan.

Tiniis ni Ava ang nararamdamang lamig. Ang ginawa niya'y nagsumiksik na lang sa gilid ng upuan ng sasakyan, habang yakap ang sarili.

Habang ang asawa naman ay panay ang sulyap sa kanya at napapa-iling na lang.

Bente minutos lang, nakarating na sila sa BF Homes. Bumaba ng sasakyan ang asawa at lumigid ito sa pwesto niya, binuksan ang pinto ng sasakyan.

"Ayoko pang pumasok sa bahay, ibalik mo ko sa resort, gusto ko pang uminom!"pagmamatigas niya.

"At kelan ka pa naging lasinggera!?" kulang na lang ay sakalin siya ni Simon sa labis na kunsumi sa kanya. Hinila siya nito pababa ng sasakyan, at papasok ng bahay.

"Simon ano ba? bitawan mo nga ako!" halos magkandadapa siya sa paglakad dala ng pagkalasing at mabilis na paghatak nito.

Idineretso siya ng lalake sa banyo ng master's bedroom. Itinapat sa dutsa at binuksan ang shower.

"Ayan! para mahimasmasan ka!" nagpaparusang sabi nito sa animo sutil na anak.

Napasinghap si Ava ng maramdaman ang malamig na tubig mula sa shower. Agad niyang napunasan ng nga kamay ang basang mukhang dinadaluyan ng tubig.

Sa halip na mahimasmasan ay higit siyang nasaktan, dahil harap-harapan na nga siyang niloloko nito, ito pa ang may karapatang pagmalupitan siya!

Tiningnan niya ito ng masama, pagkatapos ay dumistansiya sa shower. Lumapit siya kay Simon at pinagbabayo ang dibdib nito. Ang suot nitong short sleeve polo ay nabasa na rin.

"Dahil sayo! dahil sayo, kaya ako nagkakaganito! Hindi ko alam kung paano pa akong makakalayo sa mayabang at babaerong tulad mo gayong ipinakasal pa ko sayo!" sabi niya sa pamamagitan ng paghagulhol.

"Wala akong babae Ava!" bumaba ang tinig ni Simon. Tila ito ang nahimasmasan sa ginawa sa kanya.

"Sinungaling! Sinungaling ka Manlulupig!" patuloy siya sa pagbayo sa dibdib nito, habang naglalandas ang mga luha sa pisngi niya.

Nakalas ang butones ng suot nitong polo, nahablot niya rin ang suot nitong designer necklace at napigtas ito. Nalaglag sa sahig at gumulong ang pendant nitong singsing, nakilala ni Avang ito ang wedding ring nila...

******
     
     
     
     
  

   

Married to a Playboy (Completed/Tagalog Love Story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon