Part 7

1.6K 26 0
                                    

Sa Maynila maninirahan ang bagong mag-asawa, dahil sa Maynila rin magtatrabaho sina Ava at Simon, sa isang kilalang engineering company. Nirekomenda sila ng papa ni Simon. Mabilis naman silang natanggap, dahil bukod sa recommendation ay maganda ang background nila sa mga Unibersidad na pinasukan.

Walang humpay ang bilin nina Lola Ising, at ng mga tiyahin bago sila bumiyahe pa Maynila.

"Ava, huwag na huwag kang magpapaapi diyan sa asawa mo! kapag may ginawang kalokohan sabihin mo agad saamin at susugod kami sa Maynila!" bilin ni Tita Mahinhin.

"Pakiramdaman mo lagi yang si Simon baka mambabae rin yan, babaero pa naman ang lahi niyan!" wika naman ni tita Mayumi.

"Apo ko malayo itong Del Gallego sa Maynila, palagi kang mag-iingat at palagi mo kaming tatawagan ha!" naluluhang sabi naman ni Lola Ising, malungkot sa unang beses na mapapalayo ang pinakamamahal na apo.

"Opo lola." naiiyak rin na niyakap niya ang abuela.

Bumili ng bahay sa BF Homes Parañaque ang mga magulang ni Simon para sa kanilang dalawa. Isa iyong bungalow type fully furnished at may ilang mga gamit na rin. Dalawa ang garahe at pagpasok sa loob ng bahay ay dalawa rin ang kwarto, isang masters bedroom at isang guest room.

"Hija, gusto kita para sa anak ko, sana magmahalan kayo habang buhay." nakangiting sabi sa kanya ng biyenang si Irene.

Kasalukuyan silang naghahanda ng hapunan noon, sinamahan sila ng mga ito sa regalong bahay sa kanila, sumabay paluwas ng Maynila. Ayon kay Irene kahit hiwalay sila ng Papa ni Simon ay pinaghandaan nila ang kinabukasan ng anak, isa na nga itong bahay pinag-ipunan nila ito ng matagal na panahon para maibigay sa anak kapag may sarili na ring pamilya.

"Pagpasensiyahan mo na lang si Simon kung pasaway minsan, alam mo na lumaking walang kasamang babae, pero mapagmahal yang batang yan!" nakangiting dugtong pa nito

Nginitian din ito ni Ava atsaka tumango.

Nang maihanda na nila ang nilutong kare-kare ay sabay-sabay na silang naghapunan.
Kita niya ang tuwa ni Simon habang pinagmamasdan ang mga magulang. Mistulang nagsasamang mag-asawa pa rin kasi ang mga ito, ipinaglalagay ni Irene ng kanin at ulam si Mario sa plato nito. Patunay na naging matalik na magkaibigan pa rin, pagkatapos na maghiwalay.

Pasado alas otso na ng gabi ng magpaalam ang mga magulang ni Simon, si Mario ay uuwi sa townhouse nito sa Rizal at si Irene naman ay sa tinutuluyang hotel. Kinabukasan, ay babiyahe na agad ito pabalik sa Europa.

Nang makaalis na ang mga ito ay agad na nagligpit si Ava. Naroon siya sa Masters bedroom at hiniwalay ang mga gamit niya na nakalagay pa sa maleta. Ililipat niya ito sa guestroom at doon siya matutulog. Hindi pwedeng sa iisang kwarto lang sila ni Simon, hindi pa siya handang maging ganap na asawa ito.

"Saan mo dadalhin yang mga gamit mo?" tanong ni Simon ng makita ang ginagawa niya.

"Sa guestroom ako matutulog." sagot niya

"Bakit akala mo ba gagapangin kita?" kunot noong tanong nito.

"Malay ko ba!"

"Hoy Ava! Mahiya ka nga!" wika ni Simon, na hinagod siya ng makahulugang tingin mula ulo hanggang paa. "palagay ko mas pagnanasaan ko pa yong nakita kong katulong sa katapat na bahay kaysa sayo." tatawa-tawang sabi nito.

"Nakakainis ka talaga Mr. Manlulupig!" inis na sabi niya.

"Ang cute mo Mrs.Manlulupig!"

Bago pa man niya mabato si Simon ng nahawakang figurine ay nakapasok na ito ng banyo at ilinock ang pinto. Narinig pa niya ang mapang-asar na halakhak nito.

*****

Married to a Playboy (Tagalog Love Story/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon