Araw ng kasal nina Mayumi at Frank.
Si Ava ang nagsilbing wedding singer. Emosyonal nitong inaawit ang To Grow old with you ni Adam Sandler..
Sa pinakasulok ng mahabang upuan sa loob ng simbahan ay malayang pinagmamasdan ni Simon ang asawa. Mula noon hanggang ngayon ay nae-estatwa siya sa taglay nitong kagandahan. Manang o sexy man ang pananamit, habang kusang gumuguhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Napabuntong hininga siya at napailing.
Sayang nga lang at hindi buo ang tiwala nito sa kanya. Kung ang annulment ng kasal nila ang magpapasaya rito ay ibibigay niya kay Ava, labag man sa loob niya..
*****
Ang reception ay ginanap sa isang kilalang hotel sa bayan. Habang kumakain ang mga bisita ay nag-umpisa ng magbigay ng mensahe sa bagong kasal ang malalapit na kapamilya.Alam ni Ava na nagtataka ang mga ito kung bakit magkalayo sila at tila hindi nag-uusap ni Simon. Siya ay nasa table nina Patty kasama si Lola Ising, Tita Mahinhin at Abet. Habang si Simon naman ay nasa kabilang lamesa, kasama sina Tito Edwin, ang tatay nitong si Mario at si..si Andrea!
Nagpupuyos ang kalooban niya dahil hindi man lang siya nito makuhang tapunan ng tingin. Tila hindi siya nito kakilala, kanina ngang nagkasabay sila sa buffet table ay hindi man lang siya pinansin at iniwasan siya. Isa pa sa ikinabahala niya, ng tanungin siya ng isa sa pinsan nito. Kelan daw ang lipad ni Simon patungong Europa, ang alam daw kasi ng mga ito ay susunod ito sa ina. Wala siyang naisagot dahil hindi niya alam ang bagay na iyon.
Huling nagbigay ng mensahe si Mario. Matapos nitong batiin ang bagong kasal at magbigay ng payong buhay may asawa sa mga ito ay nagimbal siya sa huling sinabi ng biyenang lalake..
"Gusto ko lang ding kunin ang pagkakataong ito upang ipakilala sa lahat si Andrea!" umpisa ni Mario, pumagitna ito habang yakag si Andrea.
Napayuko si Ava. Alam ba ng Papa ni Simon ang pangbababae ng anak at kinukunsinti nito? gusto niyang sumigaw sa labis na sama ng loob.
"Gusto kong ipakilala sa lahat si Andrea Manlulupig, ang nag-iisa kong anak na babae!" pag-aanunsiyo ni Mario.
Napatango ang lahat at winelcome ng mga ito si Andrea sa pamilya.
Si Ava naman ay napaangat ng mukha, anak ni Papa Mario si Andrea sa kinakasama nito ngayon, ibig sabihin half sister ito ni Simon at hindi kabit?!
Pakiramdaman niya'y binuhusan siya ng malamig na tubig.
Dumako ang mga mata niya sa asawa, na noo'y tumingin din sa kanya. Malungkot ang mga mata nito.
Siya ngayon ang nag-iwas ng tingin. Nagkamali pala siya ng panghuhusga rito.Hindi niya alam kung paano babawiin ang mga sinabi kay Simon.
Nakita niyang nagexcuse ito sa mga kasama sa mesa, tumayo at lumabas ng hotel.
Siya namang paglapit sa kanya ni Andrea. "Ava, my beautiful sister in law! sorry for what happened between you and Simon." niyakap siya nito.
"A-andrea pasensiya ka na rin hindi ko alam na magkapatid kayo."
"Don't say sorry, natural lang ang naging reaksiyon mo, naiintindihan kita. Pero yong isa mukhang nagtatampo pa yata." nakangiting wika ni Andrea ang tinutukoy ay ang kanyang asawa. "Know what, halos mabaliw na ang kapatid kong yun ng hindi ka maabutan sa bahay niyo. Balak ka na sanang sundan dito sa province, unfortunately I had an accident and muntik ng makunan. Kaya inabot ng ilang araw bago kami nakasunod."
Nahihiya siyang napatango. Pagkatapos ay agad na nagpaalam sa hipag upang sundan si Simon..
*****
BINABASA MO ANG
Married to a Playboy (Tagalog Love Story/Completed)
RomansaSi Ava Sta. Monica ay lumaki sa poder ng mga tiyahing matatandang dalaga at konserbatibong lola. Ekis sa kanila ang mga LALAKE dahil sa paniniwalang lahat ng lalake sa mundo ay BABAERO! And there's Simon Manlulupig, ang kapitbahay nila at kababata n...