Part 5

1.6K 28 0
                                    

"Bagay kayo ng manliligaw mo, The Ugly and the beast!" mapambuskang sabi ni Simon.

"Pakialam mo ba? Gwapo mo nu?!" inis na sabi niya akma na itong pagsasarhan ng gate.

"Oo naman! crush mo nga ako eh!" wika naman nitong iniharang ang katawan.

"Kapal mo!"

"Uy, Ano to? love letter? Pahiram nga ako para magamit ko sa bago kong nililigawan." sabi ng binata, walang abog na inagaw ang notepad na ibinigay ni Abet.

"Manlulupig ano ba!? akin na nga yan!" halos umusok ang ilong na sabi ng dalaga. Pilit na inaabot ang notepad na itinaas nito. Dahil matangkad si Simon ay todo ang tingkayad niya.

Ang bully naman niyang kapitbahay  ay ilinagay iyon sa likuran nito, pagkatapos ay  itinaas ulit at pinaikot na naman sa likuran.

"Agawin mo muna sakin."

"Simon, naiinis na talaga ko!!" nagngangalit ang ngiping wika ni Ava.

"Sarap pala pakinggan kapag ikaw ang nagbigkas ng pangalan ko!" tatawa-tawang sabi pa ng mapang-asar na binata.

"Hindi mo ba talaga ibibigay sakin yan?" pasigaw ng sabi ni Ava. Gustong gusto na niya itong tirisin napakapakialamero!

"Kunin mo muna!" panunudyo nitong bigla na lamang isinuksok sa loob ng suot na shorts ang notepad.

Nanlaki ang mga mata ni Ava. Napaatras siya.

"Bastos mo talaga!"

"Kailangan mo to diba? Kunin muna, ayan ibinibigay ko na sayo." pilyo ang ngiti ng lalake, na itinuro pa ang ibaba ng puson at ibinuka ang suot na  shorts, lumabas ang suot nitong puting brief.

"Kadiri ka Manlulupig!" tinakpan ni Ava ang mga mata.

Tumawa ito ng malakas, pagkuwan ay tumalikod tumawid at pumasok na sa bahay ng mga ito.Sinundan ito ng dalaga.

"Simon!" gigil na sigaw ni Ava.

"Yes Sweetie!?" lumingon ito at kumindat.

"Akin na yang notepad ko!" lukot na lukot na ang mukha ng dalaga.

"Kunin mo." nang-iinis pang sabi nito. Dinukot ang notepad mula sa loob ng shorts at iwinagayway iyon, habang naglalakad papasok sa sala ng mga ito.

"Isaksak mo sa baga mo yang notepad!" nagdadabog na sabi ni Ava. Akma na siyang tatalikod upang bumalik na sa bahay nila.

"Manang Ava!" nakatawa pa ring turan ng binata.

Ganun na lang ang pagkadismaya niya ng makitang may pinilas itong isang page ng papel sa notepad. Nanginginig na sa galit ang dalaga. Paningin niya kay Simon ay may mga sungay ng oras na iyon, na kung nagkataong may hawak siyang matalas na gunting ay kanina pa niya pinutol!

Sinugod niya ito sa salas. Subalit tumakbo naman ito papasok sa silid nito. Sinundan niya si Simon. Kailangan niyang maagaw dito ang notepad bago pa mapilas lahat.

Nang maabutan niya si Simon ay agad niyang hinablot ng malakas ang suot nitong sando.Napunit  iyon, kaya hinubad na lang ng pasaway na lalake. Nakakuha siya ng pagkakataon ng bahagyang maibaba nito ang kanang kamay,agad niyang kinuha ang notepad subalit  mahigpit pa ring hawak iyon ng binata.

Pareho nilang hawak ang magkabilaang cover ng kawawang papel!

"Akin na tong notepad ko!"wika ni Ava.

"Akin na to!" pagmamatigas naman ni Simon.

Maya-maya'y biglang bumitaw ang lalake, dahilan upang maout balance si Ava dahil sa higpit ng hawak niya sa notepad. Subalit, bago pa siya matumba sa kama ay nahatak niya ang shorts ni Simon. Sabay silang bumagsak sa kama. Naibabawan siya nito. Magkapatong ang mga katawan nila at halos dalawang sentimetro na lang ang pagitan ng labi nito sa labi niya.

"Ava Maria Purisima!!" narinig nilang sigaw ng hysterical na si lola Ising. Nakatayo ito sa nakabukas na pintuan ng kwarto ni Simon, panay ang sign of the cross.

Kasama ang dalawang tiyahang nakasungaw rin sa may pintuan, maging ang dalawang tiyuhin ni Simon. Gulat ang reaksiyon ng mga ito. Sina tita Mayumi at tita Mahinhin ay tutop ang mga bibig, sina tito Frank at Tito Edwin naman ay pailing-iling at napapakamot sa ulo.

Bigla niyang itinulak si Simon. Agad naman itong tumayo, inayos ang halos lumawlaw na short dala ng pagkakahatak niya...

*****
   
   
   
   
   
   
   
   
  

Married to a Playboy (Tagalog Love Story/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon