Parehong engineering ang course na kinuha nina Ava at Simon pagdating ng kolehiyo. Kasalukuyan na silang nasa ikalimang taon.
Nagpasalamat si Ava dahil magkaiba ang pinasukan nilang eskwelehan. Wala ng mang-aabala, mangbubully at sisira ng mga araw niya. Makakapagfocus siya sa pag-aaral.
Pero sa kasamaang palad, ay kung bakit magka-iba na nga sila ng pinapasukang University, madalas pa rin namang nasa campus nila si Simon at kung sinu-sino ang mga nililigawan o ginagawang girlfriend nito.Isang hapon kasalukuyang inaaayos ni Ava ang kanyang mga gamit sa locker room. Kakatapos lang nilang maglaro ng badminton. Nakapagbihis na siya noon ng mapasigaw. May kung ano o kung sino kasing sumuot sa saya niya.
Nanghilakbot ang dalaga! Bagaman nakasuot siya ng pantylet, pakiramdam niya'y makikita na nito ang lahat-lahat sa kanya.
"Ava wag kang maingay! wag mo kong ituturo ha!" sabi ng taong biglang sumuot sa saya niya. Pamilyar ang boses nito.
Si Simon! may tinataguan ito, at sa saya pa niya napiling kumubli!
"Excuse me, may napansin ka bang nagawi ritong lalakeng matangkad, blonde ang buhok, gwapo at charming!?" sabi ng isang seksing babaeng lumapit sa kanya. May mga kasama itong tatlong lalakeng malalaki ang katawan. Galit ang mga ito, nakakuyom ang mga kamao.
"H-ha!?" si Simon ang tinutukoy nito na kasalukuyang nasa ilalim ng saya niya.
"Hinahanap kasi namin ng mga Kuya ko si Simon ko, hindi na kasi siya nagpakita sakin after may mangyari samin!" umarte pang maiiyak ang babae.
"Ah..kasi," hindi malaman ng dalaga ang dapat na sabihin.
"Sige Miss kung sakaling mapagawi rito, timbrehan mo kami." matigas na sabi ng isa sa tatlong lalakeng malalaki ang katawan. Tumalikod na ang mga ito.
Saka naman itinaas ng dalaga ang saya kinurot at sinipa palayo sa kanya si Simon.
Tiningnan siya nito ng masama at ilinapit pa ang hintuturo sa bibig upang isenyas na huwag siyang mag-ingay.
Binalewala niya lang iyon."Sandali!" tawag ni Ava sa mga kausap kanina.
Lumingon ang mga akmang paalis na. "Andito siya!" pagkakanulo niya kay Simon.
"Babe!" lumapit kaagad ang babae sa nakaupong si Simon at niyakap ito.
"Sumama ka samin!" galit na sabi ng tatlong lalake. Kinaladkad si Simon palabas ng locker room.
Bago tuluyang nahatak ng mga ito si Simon ay inambahan siya nito ng kamao at inangilan.Tila sinasabing sumbongera! Lagot ka talaga sakin!
Iningusan lang ito ni Ava. Hindi siya natatakot kay Simon Manlulupig!
Buti nga sayo babaero! bugbog ka ngayon.Ga-graduate ka na lang ng College immature ka pa rin! hmp! gusto niyang isigaw kay Simon.
Nagkamali itong sa saya niya pa nagtago! Ang nakakapagtaka ka lang ay kung paano itong nakakalabas masok sa kanilang University.
Kawawa ang makakatuluyan ni Manlulupig! bukod sa babaero na, ay ewan lang kung paano itong nakaabot ng pang limang taon sa kursong civil engineering, ganitong hindi naman niya ito nakikitaan ng kaseryosohan sa pag-aaral. Puro pambababae lang ang alam.
*****
Alas 5 ng hapon ay may bisita si Ava.
Si Abet, may ibibigay umano itong mahalagang gamit niya na nawawala. Pinagbuksan niya ito ng kanilang gate ng dumating.
Nahagip ng mga mata niya si Simon sa katapat na bahay nakatayo ito sa nakabukas na gate ng bahay din ng mga ito. Nagkakape, may mga pasa sa mukha.
Nakaramdam siya ng kahit papaanong guilt. Nabugbog nga yata!
Umasim ang mukha ni Simon ng makita nito ang bisita niya, lalo't may bitbit na bulaklak si Abet.
Nasa isang oras din silang nag-usap ni Abet, hindi rin naman lingid sa kanya na gusto nitong manligaw pero ngayon palang ay tinatapat na niya. Wala siyang panahon sa pakikipagrelasyon, focus siya sa pag-aaral. Ayon kay Abet handa umano itong mag-antay. Nang magpaalam na ito ay inihatid niya ito palabas.
"Ava ito nga pala yong notepad mo na nawawala, napulot ko sa corridor ng school nung isang araw," nakangiting sabi nito inabot sa kanya ang bagay na mahalaga sa kanya.
Ang notepad na yun ay naglalaman ng mga research niya sa ginagawang thesis. Nalaglag iyon sa bag niya, mabuti na lang at nakita pala ni Abet.
Lumiwanag ang mukha ng dalaga.
"Naku! Salamat Abet, mabuti at ikaw pala ang nakapulot.""Walang anuman, cge na tapusin mo na yong thesis mo, mauuna na ko." paalam ni Abet.
Nakangiti siyang tumango.
Nang makaalis na ang owner type jeep ni Abet ay nilapitan siya ni Simon...
*****
BINABASA MO ANG
Married to a Playboy (Tagalog Love Story/Completed)
Roman d'amourSi Ava Sta. Monica ay lumaki sa poder ng mga tiyahing matatandang dalaga at konserbatibong lola. Ekis sa kanila ang mga LALAKE dahil sa paniniwalang lahat ng lalake sa mundo ay BABAERO! And there's Simon Manlulupig, ang kapitbahay nila at kababata n...