[ Terence POV ]
“Ano Terence kagabi mo pa ako hindi kinakausap ah ..” galit na tanong sa akin ni Agatha
“Busy ako Agatha”
“Ano bang problema mo?” biglang sigaw nito sa kabilang linya
“Wala! Gusto ko lang ng space masyado ka nang nakakasakal”
“But hon—“
“Just leave me alone for a while I need to think everything between us” at pinatay ko na ang tawag niya. Siguro ito na lang tanging way para mapag-isipan namin kung kami ba talaga ang meant for each other masyado na kasing nagiging malala si Agatha at hindi ko na alam kung makakaya ko pa siyang pakisamahan.
* Biological Science Class *
Opps.
Klasmeyt ko siya ..
Tyempo itong seat na lang na ito ang vaccant for her ..“Doon ka na lang Miss sa kaisa-isang vaccant seat sa likod”
“Yes Ma’am” Eto na malapit na siya, chance mo na ito Terence to get closer to her dahil pumalpak ka kahapon sa P.E Class niyo. Teka nga? Bakit ba napaka-eager ko maging close kami amp.
“Here have a seat” alok ko sa kanya, hindi pa kasi siya umuupo parang hinahanap siya sa bag niya
“Thanks ..” Wow. Salamat daw with matching smile pa kahit nakayuko siya
“Hello.” Agad na bati ko sa kanya ng tingnan na niya ako
“Hi” Halata sa facial expression niya na nagulat siyang makita ako at makatabi sa 1 hour and 30 minutes na klase na iyon
“Bakit naman ganyan mukha mo? Ayaw mo ba ako katabi? Hindi pa ba tayo ok?”
“Ha?” Ano ba naman kasing hitsura iyon, akala mo nakakita ng multo at most wanted na kriminal. “Ha? Hindi naman baka napagod lang sa pagpaunta dito”
“Smile ka nga dyan?” biro ko sa kanya
-____-
“Hi. I’m Terence nga pala sorry na talaga huh, your Danielle right?”
“Yeah Danielle Ocampo, Ok na yun napatawad na kita sa pagiging bastos mo” hindi naman ako bastos malalate lang talaga ako, grabe naman ito hindi makamove-on??
“Sige ganito na lang, Are you free after this class??” ayain ko itong lumabas naudlot kasi yung kahapon dahil sa badtrip na gala namin ni Agatha
“Wa---“ wala! wala!wala yan! Wala yan! “Meron magkikita kami ng pinsan ko” ayy sayang naman
“Gusto mo samahan na lang kita para makabawi man lang ako sa nagawa ko?”
“Ha?? Hindi huwag na ok lang talaga promise”
“Please? Gusto ko lang naman maging friend ka” sabay paawa effect
“Ah! Eh .. Sige na nga” Yesssss! Tumalab din
“Thanks” at sabay na kaming nakinig sa professor namin na nagdi-discuss na ng lesson