“Nagtext ka daw Ren kay Keen na may Family Meeting tayo kaya nag under time ako” agad na bungad ni Papa ng maabutan niya kami nila Mama na nasa sala
“Yeah Daddy makikipaghiwalay na ako kay Agatha sumusobra na kasi sa pagiging paranoid”
“So anong gusto mo?” tanong sa akin ni Mama
“I have a plan Ma, I’m sure you’ll love this pati ni Papa”
“Ano iyon”
“Set me up with an engagement meeting with Mr. Ocampo’s Daughter”
“Yung anak ni Raiza?” biglang tanong ni Mama
“Who’s Raiza Ma?”
“Si Daniel Ocampo ba anak?”
“Yes Ma”
“Raiza Liezel Ferrer, Ex-Misis Ocampo” biglang sagot ni Papa
“Kilala mo din sila Mama?”
“College Friend ko si Raiza, Recently lang nagkita kami and balak namin magtayo ng isang coffee shop near your university” paliwanag ni Papa
“Kaya nasa office ako ni Daniel nung nasira yung kotse ko pinag-uusapan namin ang balak na business ng Mama mo at ni Raiza” dagdag pa ni Papa
“Teka nga Ren seryoso ka ba dyan? Kilala mo ba ang anak nila Raiza” biglang tanong ni Mama
“Classmate ko siya sa dalawa kong subject Ma”
“Do you like her?” biglang tanong ni Papa
“No Pa, I find her out of the ordinary and siya na yata ang pwedeng ipangtapat sa ugali ni Agatha”
“Pero di mo pwedeng basta na lang gamitin si Danielle for your own benefits” pagpipigil ni Mama sa gusto ko “Kasal ang pinag-uusapan ditto Terence, Once na nagkaharap na kayo alam mo iyan anak! Yung ibang babae lang ang umaatras before kaya di natutuloy na maikasal ka before. This is a serious matter honey pag-isipan mo iyan” mahabang litany ni Mama at isang tango lang ang binigay ko ditto “Ok kakausapin ko si Raiza, pag-uusapan namin iyan alam mo namang nag-iisang anak lang niya si Danielle”
“If I’m not mistaken Ma nasa culture na nila ang arranged marriage? And isa pa hindi naman talaga kami magpapakasal, Just to get rid of Agatha lang ..”
“Magpalit ka na doon at kakain na tayo, bukas makikipagkita ako kay Raiza bago siya pumunta sa resort nila ni Daniel”
“Thanks Ma”
“Basta ikaw anak hindi ka namin matatanggihan ng Papa mo diba Pa?”
“Sige na at alam kong gutom na kayo ni Keen” Sana maging maganda ang kakalabasan ng plano ko. Ayoko na talaga sa kanya at ito na lang ang tanging paraan para makaiwas ang pumasok nanaman sa isang engagement.
[ Dara’s POV ]
“WAAAHHHHH I almost forgot” bakit ba kasi nalimutan ko agad iyon ..
“Sige na mag text ka na ng sasabihin mo for your classmates then kami na bahala mag lagay ng numbers ni Reinee”
“Oo nga tama si Gia Dara ..” when I look up to them, parang may iba? parang may gusto silang sabihin na hindi nila masabi, mabuti na nga lang at maaga pa may time pa kami magkwentuhan
