** Chaper 10 ( Second Revenge - Too closer much more better )

24 0 0
                                    

[ Danielle POV ]

 

Ano bang ginawa pa niyang mali sa akin at nag-iisip ako ng revenge?

Friends na namin kami bakit bitter pa din ako sa kanya, naalala ko tuloy yung sinabi sa akin nila Gia

"Nakakaloka ka teh' hindi ka pa pala tapos sa isang iyon??" kantyaw ni Reinee sakin. Infact ok na naman talaga kami kaso hindi ko lang alam bakit parang tuwing nakikita ko siya may kung ano sa akin ang naiinis


Totoo ba iyon .. 

Bakit iba naman yata ang ikinikilos ko pag nakikita o nakakasama ko siya

"You and Terence are like dog and cat super enemy yata kayo? Magjowa ba kayo sa past life niyo diba may kasabihang the more you hate, the more you love" biro sa akin ni Gia

"Duh?? Asa naman siya maiinlove ako sa tulad niya, tanga lang ang mafall sa isang tulad nun and well that's not me"

"Ikaw na talaga! Ikaw na .."

"Teka Dara diba si Tita Ryza iyon?" sabay turo ni Reinee sa babaeng nasa kotse

"Oo siya nga Dara, umuwi na pala Mama mo"

"Dara my dear come here" tawag sa akin nito ng makitang nakatingin kami sa gawi niya

"Bakit kaya siya nandito?"

"Ayaw mo bang makita ang mama mo?" biglang tanong ni Mama ng makalapit na ako dito. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na pagkatapos niya akong gulantangin sa habilin niya at magtago sa malayo heto siya't bigla na lang uuwi na walang pasabi sino bang anak ang matutuwa ng ganun ..

"Wala po pagod lang kakatapos lang kasi ng exams ko"

"Tara sumama ka muna sakin .."

"Mag-rereview po kami nila Gia sa bahay" pagtangi ko dito, masama pa rin ang loob ko sa ginawa niya

"Saglit lang .."

"Maaga pa po ang last exam ko mama bukas"

"Saglit lang nga Dara" pamimilit pa din nito

"Sumama ka na Dara, tawag ka na lang pag-nakauwi ka na para papahatid ako kay Mang Boy sa bahay ninyo"

"Oo nga Dara tama si Reinee" dagdag naman ni Gia "Sa kanila naman muna ako mag-stay eh! Susunod na lang kami pag nasa inyo ka na"

"Tara na Ma" at nauna na akong pumasok dito matapos magpaalam sa dalawang kaibigan ko

"Uuwi ka din saglit ka lang talaga .."

"Eto na nga Ma diba sumama na ako hindi mo na kailangang ulit-ulit pa? Kaninong kotse ito? Is this yours?"

"No! Kay Tita Elaine mo ito .."

"Bakit? Magkasama kayo ni Tita?"

"Anong bakit? Hindi ba nasabi sayo ng Papa mo na ngayon natin pag-uusapan iyong engagement sa anak ng kaibigan ko"

"Kuya paki-hinto ang sasakyan .." biglang utos ko sa driver, nag-iba bigla ang mood ko

"Manong huwag po, Anak naman? Can you please listen to me just for once? Ako ang mama mo alam ko kung anong nararapat para sayo"

"Ow! C'mon Ma kalian pa naging tama ang pangunahan mo ang gusto at nararamdaman ng anak mo? Mabuti bang paraan ang ikasal ang anak mo sa murang edad? Please ma! Explain mo sakin kung tama ba yang ginagawa mo" pagtataas ko ng boses kay Mama

Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon