** Chapter 18 ( His Plan ♥ )

18 0 0
                                    

[ Terence's POV ]

Hindi ko alam anung pumasok sa utak o anong utak meron at nakuha ko pa talagang makatulog sa tabi niya, as in hindi ko alam


5 minutes,
30 minutes,
45 minutes o baka 1 hour or more than that ang oras na nakatulog ako sa tabi niya,


Halos hindi ako makamulat sa sobrang hiya,
Baka ba kasi nakatulog pa ako, habang nag-rereview kami ..
Nakakahiya tuloy sa kanya


"HEYYAHHH ...." Teka sino yun?

"AYANAKNGTINAPA"

"Huh? Anong sabi mo Dara? Anak kaya ako ng magulang ko" nakakatawa talaga siya pag nagugulat, kaya ayun tinawanan siya ng kaibigan niya pero nakakahiya pa ding dumilat, hahanap muna ako ng magandang tyempo .. "Pssttt? Ano yan bestfriend" alam ko ako ang tinutukoy niya kahit hindi siya magbanggit ng pangalan

"Ha? Eh? Ano? Naka Ano kasi" wala siya maisagot? Kinakabahan ba siya? O nahihiya siya na makita ng kaibigan niya ganun ang hitsura namin dalawa

"Uy Reinee? You're here pala? Tara sa library may naghahanap pala sayo doon" I greeted her friend and here goes my alibi 101 asarin ko kaya? Ano kaya magiging reaksyon nya? "And Dara Babe, thanks for the nap goodluck sa exams mo" yung reaksyon ni Reinee nagulat, -.- siya naman natulala halatang shock yung crowd at mga lihim na kinikilig


SORRY DANIELLE, NO CHOICE BUT TO DO THAT
KESA MAKITA MO AKO NA NAMUMULA SA HIYA,
IKAW NA LANG MUNA ..


"May gusto ka ba sa kaibigan ko?" agad na tanong niya pagkalaalis naming hindi kalayuan sa pwesto namin kanina

"Ha?"

"Wala namang tumatawag sakin, Gusto mo lang talagang umalis para hindi ka niya mapagalitan"

"Huwag mo ko susumbong ha??"

"Hala sige bumalik ka na doon at samahan siya and I won't tell her what I know"

"Salamat Reinee"

"Pero don't make her cry, as soon as possible sabihin mo na sa kanya yang nararamdaman mo dahil hindi habang buhay kayang magtago niyan at malaman mo na lang na yung taong gusto mo sa iba na pala napunta"

"Natatakot ako baka layuan niya ako"

"Psst teka" PSSST? Ano daw yun Reinee, Ito naman kung makatawag kala mo aso lang ang tinatawag niya sa kanto pero she's cute, kaya pala nililigawan siya ni Carlo ng palihim :DD


Nakabalik na ako sa pwesto namin kanina kaso lalapitan ko na sana siya kaya lang nandoon nanaman iyong lalake na lagi nila kasama , nakakairita iyon lagi na lang wrong timing kung lumapit kay Danielle ..


"Is that true?"

"Paulo ikaw pala .."

"Totoo ba iyong naririnig ko? Kayo na nga daw ni Terence Aquino" Argh. Ano naman sayo kung kami nga .. Sus. pinupormahan mo yata si Danielle e'

"Yeah.."

"Bakit labas sa ilong mo iyang sagot mo? Ano ba ito pakitang tao lang ang lahat??"

"Siya iyong ka-engagement meeting ko na kinukwento ko sayo"

"Talaga?? What a coinsedence??"

"Oo nga e, Bukod sa pagiging magbusiness partner ng mga mommies namin e college friends din sila"

"Bakit parang hindi ka naman masaya? Ayaw mo ba sa kanya like what you said na ayaw mo sa arrange marriage?" Just please say NO. Say it na hindi totoo iyon

"Ang hirap lumugar sa buhay ng taong binibigyan ka nga ng lugar hindi mo naman alam kung saan"

"Mahal mo si Terence?" halos manigas ako sa tanong nung lalake sa kanya

"Ha??"

"Nakikita ko dyan sa mga mata mo, pinipigilan mo ang sarili mo na ipakita sa kanyang mahal mo siya"

MAHAL NIYA AKO :o
Mahal ako ni Danielle??

"Alam ko naman kasing hindi din niya ako mamahalin gaya ng pagmamahal na ibinibigay ko sa kanya"

"Not all the time joke is intended to make you laugh, sometimes it is intended to make you fall inlove"

"Salamat Paulo" Para saan? Bakit kasi nakatalikod pa siya sa akin hindi ko tuloy makita reaksyon ng mukha niya e'

"Masaket makitang umiiyak ang taong mahal mo pero mas masaket kung nararamdaman mug iba ang gusto niyang makasama at hindi ikaw"

"Paulo?" UMIIYAK? Pero bakit? What did he do to her?

"Kung yung pinagbubuksan mo ng puso e ayaw tumuloy bakit hindi mo subukang bigyan ng pansin yung ibang kumakatok"

"Anong ibig mong sabihin??"

"Pag sinaktan ka niya nandito lang ako para saluhin ka never kitang bibitawan tandaan mo yan"

"Pero siya ang gusto ko"

"Kaya nga e' pag pinabayaan ka niya? Hayaan mong ako na lang ang humawak sa kamay mo, dahil kung ikaw baka bumitaw ka pa"

"Paulo? I need to go. Mag-rereview pa kasi ako sa exams ko tomorrow"

"Nandyan na ba driver ninyo?"

"Yeah nasa parking lot"

"Hatid na kita"

"Sige"

"Wala ka na bang exams??"

"Wala na e' ikaw??"

"Isa na lang para sa Mathematics, Saan ka pala mag-sembreak?"

"Hindi pa namin alam nila Gia, Well talk about that after siguro ng finals"

"Sige ayan na yung sundo mo tawag ka na lang pag nasa bahay ka na ninyo Dara"

"Sige. Bye Pau" Psh. O___O sabi ko na nga ba may gusto iyong Paulo na iyon kay Danielle e' pero totoo kayang mahal na niya ako? Sabihin ko kaya sa kanya na gusto ko din siya maniwala pa kaya siya sa akin?

"Oh? Nakita mo ba si Dara?" biglang tanong ni Reinee sakin ng makita niya ako galing sa parking lot

"May klase pa yata"

"Klase? Last subject na niya yung kanina e" gulat na sagot nito

"Ganun ba baka umuwi na hindi ko na siya nakita eh!"

"Saan ka pala magsembreak Terence?"

"Sa bahay lang siguro ikaw?"

"Wala pa ding plano eh, gusto mo ba sumama if sa batanggas kami mag-spend ng vacation?"

"Wait I have an idea Reinee" HEHE. This is the time :> panahon na para maging totoo ang lahat. I don't want to waste the oppurtunity na ibinibigay sakin kaya agad kong ibinulong ang plano ko kay Reinee

"DEAL TERENCE"

"Sige ikaw na lang bahala ha!"

"Oo! Sige uwi na ako nandyan na yung driver ko. Bye Terence"

"Sige Reinee ingat kayo"

"You too" at tuluyan na itong pumasok sa kotse



SEMESTRAL BREAK !!
I won't mess up with you habang kasama ko sila Danielle :)
All this things will be real in due time <3

Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon