** Chapter 2 ( His Side of Disaster )

112 3 0
                                    

[ Terence's POV ]

“Oo sige after na lang class ko dadaanan kita dyan sa school mo? Papasok na ako” nakakairita talaga pag may girlfriend kang laging tawag ng tawag yung tipong lahat ng kilos mo gusto niya alam niya. “Late na ako I must hurry up or else I’m dead” at binilisan ko na ang paglalakad ko matapos ibulsa ang cellphone ko


OUUCCCHHHH …
I didn’t notice that there’s a girl na papasalubong on my left side ayun tumilapon tuloy siya sa sahig,
Late na ako as in super late na I need to hurry up bahala na patawarin ako ng VALUES EDUCATION TEACHER KO NOONG HIGH SCHOOL AKO SA GAGAWIN KONG PAG-ALIS.


“Hey you mister? Hindi ka ba marunong magsabi ng sorry?” grabe ang babaeng ito, hindi ba niya alam na nasa school siya kung makasigaw siya daig pa ang barker sa jeep paano ko bang nalaman? Wala lang nadinig ko lang one time nang dumaan ako sa Cubao on my way to Makati, Huminto ako dahil mukhang dinudumog na kami ng mga estudyante sa ginawa niyang pagtawag sa akin, lumapit siya sa akin dahil dinig na dinig ko ang tunog ng sapatos niya ako naman hindi ko pa din siya nililingon dahil alam ko na nakakahiya ang ginawa kong pag alis without saying sorry at all, bumanat na nanaman siya ng mga linya niyang ewan. “I guess absent ka nung nagtuturo ng proper behavior ang teacher mo” grabe lalong dumadami ang tao kulang na lang nga camera and director saying CUTTTT !!! akala mo kasi may shooting ng pelikula

“Nag-CR ako, Ang boring kasi ng tinuturo niya” sabay harap ko sa kanya I can’t take this anymore luge na ako, Pag harap ko nagulat ako sa kanya akala ko amasona ang kaharap ko pero taliwas ito sa nakikita ng mga mata ko she’s so gorgeous ang attractive ng buong mukha niya she’s like an angel, no I mean she’s goddess “Kung may sasabihin ka pa sa akin sabihin mo na I have a class to attend ..” Terence you must stop dreaming malalate ka na sa klase mo and besides what about Agatha, Malamang sa malamang maghihisterikal iyon pag nalaman na may maganda akong na-encounter dito sa campus baka manugod pa iyon paniyak knowing that girl kahit ako ang mali ipagtatanggol pa din ako

“So do I? Lahat tayo my class pa ..” sabay tingin nito sa mga estudyante sa paligid “Hindi ka ba tinuruan sa inyo na magsorry can’t you see what happen to me? Kulang na lang magpalit kami ng mukha ng semento sa ginawa mo” grabe ang taray talaga nitong babae na ito she’s so interesting lalo na pag nagtataray siya.

“Nasaktan ka ba?” tanong ko sa kanya mukha naman talaga kasing nasaktan siya I want to get closer to her make sure if may sugat ba siya or pilay.

“Isn’t it obvious with your eyes?” at tiningnan ko siya from head to foot, PERFECT that’s the right word to describe her pero bahala na hindi ako dapat mapahiya ako kaya si Terence Cain Florencio Aquino

“Hindi naman pala e’ hahara-hara ka kasi sa daan” and I heard some gasp, ang sarap niya asarin nakikita mo kasing napipikon siya sa mga sinasabi ko at napapahiya siya sa crowd :)) akmang aambahan niya ako ng sampal

“What’s happening here?” biglang may lumapit sa kanyang dalawang babae baka mga kaibigan niya

“Eto kasing lalakeng ito ..” sabay turo niya sa akin na akala mo nagtuturo lang ng kriminal sa pulis “Binangga ako sabay aalis ng walang sorry” pero mukhang hindi yata siya narinig ng kasama cause I caught them staring at me hanggang sa pumalakpak siya para kausapin siya ng mga kasama

“Sorry -------- ^*&)%$”
“Gia was right” bulong pa ng mga ito.

Ano ba yun Jejemon?
O Martian Language para hindi ko magets

“Tara na nga .. Mukha namang walang kwentang kausapin pa yang lalake na yan” sabay hila nito sa mga kasama niya, Nilait pa ako pasalamat siya at malalate na ako sa klase ko kundi pinatulan ko na talaga itong amasona na ito.

Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon