** Chapter 9 ( Dreadful Hearsay )

40 1 0
                                    

Hindi ko alam bakit kahit gabi na pinilit ko si Mama na ibigay sa akin ang address kung saan nakatira si Danielle. Nagtataka na nga sila sa akin pero I told them na hindi ko naman talaga gusto ang anak ni Tito it's just that gusto ko lang malaman kung paano niya tinanggap ang sinabi ng magulang niya about the engagement, nasabi na kasi sa akin ni Mama na pumayag daw ang Mama ni Danielle at pag-uusapan ito after 1 month pag-uwi nila galing sa resort na ginagawa sa Boracay.

Block 4 Lot 8,

Malaki ang bahay nila at maganda

Hinanap ko agad kung saan banda ang kwarto niya

Hindi naman ako nahirapan dahil nasa labas ito ng veranda ng kwarto niya kumakain

Pero may kausap sa cellphone niya. Masyado siyang malayo kaya hindi ko madinig ang mga sinasabi niya kahit nasa may tapat na ako ng bakuran nila at mabuti na lang din walang nag-lilibot na security guards pa baka mapagkamalan akong akyat bahay. Iniwan ko kasi sa medyo malayo sa bahay nila yung kotse ko para hindi ako makita nito.

"Wala lang, *&^(%$%@@#$%^" Hindi ko talaga madinig nakakainis ,Mukha siyang malungkot base sa mukha at boses niya alam kong may dinaramdam siya ..

"Ha? Hi—*@!$%" Ano daw? Bakit kasi nakikinig ako ng usapan diba ang sabi ko titingnan ko lang

"Ok. Wait ——" at pumasok na ito sa loob ng kwart niya. After 10 minutes nakita ko siyang lumabas ng bahay nila, nakasakay siya sa kotse at siya lang mag-isa kasi nakita ko yung boy nila na pinagbuksan siya ng gate nila

"Saan kaya pupunta ito, Hindi na nga ako sumama kila Carlo para makita lang siya?" Palabas siya ng subdivision nila. Kaya sinundan ko na lang ito at baka mapahamak siya. Tuloy tuloy lang ito sa pagdri-drive and after siguro ng 45 minutes huminto ang kotse niya sa isang park at nakita ko iyong lalake na kasama niya sa mall. Bakit sila magkikita ng ganitong dis-oras ng gabi sa isang park pa? Nagdadate kaya sila?

"Hindi ba nila alam na dis-oras na ng gabi para magdate pa sila" at pumunta ako sa halamanan at umupo sa damo para hindi nila ako mapansin, marami pa namang tao sa paligid ng oras na iyon pero sa lugar namin madlaang ang nadaan kaya hindi ako pansinin kahit sila

"Mabuti pinayagan ka magdrive ng driver ninyo?"

"Sorry ha? Sabi ko kasi gusto ko mag unwind and naintindihan naman niya"

"Sabi na nga ba may problema ka Dara"

"Hindi naman masyadong seryoso"

"Sige kwento mo sa akin makikinig ako"

"Si Mama kasi alam naman niyang ayaw ko sa mga set-up, set-up na yan tsaka bata pa ako para magpakasal. Imagine? I'm only 16 years old tapos magkakaroon na agad ako ng mapapangasawa ko?" Awts. Ang sakit marinig na ayaw pala talaga niya sa ganun at ako ang dahilan ng depression niya kahit pa sabihing hindi naman sa kasalan ang tuloy nito

"Hinanapan ka ni Tita ng fiance mo??"

"Exactly without even telling me. Sinabi ko naman sa kanila na ayoko pero hindi nila ako pinapakinggan"

"Bakit ba kasi ayaw mo, bakit hindi mo subukan??"

"Hindi ako naniniwala na may magandang naidudulot yang arrange marriage na yan"

"Nameet mo na ba ang ipinagkakasundo sayo?"

"Nahh hindi pa mga 1 month pa daw after makabalik ni Mama from Boracay doon kasi pinatatayo yung bagong resort namin" Oo nga pala dahil nasa Boracay ang mga magulang niya at inaasikaso yung resort nila

Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon