** Chapter 19 ( The Game is now Officially Over T__T )

20 0 0
                                    

[ Hey! I'm here as promised :D Here's my update for this week
Hope you'll like it .. Keep reading :* but I guess medyo matatagalan yung next update since magrerevise ako ng chapter for better one
- greizie ]

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Ang ending ng brain storming namin nila Reinee ay sa rest house nila sa Nasugbo, Batanggas kami mag spend ng aming sembreak dahil sa sobrang excited ako hindi na ako nakatulog, kung ano-ano na nga ginawa ko para lang malibang. Halos ilang araw din akong hindi nakatulog dahil sa mga sinabi ni Paulo tsaka hindi na din namin napag-usapan yun nitong mga nakaraang araw sa sobrang busy sa school requirements

 

BEEEPPPP !! BEEEEPPPPP !!
Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga ko sa sofa dito sa living room nung narinig ko yung busina sa labas




"Danielle anak nandito na sila Reinee" tawag sakin ni Manang habang tinutulungan siya ni Kuya Benito na ilabas yung mga gamit namin

"Opo Manang Susing lalabas na po" Kasama si Manang Susing at Kuya Benito syempre pati si Krizel sa vacation namin, nakakuha kasi siya ng vacation leave for one week sayang nga lang at hindi pa nakakauwi si Papa from Singapore. Kasama din sa pupuntahan namin sila Paulo, Carlo, Raymart, Terence, Anne, Arianne, Keena at Reizel na kapatid ni Reinee. Doon naman nakasakay sa van namin yung parents ni Reinee kasama sila Manang at yung dalawa pang pinsan nila Reinee kami nandito sa kotse nila Reinee since mas malaki ito compare sa van namin.

"Ate Danielle?" tawag sakin ni Keena ng makita ako na lumabas ng bahay

"Hi Keena" bati ko dito sabay halik sa pisngi nito, naging close na rin kami ng kapatid ni Terence matapos ang ilang bonding na kami lang dalawa sa mall

"Ate you sit here next to Kuya, I'll transfer na lang at the back with Ate Reinee and Reizel were watching a movie kasi is it ok with you po ba?" hindi pa man ako nakakasagot ay lumipat ito ng upuan bandang likuran

"Wow huh? Boto sayo ang kapatid" sabay bulong ni Krizel sa akin bago pumasok ng sasakyan kaya napailing na lang ako buti na lang ako lang ang nakarinig

"Hello Bestfriend kami na lang ni Krizel sa tabi ni Kuya Ben" at pumasok na din si Gia sa harapan

"Babe tara na dito" Tss. Wala nanaman yata ito magawa at ako ang nakitang pagtripan ayan tuloy umugong yung katyawan nilang lahat nakakainis tuloy, makapagsoundtrip na lang nga sa ipad "Hey nakatulog ka ba?" pangungulit nito ng makapwesto na ako malapit sa bintana katabi niya

"Ha?" biglang sagot ko dito

"Sabi ko kung nakatulog ka ba Babe at dito ka matutulog?" pag-uulit nito sa tanong niya



You want some game huh?
I will give you the game you'll never forget ..
Huwag ka kaya makulet Terence lalo lang akong naiinlove sayo
Akala ko pa naman makakapag-move on na ako sa feelings ko sayo kasi 2 weeks din kitang hindi makikita pero heto ka kasama pa kita sa bakasayon ..


"Psst. Babe?" sabay kalabit nito sa akin

"Tsee. Babe ka dyan?"

"Natulog ka ba?"

"Hindi. Excited kasi ako mag-swimming"

"Excited mag-swimming o excited akong makasama?"

"Wow ha? Hindi masyadong feeling! Magtigil ka nga dyan Terence" KINIKILIG KASI AKO >.< Syempre hindi ko nasabi yun nakakahiya kaya kung sakin mismo manggagaling yun

Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon