[ Terence POV ]
"Papunta na po ako dyan Pa susunduin ko lang si Danielle sa bahay nila"
"Sige anak dito tayo sa garden ng restaurant mag dinner naka set-up na dito"
"Ah sige po baka mamaya nag-hihintay na sakin si Danielle alam niya kasi paalis na po ako ng bahay"
"Mag-ingat kayo huh?" paalala pa sakin ni Papa
"Opo" Hindi naman siya nagalit last Friday sa nagawa ko at mabuti na lang nga kami lang ang may alam ng nangyari pumayag pa naman siyang magkita kami kaya kampante akong hindi ito galit
"Terence" ANO NANAMAN PROBLEMA NETO NI AGATHA at nandito siya sa harap ng bahay naming at parang namumugto ang mata UMIYAK BA SIYA "Hmm. Hon we need to talk" at lumapit ito sa akin
"Agatha please!" sabay layo ko dito
"Bakit hon??"
"Please leave now, I'm on my way to my fiancé naghihintay na sa amin sila Papa sa restaurant"
"Engagement nanaman? I'm used to it Terence alam mo yan at ilang beses ka na bang dumaan sa ganyan simula ng naging tayo" pagtataas nito ng boses niya
"Try to listen to me this is a really serious matter! I need you to stay away from me"
"So you're going to break up with me now?" Hindi ba niya alam na wala na kami? Ilang beses ko na sinabi sa kanya pero hindi pa yata nag-sink in sa utak niya lahat ng sinabi ko sa kanya .. It's been 2 months since I broke up with her nung panahon na alam kong si Danielle na ang alam ng puso ko at hindi siya pero heto nanaman siya pinipilit na aayusin ang mga bagay na meron kami. Mahirap bang intindihin na ayaw ko na sa kanya and I don't want to hurt her feeling so I'd choose to say kung ano ang dapat niyang marinig sa akin imbes na ang mga katotohanan na matagal na ko ng tinatago sa kanya "Hindi ako papayag Terence, I know you still love me naiipit ka lang sa parents mo! We can still fix this out"
"Sige na I have to go tinatawagan na ako ni Mama, she's waiting for me ayoko naman siyang paghintayin pa ng matagal"
"Teka Terence?" bigla niyang hinawakan ang kamay ko, papasok na ako sana sa kotse nun
"Ano pa bang kailangan mo?" sabay alis ko sa kamay niya
"Seryoso ka na ba dyan sa desisyon ng parents mo na ipakasal ka sa babaeng iyon?" Oo! Oo Agatha gusto ko siya. She made me realize what love is all about I feel comfortable with her. Pero lahat ng iyon hindi ko pwedeng sabihin sa kanya, Agatha is also an important part of me and ayokong dagdagan pa ang sakit na ibinigay ko sa kanya. One heart break is enough, I don't wanna see her heart broking into little pieces
"I don't know? Siguro?"
"Baka naman kagaya din iyan ng iba na pwede mong lusutan? I don't want to lose you Hon please come back to me"
"No! This is final"
"Bakit ba kasi hindi pwedeng ako na lang kilala na naman nila ako as your girlfriend diba?"
"Kilala mo ang pamilya ko nasa lahi na namin ito at hindi pwedeng suwayin Agatha so please ako na ang nakikiusap huwag ka ng gumawa pa ng gulo"
"Hon please kausapin mo naman ako?"
"Kinakausap naman kita diba"
"Oo pero para kasing iba wala na ba akong halaga sayo?" NOT NOW .. I'm in a hurry .. "Hon baka pag nalaman niyang you have a girlfriend umatras siya please allow me to talk to her"