Prologue

318 9 2
                                    

This is my first time writing a story. Kaya kung may mga parts man na magulo, pagpasensyahan niyo muna po and feel free to comment para maitama ko. So there... The Prologue :>

-----------------------------------------

I'm Taken For Granted

by: bittersweetbiatch

Prologue

Sabi nila pagtungtong mo ng highschool, maraming magbabago. From your appearance to your inner self. Nandyan na daw yung pagkakaroon ng pimples, pagtubo ng unwanted hair, pagdevelop ng "dibdib" at pagwiden ng hips ng mga girls at pagdeepen ng boses ng mga boys.

Highschool life na nga daw ang pinakamasayang parte sa pag aaral. Sabi nga ng kanta...

High school life

From my high school life

Akin pang naaalala

High school days

From my high school days

Na ikaw lang ang kasama

Yun. Pag highschool ka na daw kasi, dun mo maeexperience ang love. Normal na daw magkaroon ka ng tinatawag nila na "lovelife" at mapalitan ang status mo ng "In A Relationship" o "I'm Taken."

Kaya...

"Will you be my girlfriend?" sabi ni Nathan Lapuz, ang lalaking pinapantasya ko for three straight years.

Naghiyawan naman mga tao sa paligid netong parking lot sa school. OA lang ha. Pero sabagay, ang sweet kasi niya. Ang effort! May balloons and a huge bouquet of roses pa! Taray no? Di ka ba kikiligin nun!?

"Yes! I will!"

Siyempre yes agad diba! Sino pa ba magpapakipot sa isang Nathan Lapuz? Cool yan eh, tahimik, varsity player ng badminton, not-so-friendly but not-the-snobbish type. Matangkad, maputi, good body built, yun bang medyo Daniel Padilla yung dating. O ano? Sino bang hindi mapapa-"yes!" sakanya diba? :">

Kaya ayun nga, "yes" ang sagot sakanya ni Karen Limpin. My close friend nung gradeschool. At ayun, they ended the kilig moment with a hug.

O ano? Akala niyo naman ako yung girl? Tss! Di no!!! NBSB ata to. No Boyfriend Since Birth!

"Uy congrats!" sabay tapik ko sa likod nila. Magkahug pa kasi sila hanggang ngayon eh.

Umalis na sila sa hugging position nila, "Thanks Jus!" hinawakan ni Nathan kamay ko. Ouch, bitaw na. May girlfriend ka na oh...

Leche.

Binitiwan naman niya. Nabasa ata isip ko.

"Wala yun no!" sabi ko with a smiling face pa.

"Jus! Ikaw pala tumulong kay Nathan para malaman niya yung mga gusto ko no? Thankyou ha :)" sabi ni Karen.

"Wala nga yun. Kulit niyo ha! Hahaha sige alis na ako. Baka maiwan pa ako ng service eh. Bye! Congrats ulit!" at yun tumakbo na ako papuntang service. Ambilis ng tibok ng puso ko.

"Tagal ha!! Ikaw nalang hinihintay oh!" sigaw ng bestfriend ko, si Steff.

"WAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!! Crush ko lang siya diba! Bat ansakit?!" sabay yakap sakanya.

Justine Patrice M. Gonzales. 14yrs old. 2nd year highschool. Lovelife? Zero.

Author's Note:

Hi! Hindi po ako jologs ha!!! XD Sadyang ang ganda lang po talaga ng lyrics ng Highschool Life by Repablikan at bagay yun dito sa prologue. Kaya ayun. Sit back & enjoy reading! :>

I'm Taken For GrantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon