Chapter 3

96 8 1
                                    

Chapter 3

JUSTINE'S POV

"Hala sorry po! Sorry po talaga!" lagot may nasipa akong tao, natumba siya tapos natapon pa yung hawak niyang softdrinks sa kanya >.<

Di siya sumasagot. Napalakas ata sipa ko eh. Syempre self-defense nga diba!!!

"Kuya?" sabi ko sakanya habang nilalapitan siya. Itatayo ko na siya, mukhang type niya kasi yung sahig eh, hindi na siya tumayo.

"ANSAKIT NUN HOY! BAT KA BA NANINIPA?! KABAYO KA BA?!" sigaw niya sakin.

Hala. Napalakas nga talaga yung sipa ko.

"Sorr---"

"SORRY?! TINGNAN MO YUNG NANGYARI SA DAMIT KO! NATAPON PA YUNG COKE NA BINILI KO OH!"

"Kaya nga po kuya. Kaya po sorr---"

"ANO BANG MAGAGAWA NG SORRY MO! MAIBABALIK BA NUN YUNG COKE NA NATAPON SAKIN!?"

ARRRRRRRRRGGGGGGHHH!!!

"COKE LANG BA YUNG IKINAGAGALIT MO KUYA!!? TUMAYO KA NA DIYAN! ILILIBRE KITA KAHIT YUNG 2 LITERS PA!!!" sagot ko sakanya. Nakakairita ha! Nagsosorry na nga ng maayos diba?!

"ETONG DAMIT KO LALABHAN MO BA?!"

"OO. AKIN NA! MAGHUBAD KA NA KUNG GUSTO MO!"

"MANYAK! KABABAE MONG TAO!" sigaw niya sakin. Ang feeling netong lalaking 'to ha! Kung magiging manyak man ako, si Nathan lang mamanyakin ko no!!!

"EH ANO PANG INAARTE-ARTE MO DYAN?! BADING KA NO?! BAKLA! GAY! BI! HOMO! UNICORN!" sagot ko sakanya.

"HINDI AKO BAKLA! MAY SAYAD KA NA!!! AKO NA NGA 'TONG SINIPA MO IKAW PA YUNG NAGAGALIT!"

Oops. Oo nga no... Pero di ako papatalo sa lalaking tulad niya!!! "SORRY NA NGA DIBA! KASALANAN MO DIN NAMAN EHI! BAT KA BA KASI BIGLA BIGLANG SUMUSULPOT SA TENGA NG MAY TENGA?!"

"EH IKAW MISS, BAKIT KA GUMAGAMIT NG BIKE NG MAY BIKE??!" sumagot siya with a tone na parang inis na inis na siya at nanggigigil. Makikita mo pa na magkasalubong na yung kilay niyang makakapal (pero bagay niya naman yung kilay niya). Omygaaahd. Ayoko pa pong mamatay :'(

TEKA...

Don't tell me sakanya bike yung ginamit ko?!

De joke. Imposible. May nakita pala akong book sa basket ng bike kanina.

Tumayo na siya at nagpagpag. Wooh ang tangkad niya! Nautal tuloy ako. "A-ano!!! Sa t-totoo lang sa friend ko yung bike eh... Kay S-S-Shayne Miranda. Nagcr lang siya kaya ginamit ko muna..." pagsisinungaling ko. "Teka, bakit ba ako nag eexplain sayo? Sino ka ba?"

Alam ko namang sa isang member ng choir etong bike na ginamit ko eh. Nakatabi nga kasi sa may pintuan ng simbahan tsaka may book nga dun sa basket ng bike, nakasulat sa spine ng book: "Property of Shayne Miranda." so babae ang may-ari neto at imposibleng si kuyang sulpot-sulpot.

"AKO LANG---" naputol ang sasabihin ni kuya kase...

"Jus!!!" biglang sigaw ni Steff. OMG friend! Ililibre kita mamaya!!! "Success! :D" sabi niya pa at nakathumbs-up pa si atey! Napatingin siya kay kuyang sulpot-sulpot. "Ay wow sino naman 'tong papabols na 'to? ;>"

TING! May suminding lightbulb sa ulo ko.

I HAVE A BRILLIANT IDEA. "Oh Shayne! Naku Shayne, antagal mo naman kasi sa cr kaya nabored ako at ginamit ko yung bike mo. Tara na, pasok na tayo sa loob Shayne. Hinihintay na tayo ng mga kachoir mo niyan eh. Ipapakilala mo pa ako diba? Dali na, baka ma'late pa ako sa auditions." tiningnan ko ng "makiride-ka-look" si Steff.

"Ahahahahaha oo nga friend. Lam mo na, LBM. Ahahaha sige tara na. A-ha-ha-ha-ha." di talaga marunong um'acting 'tong kaibigan ko oh -.-

"Ay kuya bbye na ha! Bayaran ko nalang yung natapon na coke. Tapos ibibili nalang kita ng bagong damit." kumuha ako ng ballpen galing sa bulsa ko. Kinuha ko yung kamay ni kuya.

"A-anong ginagawa mo!?" sabi ni kuya.

"Ayan number ko. Text ka nalang kung kailan mo gustong kunin yung bayad sa coke mo pati yung damit mo ha?" hinila ko na si Steff papasok sa simbahan bago pa makahirit si kuya.

"Gee!" ha? Sinong Gee? "Sus andyan ka na pala! Kanina ka pa kaya hinahanap ni Sir, lagot ka na!!! Nadala mo ba yung book ko?" sabi ng isang babaeng lumabas sa simbahan. "Uy hello!!! Sino kayo?" dagdag pa niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko. "Ah, eh..."

"SHAYNE! Oo naman nadala ko yung book mo. Ayun nga oh, nasa bike ko." nag evil smile si kuya...

HALA LAGOTTTTTT!!! JUSTINE PATRICE MUNOZ - GONZALES!!! ANONG GULO YUNG NAPASUKAN MO!?? T____T

I'm Taken For GrantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon