Chapter 2
GIAN'S POV
"OH GEE!!! GISING NA! MAY PRACTICE PA KAYO SA CHOIR DIBA!!!"
Ano ba yun ang ingay... choir daw???
ASDFGHJKLQWERTYUIOP!!! "MA BAT DI MO KO GINISING!!!" time check: 5:20pm na!!! Nagmadali akong tumakbo sa cr.
"Gee. You have one minute to brush your teeth. Goodluck!" sabi ng nakababata kong kapatid na babae na kalalabas lang sa cr. Minute to win it lang? -.-
"Gayle! Tabi!" tinulak ko siya, nakaharang kasi siya sa may pituan ng cr.
Nagtoothbrush nga ako in one minute. So time check ulit: 5:23pm na.
"Ma una na ako!" sabi ko kay mame na kasalukuyang nagluluto.
"Sige na, sige na. Babye." sagot niya sakin.
Nagmadali akong bumaba at kinuha ang bike ko.
Shoot! Late na ako sa practice!!! Padyak pa!!!
Nagbbike na ako ngayon papuntang simbahan. Late nanaman ako, patay. Baka magbuga na ng apoy ang dragonesa naming choirmaster. Tsk! No choice. Landiin ko nalang yun kung sakali man.
Nakarating nako sa simbahan. Ini-stand ko muna yung bike ko malapit sa may pinto nito...
*Kalkal sa bulsa*
"Badtrip! Nakalimutan ko yung padlock! Ugh!!!"
Papasok na sana ako ng simbahan nang marinig kong sumisigaw na ang bakla naming choirmaster "Where's Gian?! Wag niyo sabihing late nanaman siya! Di niya ba alam ang 5pm sharp?! 30mins late na siya oh! CALL. HIM. NOW!!"
Patay tayo dyan. Nakatulog kasi ako pag uwi ko galing school at di ako nagising sa alarm.
"Props. Teka. Kailangan ko ng props." para sa gagawin kong pag papalamig ng ulo kay Sir Abcd [ab-si-di]
Pumunta ako sa tindahan sa tapat ng simbahan "Ate pabili po ng coke, pakiplastic na din." paborito kasi yun ni Sir Abcd. At hindi siya umiinom ng ibang softdrinks maliban dun.
"Ay dong wala nang coke, sprite nalang."
"Ah. Wag na po." tsk. Hassle. Kailangan ko pang tumawid sa kabilang kanto para makabili lang ng coke. Malelate ako lalo nito eh.
"Isang coke nga po. Pakiplastic." haist ambagal naman kumilos netong si manang na nagtitinda -.-"
"Eto oh. P9.00 lang iho." inabot niya sakin yung coke na nakaplastic.
Inabutan ko siya ng bente "Eto po bayad. Manang penge po ng straw."
"Ay oo nga pala." inabutan niya ko ng straw. At yung sukli ko mukhang nakalimutan niya.
"Salamat po. Sige te, keep the change na." nakuuu. Kung di lang ako magalang na bata eh nasigawan ko na etong si manang.
Nagmadali ako pabalik sa simbahan. Pag pasok ko ng gate, aba! Umaandar ang bike ko! At may nakasakay!!! Syempre may nakasakay. Sus, sentido kumon (common sense) naman. Mukhang kanina pa ineenjoy netong babaeng nakasakay yung bike ko ha. At nagsasalita pa siyang magisa! May sayad ata 'to.
"Ayan. Nathan nanaman!" sabi nung babaeng may sayad. "Hayyy Justine! Kaya di ka makamove-on eh! Tanga, tanga, tang--- AHHHHHHH!!!"
*BOOGSH*
ANAK NG!
Yung bike ko!!!
Pupuntahan ko na sana yung ate at kukunin na yung bike ko nang bigla siyang tumayo at nagsalita.
"Aray ko! Buyset! Sagabal na palda!" hinila niya yung palda niya sa gitna ng legs niya... Ang puti... flawless. Kaso dumudugo tuhod niya. At mukhang di niya pa napapansin yun. Teka...
Wala siyang shorts!??
"Sign na ata 'to na dapat ko nang ibalik yung bike eh. Last ikot nalang." sabi niya.
Taena. Sumakay ulit siya sa bike ko at nagstroll ulit. Baliw na ata 'to! Nagbike pa, eh konti nalang lilitaw na yung p-p-pant--- ah basta! Hindi ako manyak no! >///< Hintayin ko nalang siya matapos. Tutal last stroll na daw diba?
"Hayyy kabitin." wow ate nabitin ka pa ha. Malapitan nga.
Nasa likod na niya ako. As in sa likod niya, ang lapit-lapit ko na sakanya. Di niya padin ako napapansin. Grabe, napaka carefree'ng babae naman niya.
Nagsalita siya ulit. "Thankyou po, kung kanino man 'to. Napasaya po ako ng bike niyo kahit nilaglag ako." aba at sinisi pa niya yung bike ko sa katangahan niya! "Si Lord na bahala sayo." HANODAW?! Parang binibigay na niya ko kay Lord ha. Grabe to. Takutin ko nga.
"Enjoy ba gamitin ang hindi sayo, miss? :)" bulong ko sa may tenga niya.
"HAIYAHHH!!!"
Natumba ako. Sinipa lang naman ako ng babaeng-may-sayad-na-gumamit-ng-bike-ko-ng-walang-paalam sa mukha! Sakit nun ha! Idagdag mo pa ang pinaghirapan-kong-coke-na-nabili-ko-sa-halagang-bente-pesos na natapon lang sa damit ko!!! BADTRIIIIIIPPPPP!!! HUMANDA KA SAKIN BABAENG MAY SAYAD!!!! >:@
Author's Note:
Yung nickname ng new character sa story was inspired from my very first friend in watty, PerkyAphrodite. Follow, read her stories and make friends with her! Mabait yan! Di naman siya nangangain, nangangagat lang XD Hahah joke lang po!! Basta yun, share ko lang, sorry daldal ko, adios!!! :>
BINABASA MO ANG
I'm Taken For Granted
Teen FictionWhat if you had your first relationship with a guy in a split second? Yun bang kayo na pala hindi mo man alam. Yet you loved him truly. Pero yung sinukli niya sa pagmamahal mo is all pain and lies. Would you still hold on and give him another chance...