Chapter 4
GIAN'S POV
Makapagpakilala nga ng maayos. Gian Patrick F. Hernandez. 14yrs old. 3rd year highschool na. Too young ba? Accelerated ako eh.
Matangkad, spiky ang buhok, moreno, brown eyes, red lips at matangos ilong ko. Table tennis ang sport ko pero kaya ko din makipagsabayan sa badminton at volleyball. Basketball? Sus wag na. Ayoko kayang pinagpapawisan masyado -_-
Ano pa ba, tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay. Sabi nila childish parin daw ako at insensitive. Pero hindi naman eh! Ginagawa ko lang kung anong ikakasaya ko. YOLO nga diba? You Only Live Once kaya make the best out of it! Kaya nga marami akong girl friendssssss eh!!!
HEPHEPHEP!! Wag mapanghusga! Mas masaya kaya kasama ang mga babae tsaka mas close lang talaga ako sa kanila pero hindi ako player o bakla ha! -___-
Speaking of bakla... May tumawag sakin ng "bakla, bading, bi, homo at unicorn!!!" Taena! Naaalibadbaran ako sa pinagsasabi niya!!! Kahit babae siya hindi ko palalagpasin yun no! At idagdag mo pa ang mga atraso niya at pagsisinungaling sakin!
Kaya eto na nga, balik sa story...
"Gee!" sabi ni Shayne. Ang totoong Shayne Miranda na best-est friend ko raw.
"Sus andyan ka na pala! Kanina ka pa kaya hinahanap ni Sir, lagot ka na!!! Nadala mo ba yung book ko?" sabi niya pa. Oo kanina pa dapat ako kung di lang sa babaeng 'to!!! -_-
"Uy hello!!! Sino kayo?" tanong niya sa babaeng may sayad and friend. Ang katak talaga ng babaeng ito oh. Haist. Makasingit na nga.
"Ah, eh..."
"SHAYNE! Oo naman nadala ko yung book mo. Ayun nga oh, nasa bike ko. *smirk* " bago pa makapagsalita ang sinungaling na babaeng may sayad, inunahan ko na siya. Hmp! Lagot ka ngayon!!!
"Hi! Justine Gonzales po. Ako tsaka siya" sabay turo sa kasama niya "yung mga magaaudition sa choir ^^"
"Hello po! Stephanie Reyes is the name. You can call me Steff. ^^" sabi ng kasama niya.
"Hi sainyo! Nice to meet you! I'm Shayne Miranda. ^^ Naks Gee," siniko niya ako sa tagiliran "ang bilis mo talaga sa chix no! Walang kupas!"
Nganga lang ako.
ANU 'TO!? PARANG WALANG NANGYARI KANINA HA?!
Lumapit sakin si Justine at binulungan ako "Kuya! Sorry na no!? Bati mo nako ha? Bawi nalang ako. No? No?"
"Aba---!!!"
"Uy ano pang pinagbubulungan niyo diyan! Pasok na tayo!" hinila na kami papasok ni Shayne sa braso.
Ah. Ge. Lagi naman napuputol yung sasabihin ko eh -___-
"Thank you tsaka sorry ng madami kuya! Bati na tayo please 😣" bulong ulit sakin ni Justine.
"Ayos na yun 😏" sagot ko. Humanda ka talaga sakin *smirk*
Pagkapasok namin sa loob ng simbahan, dumeretcho kami agad sa choir loft at ang sumambabad sakin ay...
"SA WAKAS GEE! WHERE HAVE YOU BEEN?! LET'S START THE REHEARSALS NOW." sabi ni Sir Abcd. Patayyy. Better die than talk to him in a bad mood...
"Hello po! I'm Stephanie Reyes and eto naman po yung friend ko, si Justine Gonzales. We're here for auditions. Sana po magkasundo tayo 😄"
Hayy kakasabi lang eh. Wrong move.
"I. Don't. Care." sagot ni Sir. "Di pa kayo members eh anlakas na ng loob niyong magpalate?"
Nanahimik yung dalawang magkaibigan. Tss kawawa naman!!!
"Sir libre ko kayo mamaya after rehearsals. Pambawi na din sa pagkalate ko 😉" sabi ko.
*blush*
Tae nagblush ba naman!!! Nangingilabot ako mga tol!!! Tiis-tiis din. Para sa plano kong pagpapafall kay Justine para makaganti sa mga atraso niya sakin. Bwohoho ang talino ko talaga!
Nakita kong tumingin sakin si Justine tapos nagsmile siya. Nagsmile back din ako syempre. Bwohoho >:)
Natapos na din yung practice. Nilibre ko na ng coke at pizza si Sir kaya ngayon pauwi na ako. Ang lagkit ko na dahil sa natapon na coke sakin ugh -.-
Pagdating ko sa bahay. "Ma ano ulam?" sabi ko kay mame. 7:30pm na kasi natapos yung practice at gutom nako.
"Tingnan mo nalang diyan sa mesa. Ako nagluto kaya masarap yan!" sagot niya.
Nagleave kasi si yaya. Nagkasakit daw anak niya eh. Kaya kaming magkakapatid lang at si mame yung nasa bahay. Dade ko? Nasa Maldives ata. May maliit kasi kaming business dito sa Pinas tapos may isa pang branch sa Maldives.
Naligo nako.
Kumain.
Nagtoothbrush.
Humiga.
At matutulog na sana ako ng maalala ko...
Phew. Buti nalang pala nasave ko na number niya bago ako maligo.
To: Sayad Girl
Bukas. 4pm, bago practice. Covered court. Babawi ka diba? :) - Gian Hernandez
Sending...
Message Sent!
Operation-make-babaeng-may-sayad-fall-with-Gian-pogi begins!!! Bwohoho >:)
Multimedia presents Gian Patrick Hernandez <3 Gwapo no? I'm giving free oxygen para sa mga nagha-hyperventilate diyan. XD
BINABASA MO ANG
I'm Taken For Granted
Teen FictionWhat if you had your first relationship with a guy in a split second? Yun bang kayo na pala hindi mo man alam. Yet you loved him truly. Pero yung sinukli niya sa pagmamahal mo is all pain and lies. Would you still hold on and give him another chance...