Chapter 1

168 7 2
                                    

Chapter 1

JUSTINE'S POV

"NO!!! AYOKO NGA!!!" sabi ko kay Steff.

"Sige na! Sali na kasi tayo para makapagmove-on ka na kay Nathan! 1yr na nakalipas oh! 2nd year pa tayo nung nangyari yun, 3rd year na tayo girl, uso magmove-on!" sabay sabunot sakin.

"ARAY!!" hinablot ko din buhok niya. "Tama na nga!"

"Ginagawa ko 'to para sayo" inalog niya ulo ko, "gising na sa katotohanan Justine Patrice Muñoz - Gonzales!!! One year na si---"

"Argh! Oo na, tama na Stephanie Canlas - Reyes! Move-on na nga ako diba!!!"

"Weh?! Tapos maya-maya iiyak ka nanaman nyan sakin eh!"

Binitawan ko na buhok niya. "Tss para naman kasi madaling magmove-on no! Nathan, Nathan, Nathan yung tibok ng puso ko since grade 5 tayo!" umayos na din siya ng upo. Nasa service van kasi kami pauwi from school, umaandar ang van at nagsasabunutan kami dito. "Waaahh!!! Bat kasi exclusive for girls lang etong school natin pag tungtong ng highschool eh. Di tuloy ako makahanap ng bago -__-" 

"Ayun umamin din! Kaya nga sasali tayo sa choir diba! Para malibang ka naman, may boys dun na ka-age natin. And come on, let's serve the Lord!!!" tumingin pa sa taas ang bruha, nagpraying position at nag beautiful eyes.

"At sa tingin mo naman matutuwa si Lord sa boses mo?! Alam mo namang pag kumakanta ka nagkakaroon ng masamang kalamidad eh! Tulad nung galing tayo sa karaoke hub, ikaw yung huling kumanta tapos nung pauwi na tayo biglang bumagyo. Nung naman pagkatapos ng practical test mo sa Music biglang naglandslide sa China kinabukasan!" sintonado kasi talaga etong friend ko.

"Grabe ka girl! Nagkataon lang yun no!! Basta sasali tayo! Kailangan din naman natin to diba? Dagdag grades din sa CLE for being part of a parish oranization diba :D"

"Yun eh. Grades pala habol mo ha! Ginawa mo pang excuse ang pagmumove-on ko para may kasama ka lang!" actually top 1 si Steff sa batch namin at medyo grade conscious siya. Ako naman, top-less pero we're on the same class. Sabi nila matalino naman daw ako kung nagsisipag lang ako. Kaso wala eh. Nakakatamad lang talagang labanan ang katamaran.

"Basta basta!!" nag ayos na siya ng gamit. Hala excited? Malayo pa naman bahay niya eh. "Kuya BB baba kami sa simbahan!"

"Okay." sabi kuya Bongbong. Service driver namin for already 11 years. In short, 11 years na kami magkaibigan ni Steff.

"Kuya Bong siya lang bababa sa simbahan!" sabay lagay ng kamay ko sa bulsa. Para kasing gumaan bulsa ko eh...

ARGHHHHH.

Nag ayos na din ako ng gamit.

"Yes naman pumayag ka na din!" sabi ni Steff with a huge smile.

"May choice pa ba ako?" kinuha lang naman niya yung wallet ko at andun lang naman ang mga susi ko sa bahay -_- Wala pang tao sa bahay niyan eh. Di ako makakapasok.

"Wooh galing ko talaga! I'm soopah great! Bwahaha!" sabi pa niya. Tiningnan ko lang siya with my killer stare.

Tumigil na yung service sa tapat ng simbahan.

"Nagpaalam kayo niyan sa mga nanay at tatay niyo ha?" tanong ni Kuya Bongbong. "Baka hanapin kayo sakin, loko kayo wag papagabi!"

"Opo kuya BB! Babye na!" sagot ni Steff at yun hinila na niya ako pababa ng service papuntang simbahan.

Nasa labas palang kami ng simbahan ay may narinig na kaming mga kumakanta. At omygaaahhd, ang gagaling nila. Angelic yung tunog!!! Pasado kaya mga boses namin dito?

"Ano? Di pa ba tayo papasok?" bigla kasing nagstop etong kaninang atat na atat na kasama ko.

"Wait. Natatae ata ako. Una ka na sa loob!" tumakbo na siya palayo sakin. Buti nalang may malapit na cr. Kinabahan siguro yun :D

"Ge dalian mo!"

Umupo muna ako sa isang bench sa ilalim ng puno.

3minutes...

5minutes...

10mintues...

ANTAGAAAAL!!! Makalibot muna nga ng konti.

Tumayo nako.

Naglakad-lakad.

Nagmuni-muni...

And poof!!! May nakita akong bike sa may pintuan ng simbahan! At mukhang yung may ari ay member ng choir kasi walang nagbabantay. So alam niyo na yung kasunod...

"Wooooohhh!! Ansaya talaga magbike! Nakakagaan ng loob! Nakakabawas ng problema!" sigaw ko ng di gaano malakas habang nag sstroll sa labas ng simbahan.

Nakakamiss din magbike eh. Naaalala ko pa nun, nung bata pa ako, nagsstroll kami ni Nathan sa subdivision namin papunta sa court para maglaro ng basketball. Pagkatapos maglaro ng basketball, yung natalo, siya yung bibili ng twin popsicles kay Manong Nestle at paghahatian namin...

"Ayan. Nathan nanaman! Hayyy Justine! Kaya di ka makamove-on eh! Tanga, tanga, tang--- AHHHHHHH!!!"

*BOOGSH*

"Aray ko!" natumba ako kasama yung bike. "Buyset. Sagabal na palda." tumayo ako agad. Nakapalda pa kasi ako. Galing nga kami sa school diba. So ang ginawa ko, nilagay ko in-between my legs yung palda ko. Gets niyo? Basta, litaw mapupti kong legs. Pero okay lang. Wala namang nakakakita. At kung meron man, wala naman akong galis kaya walang dapat ikahiya. "Sign na ata 'to na dapat ko nang ibalik yung bike eh. Last ikot nalang."

"Hayyy kabitin." habang binabalik ko na yung bike kung san ko nakuha. Nakaapat na rounds na kasi akong paikot ikot sa may simbahan. "Thankyou po, kung kanino man 'to. Napasaya ako ng bike niyo kahit nilaglag ako. Si Lord na bahala sayo."

"Enjoy ba gamitin ang hindi sayo, miss? :)" sabi ng isang malalim na boses galing sa malapit sa tenga ko.

"HAIYAHHH!!!"

HALA. Nakalimutan ko palang sabihin, taekwondo player ako. At sensitive ang tenga ko.

Author's Note:

Hi guys! Ano, ayos ba yung flow ng story so far? Just comment for your suggestions and critiques. I gladly appreciate them! Thankies!

 Multimedia presents Justine Patrice Gonzales. Ang pretty niya no? :>

I'm Taken For GrantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon