The Playboy's Obsession

9.2K 143 23
                                    

"Every time I try to let go, memories of us pull me back in

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Every time I try to let go, memories of us pull me back in. I wish I could unlearn all the good things about you and erase all the memories we had to make it easier for me to be okay."

- - -

"tell me, Yvonne. Sinong mas magaling humalik sa aming dalawa ng boyfriend mo?"

"Do you even need to ask? Of course, it's you."

"sinong mas guwapo sa aming dalawa?"

"ikaw."

"so sinasabi mo ba na mas better ako kaysa sa Hanz na 'yon?" mayabang na tanong pa ng lalake.

"oo. Papatol ba naman ako sa'yo kung hindi?" malandi ang boses na sagot naman ng babae.

Mahigpit kong naikuyom ang aking mga kamay kasabay ng pagtagis ng aking mga bagang. Halos manginig ako sa matinding galit na nararamdaman.


Unable to restrain myself any longer, I quickly emerged from the wall where I had been hiding. Nanlaki ang mga mata ni Yvonne sa gulat ng makita ako ngunit ang kasama niyang lalake ay ngumisi pa na para bang ini-expect na nito ang pagdating ko.

As I approached, without hesitation, I swung my fist swiftly towards the guy's face, catching him off guard. Tumama iyon sa gilid ng labi nito at sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ko'y napaupo ito sa lupa.

"H-Hanz!"

Mabilis kong tinabig ang kamay ni Yvonne ng hawakan nito ang braso ko.

"huwag mo 'kong hahawakan, nandidiri ako sa'yo," nanlilisik ang mga mata at mariing wika ko bago muling binalingan ng tingin ang lalakeng nakaupo sa maalikabok na semento.

Pinunasan nito ng kamay ang dugong dumaloy mula sa nabasag nitong labi saka muling ngumisi sa'kin ng nakaloloko. I grabbed his collar roughly and forcefully pulled him up.

"H-hanz! Please, wag k-kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo! Wag mo siyang s-sasaktan, please!" nagmamakaawang sigaw ni Yvonne.

Nanglilisik ang mga matang nilingon ko ang girlfriend-ex girlfriend ko saka pagak na tumawa.

"Bakit, Yvonne? Noong niloloko n'yo ba ako ng lalakeng ito, did you ever think about how I'd react if I caught you?Damn it, you fucking cheated on me! Kaya wala kang karapatang diktahan ako kung ano ang dapat kong gawin," my voice trembled in so much anger.

"I-it's not what you—"

"Shut the fuck up! Huwag mo akong gawing tanga, Yvonne. Hindi ako ipinanganak kahapon," putol ko sa sasabihin niya.

My emotions were a mess—anger, pain, and disbelief. Damn it, I trusted her! I did everything for her, and this is how she repays me?! To cheat and betray me like this!

Ah, tang ina! Ang sarap pumatay ng tao!

"narinig mo naman siguro iyong sinabi niya kanina, hindi ba? Hindi kasalanan ni Yvonne kung bakit ka niya ipinagpalit. Sa kaniya na mismo nanggaling na mas better ako kaysa sa'yo," nakangisi at mayabang na sambit ng lalakeng nasa harapan ko. "Look at yourself, pre, you're nothing compared to me."

Nagpanting ang tenga ko sa narinig.  I pushed him hard, causing him to fall back onto the floor. Hindi pa man siya nakakabawi sa ginawa ko ay nakaupo na ako ibabaw niya. Hinuli ko ang mga kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit gamit ang nanginginig kong mga kamay.

I wanted to kill him. I wanted to crush him into pieces. I wanted to hurt him until he begged for mercy.

"tangina mo, Jaevier. Nauubosan ka na ba ng babae at pati girlfriend ko pinatos mo? I'm going to kill you, you motherfucker!" nanggagalaiti sa galit kong sigaw sa mismong pagmumukha niya.

Kilala si Jaevier sa buong campus bilang isang playboy. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay pati pala ang girlfriend ko'y kinakalantari niya. Tangina, hindi ko siya mapapatawad! Hayop siya!

- - -

Author's Note:

Paalala sa mga gustong basahin ito. Maraming error kayong ma-e-encounter dito, hindi perfect ang plot and dialogues, may mga grammatical errors pa, kaya kung ikaw ay isang perfectionist, 'wag mo ng ituloy ang pagbabasa. Pero kung gusto n'yo paring ituloy, it's your choice. Huwag lang sana akong makakakita ng hindi kaaya-ayang komento, because in the first place, hindi ko kayo pinilit na basahin 'to, choice n'yo iyon.

Nagsusulat ako na walang binabastos na readers, sana magbasa rin kayo na walang binabastos na author. Nagsusulat ako dahil GUSTO KO, hindi dahil gusto n'yo. Kung hindi n'yo nagustohan at hindi pasok sa panlasa n'yo, drop the story and leave, as simple as that. Please, kung wala rin namang magandang sasabihin, pakisarili na lang po ang opinyon mo. 'wag na lang din sana magcomment kung about sa ibang story at characters ang sasabihin, just be a silent reader na lang po, highly appreciated. No one is allowed to disrespect me and my works. I don't tolerate that kind of behavior. Salamat.

Nangba-block po ako ng pasaway na readers.

BLVCKMORSE

The Playboy's Obsession (Obsession Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon