CHAPTER 21

3.8K 209 110
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

Mine

"Do you have any questions?" Sir Blaster asked.

"None po, sir!" We answered in chorus.

"Okay, then class is dismissed."

Sir Blaster grabbed his stuff and walked out of the room. Umingay ang buong classroom. Nagsitayuan ang mga kaklase ko at magkakasunod na lumabas ng classroom.

"May plano ka ba ngayon? Tara sa cafeteria. Nagugutom na ako, eh," ani Axiel bago tumayo at isinukbit ang isang strap ng kaniyang bag sa balikat.

Tumayo na rin ako at isinabit ang bag sa aking balikat. "May pupuntahan ako," ani ko.

Umangat ang kilay niya at ngumisi sa akin. "May date ka?"

Sasagot na sana ako ng biglang may mabigat na brasong pumatong sa balikat ko. A familiar sandalwood scent immediately filled my nostrils.

"He's coming with me," Seryosong Ani Jaevier.

Bumalatay ang gulat sa mukha ni Axiel ngunit bago pa man siya makapagtanong ay nahila na ako ni Jaevier palayo. Naiwang nakanganga si Axiel, takang-taka kung bakit kami magkasama.

"You should stay away from him," mahinang sabi ni Jaevier noong palabas na kami ng pinto.

I furrowed my brows. "Bakit?"

"Naiinis ako. Laging nakadikit sa'yo, eh. Dati ba siyang linta?"

"Gago." I chuckled. "He's just a friend."

"I know. Pero nakakainis parin. Ako nga hindi makalapit-lapit tapos siya halos i-stick glue na ang sarili sa'yo," nakanguso at parang batang aniya.

Natatawa akong napailing. How about that fucking Shawn Medina na lagi ring nakadikit sa kaniya? He should stay away from that fucker too, kung ayaw niyang mabalian ng tadyang ang gagong iyon.

"Where are we going?" Tanong ko ng mapansing hindi patungo sa cafeteria ang tinatahak naming daan kundi palabas ng campus.

"Sa condo ko." Sinulyapan niya ako. "Nagugutom ka na ba? Gusto sana kitang ipagluto, eh. Pero kung nagugutom ka na, puwede naman tayong kumain na lang sa restaurant."

Umiling ako habang ibinubulsa ang mga kamay sa aking pantalon. "Hindi pa naman."

Bigla akong nakaramdam ng excitement sa ideyang ipagluluto ako ni Jaevier. Idagdag pa na first time kong makakapunta sa condo niya.

Naks, lakas makababae nito, ah?

Palabas na kami ng school gate ng harangin kami ng tatlong babae. Base sa suot na uniform ay tourism student ang mga ito.

Agad na sumeryoso ang mukha ko ng makilala ang isa sa mga babae. Siya iyong babaeng kahalikan ni Jaevier sa picture...

"Hi, babe," nakangiting bati ng babae, ang tingin ay naka-pokus sa kasama ko.

Pinigil ko ang sariling mapataas ng kilay. Tiningnan ko si Jaevier. Babe pala, huh?

Maganda ang babae. Maputi, matangkad, sexy, at maliit ang bilugang mukha. Her long, black, silky hair was in a high ponytail. She's really pretty. Mukha siyang model. Well, ano pa ba ang aasahan ko sa mga tipo ni Jaevier?

"What's up, Shai?" Preskong ani Jaevier saka ako inakbayan.

Unang tingin pa lang ay sigurado na akong interesado ito kay Jaevier. Kabisadong kabisado ko ang mga tinging ibinibigay nito sa lalake. Hindi ko alam kung anong relasyon meron sila ni Jaevier. Hindi ko pa natatanong si Laurent tungkol sa picture na nakita ko noong nakaraan.

The Playboy's Obsession (Obsession Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon