CHAPTER 23

3.4K 175 135
                                    

CHAPTER TWENTY THREE

Playlist

Katulad ng inaasahan ay kumalat kinabukasan sa buong campus ang tungkol sa amin ni Jaevier. Everyone's making a big deal out of it. The fact na muli na naman akong nalink, but this time ay hindi sa babae kundi sa lalake na, at sa isang varsity player pa na kilalang papalit-palit ng babae.

May kumalat pang picture kung saan nakakandong sa akin si Jaevier. Wala lang naman iyon sa akin since wala naman akong balak itago ang kung ano mang meron sa amin.

Ganoon din naman si Jaevier na tuwang-tuwa pa. Napuyat nga raw iyon kagabi kakanood ng mga edit sa amin na kumakalat ngayon sa TikTok. Picture namin na nilagyan ng korning kanta.

He sent a video to me last night where he was sitting on my lap. Nakita raw niya sa TikTok, may kanta pang kumpas ni Moira dela Torre, kaya mas lalong naging corny. Halos hindi ko masikmurang panoorin iyon, pero dahil masaya si Laurent, sige na lang, aangal pa ba ako?

"Anong real score ninyo ng Mark Jaevier na iyon? Kayo na ba?" Mahinang tanong ni Axiel. Maging siya ay hindi makapaniwala at mukhang hindi siya matatahimik hangga't hindi naririnig sa akin ang kumpirmasyon tungkol sa kumakalat na balita.

"We're just getting to know each other," ani ko habang nakatutok ang tingin sa unahan kung saan naglelecture iyong prof namin.

"Gago. Three years na tayong magkaibigan, wala man lang akong alam na lalake rin pala ang gusto mo. E 'di sana niretohan kita ng mga poging kakilala ko," napapailing na sambit niya. "Kaya pala hindi mo pinursue si Yanna. Now I know."

I chuckled.

Biglaan ang pagpapalit ng sexual orientation ko at kahit ako'y hindi napaghandaan iyon. For twenty years, nabuhay ako na babae ang gusto ko. Ni hindi ko kailanman naisip na bigla akong liliko ng landas.

I consider myself gay. Siguro'y late bloomer ako, kaya ngayon ko lang nadiscover ang parteng ito ng aking pagkatao. Pero 'yong isiping... Magkakagusto ako bukod kay Jaevier ay hindi iyon maabot ng isip ko. Hindi ko makita ang sariling tumitingin sa ibang lalake bukod kay Laurent. Hindi ko maipaliwanag... Pero tanging si Jaevier lang ang may kakayahang ilabas ang bahaging ito ng pagkatao ko.

Sa kaniya lang ako naguguwapohan. Sa charisma lang niya ako tinatablan. He's just the only man I find attractive, hot, and sexy. Kaya kung hindi lang naman si Jaevier, 'wag na lang.

"Hindi ako interesado," Maikling ani ko.

In my peripheral visions, nakita kong ngumisi siya at mariing tumitig sa akin. "Kasi sa kaniya ka lang interesado? Tang ina, mala bald eagle ang atake."

Napangisi ako sa sinabi niya. Tang inang Axiel, nakumpara pa nga ako sa agila.

The bald eagle is one of the most loyal birds when it comes to their mate. Once they find a mate, it will be their partner for the rest of their lives. They remain loyal until death. Ganoon sila ka-loyal sa  mga partner nila.

"Pero kung sabagay, ang guwapo nga rin naman kasi talaga ni Jaevier. Medyo may pagkatarantado lang pero guwapo talaga siya, hayop pa kung pumorma. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit bumaliko ka sa isang 'yon. Pati nga pinsan ko patay na patay sa kaniya," he added.

Nilingon ko ang kinauupoan ni Jaevier. Umangat ang aking kilay ng mahuling nakatitig ito sa akin. Nakapangalumbaba ito sa armrest ng kaniyang upuan at mukhang kanina pa niya ako pinapanood.

The Playboy's Obsession (Obsession Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon