CHAPTER 05

3.2K 129 50
                                    

CHAPTER FIVE

 Sleep over

Umakyat lang ako ng kuwarto para magdamit, pagkatapos ay bumaba ulit ako sa sala para samahan doon si Summer. Itim na t-shirt ang isinuot ko at nagpalit rin ako ng beige na cargo shorts.

Wala akong pakialam kung nagdidate sila. Kailangan kong bantayan ang kapatid ko. Baka masalisihan ako ni Jaevier at ipasok niya sa isa sa mga kuwarto rito si Summer ng hindi ko nalalaman. May tiwala ako kay Summer, pero sa lalakeng kasama niya, wala. Tangina, hindi pa ako handang maging tito! Oo nga at nakakatuwa 'yong mga baby pero hindi pa siya puwedeng magbuntis! She's just eighteen, for Pete's sake!

"Ano 'yang pinapanood n'yo? Cartoons?" Nakakunot ang noong tanong ko habang nakatitig sa TV. Pinalitan nila iyong nakita kong action movie na pinapanood nila kanina. Hindi naman sila mga bata, pero nanonood pa ng cartoons? What the fuck?

"Ang pangit naman niyan. Palitan natin ng sci-fi movie, iyong Matrix, maganda 'yon!" I suggested. Sinubukan kong abutin ang remote na nasa tabi ni Summer ngunit tinampal niya ang kamay ko at mabilis na inilayo ang remote.

"Bumalik ka na nga sa kuwarto mo, kuya. Puro ka reklamo eh," nakangusong ani Summer na inirapan pa ako. Aba! Dukutin ko ang mata niya diyan, eh!

Ang pangit naman kasi talaga ng pinapanood nila. Isipin mo, 'yong tao nakatira sa ilalim ng dagat? Tao ba o isda 'yon? Kung isda 'yon, bakit mukhang tao? Nakapink na bestida pa! So fucking weird!

Nanahimik na lang ako at pilit inintindi ang pinapanood nilang cartoons. Mahirap na at baka mapikon si Summer, kaladkarin pa ako papasok sa kuwarto ko. Nakakrus ang mga braso ko habang nakasandal sa backrest ng couch.

Nasa kabilang dulo ng couch na kainauupoan ko si Summer habang si Jaevier naman ay nakaupo sa sahig, sa pagitan namin ni Summer. Nakasandal ang likod niya sa upuan ng couch at tahimik na nanonood. Ang laki-laki niyang tao, pero nanonood siya ng pambatang movie? Hindi ko alam kung nanonood ba talaga siya ng cartoons o napilitan lang dahil iyon ang gusto ni Summer.

Base sa title na nakasulat sa gilid, sa itaas ng screen, the movie called Ponyo, 'yong mismong pangalan no'ng batang babae na hindi ko malaman kung tao ba talaga o isda. Nakuha siya noong batang lalake na si Sosuke at inilagay sa timba na may tubig. At tang... ina?  Kumakain siya ng karne! What the fuck?

Habang patagal ng patagal ay nakukuha ng movie na iyon ang interes ko. Hindi naman pala pangit ang pinapanood nilang cartoons, sadyang hindi lang talaga ako mahilig sa mga pambatang movie. Pero... Maganda naman.

"Ano'ng next na papanoorin natin?" Tanong ni Summer sa kanina pa tahimik na si Jaevier.

Imbes na sumagot ay sa akin tumingin si Jaevier. "Ikaw?"

My brows furrowed. "What?"

"Anong gusto mong panoorin?" Marahang tanong niya, nakatingala parin sa akin.

I darted my eyes at my sister when I heard her giggle. I rolled my eyes at her. Funny?

Ibinalik ko ang paningin kay Jaevier na nakatingin parin sa'kin, naghihintay ng sagot ko. Napanguso ako at nag-iwas ng tingin. Tangina. Bakit ba niya ako tinatanong?

"Wag mo 'kong tanungin," I said coldly.

Muli kong sinamaan ng tingin si Summer ng muli siyang humagikhik. Ano bang nakakatawa? Ang saya-saya niya porke't hindi na ako nagreklamo na pinapunta niya ang kupal na manliligaw niya rito sa bahay?

The Playboy's Obsession (Obsession Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon