CHAPTER 24

3.4K 179 139
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

Official

Hanz:

I'm sorry. This may sound rude, but can you please stop messaging me? Thank you for admiring me, and I really appreciate it, but I don't want to make my partner feel uncomfortable. That's why I'm asking you to stop messaging me. Thank you for understanding.

Iyon ang sinabi ko sa message na ipinadala ko sa unregistered number na laging nagte-text sa'kin. Hindi ko na hinintay na mag-reply siya at agad ko itong iblock.

Wala pa kami ni Jaevier, pero mali mag-entertain ako ng ibang tao habang may kinikilala ako. Although hindi naman ako interesado sa taong may-ari ng number na iyon, mali pa rin na i-entertain ko siya knowing that she has a crush on me. Ayokong mag-isip si Jaevier ng kung anu-ano. Gusto kong magkaroon siya ng peace of mind, kaya mas minabuti kong iblock ang unregistered number na iyon. Natatakot din kasi ako na baka magpakilala nga ito sa akin sa birthday ko.

Alas tres na ng hapon nang muli kaming bumaba ni Jaevier para magswimming. Pagkatapos naming mag-lunch ay nagpahinga muna kami sa kuwarto lalo pa't pagod din sa biyahe si Jaevier. Naroon na rin sa pool ang mga kaibigan niya at mukhang kanina pa nagsimula mag-swimming ang mga ito.

"Tang ina, paheadlock, Hanz!" Pabirong sigaw ni Kleint ng hubarin ko ang suot na black long sleeve. Isinampay ko ang hinubad na damit sa lounge chair. Iniwan ko rin doon ang salamin ko saka ako naglakad palapit kay Jaevier na nakaupo sa gilid ng pool at nasa tubig ang mga paa.

I sat beside him at inilubog ko rin sa tubig ang aking mga paa. Topless na rin siya at tanging itim na shorts lang ang suot.

"Sa'kin Kleint, ayaw mo?" Nakangisi at naghahamon ang boses na ani Jaevier.

Lumipat ang paningin ni Kleint kay Jaevier at humalakhak. "Ayoko. Baka hindi na ako makabalik ng Manila."

"Lakas makabakod, Mavi, huh? Patingin nga ng label," nang-aasar na ani Shawn.

Itinaas ni Jaevier ang gitnang daliri niya sa mga kaibigan. "Ito, oh, label."

Nagtawanan ang mga ito.

Sumulyap ako sa mga girls. Nasa kabilang parte ng pool ang mga babae, medyo malayo sa amin at may sarili ring mundo. Nagtatawanan ang mga ito at nagsasabuyan ng tubig. Lahat ay sexy na sexy sa suot nilang bikini.

Hindi ko alam kung required bang dapat ay may ibubuga ang hitsura kung sasali sa group of friends nila kasi tang ina, ang gaganda ng mga kaibigan niya. Pati iyong mga lalake, mga guwapo rin talaga, eh. Walang tapon sa mga kaibigan niya, lahat nananapak ang hitsura.

Napakurap ako ng may kamay na humarang sa mukha ko. Nilingon ko si Jaevier sa tabi ko.

"Where are you looking at?" He raised an eyebrow at me.

Muli akong tumingin sa mga girls ngunit agad ding iniharang ni Jaevier ang palad niya sa mukha ko.

"At talagang titingin pa!" Seryosong aniya, medyo magkasalubong na ang mga kilay at masama ang tingin sa'kin.

I chuckled. "Bakit bawal ba?"

"Oo!" Hinawakan ni Jaevier ang mukha ko at iniharap niya ako sa kaniya. "Dito ka sa'kin tumingin."

The Playboy's Obsession (Obsession Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon