CHAPTER 06

3.1K 109 27
                                    

CHAPTER SIX

Sorry

I never imagined na tutungtong sa pamamahay namin si Jaevier. At mas lalong hindi ko naisip na papapasukin at patutulugin ko siya sa kuwarto ko! Si Jaevier na mortal enemy ko? Tang ina! Siguro sa mga oras na ito'y nagdidiwang ang mga anghel ko dahil nagiging mabuting tao na ako.

"Magha-half bath lang ako," ani Jaevier bago tumalikod at naglakad patungong bathroom. Nakasampay sa balikat niya ang puting tuwalya ko na ibinigay ko sa kaniya kanina.

I nod my head. "I will just prepare your clothes."

Tinungo ko ang walk-in closet ko at naghanap ng damit na isusuot ni Jaevier, wala kasi siyang dalang extrang damit. Luckily, we are just the same size. Naghanda ako ng kulay asul na t-shirt, white cargo shorts, at sinamahan ko na rin ng boxer na hindi ko pa nagagamit.

After that, humiga na ako sa kama at nagpaka-busy sa cellphone ko. I'm talking to Yanna.

Ashianna:

Oh, so you like sweets? You have a sweet tooth pala, huh?

Iyon ang message niya ng maikuwento ko na mahilig ako sa matatamis. Marami rin pala kaming differences. Tulips ang paborito niyang bulaklak, samantalang daisies naman ako. She doesn't eat spicy foods, paborito ko naman iyon. Hindi siya mahilig sa sweets, comfort food ko iyon. Naiimagine ko tuloy, paano pala kapag nagdidate kami? Pati siguro simpleng pagkain pag-aawayan naming dalawa.

Ang gusto ko pa naman sanang maging girlfriend ay iyong makakasundo ko sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa pagkain. Iyong tipong palagi kaming share sa pagkain at magaagawan pa.

Napahinto ako sa pagtipa sa cellphone ko ng bumukas ang bathroom at lumabas si Jaevier. Wala siyang damit pangitaas at tanging tuwalya lang ang tumatakip sa ibaba niyang katawan.

Napako ang paningin ko sa katawan niya. Well... Hindi na rin masama. Maganda naman ang built ng katawan niya. He had muscles in the right places, but not the bulky types of muscles na kagaya ng mga wrestler. Mayroon din siyang abs, and his waist... Man! He has a thin waist! Malapad ang balikat at dibdib niya ngunit medyo maliit ang kaniyang baywang.

My eyes landed on his flat abdomen. Whew! Too fucking sexy, Laurent!

Hindi na ako magtataka kung bakit maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya. Kung naging babae rin siguro ako, mauulol din ako sa mga tipo niya. Guwapo eh, maganda pa ang katawan. Papasa sa akin ang hitsura pero iyong utak, nevermind. Bobo ang isang 'to kaya kahit gaano pa kaganda ang hitsura niya, basted parin siya sa akin kung naging babae ako.

"Like what you see?"

Umangat ang paningin ko sa mukha niya. Nakaplaster sa mga labi niya ang nakalolokong ngisi. Huminto siya sa paghakbang at nakipagtitigan sa'kin.

Muling bumaba ang paningin ko sa katawan niya, "Puwede na." Tumango ako. "Pero kung naging babae lang ako, hindi parin kita papatulan."

Umangat ang kilay niya. "Bakit naman?" Nanghahamon ang boses na tanong niya.

"Bobo ka, eh. Ayoko sa mga bobo," ngisi ko bago ko ibinalik ang paningin sa hawak kong cellphone.

Humagalpak siya ng tawa. "Foul 'yan. You're so rude," he stated.

I smirked. "Thanks, dude."

Muli siyang tumawa bago dinampot sa kama ang damit na inihanda ko para sa kaniya. Bumalik siya sa loob ng bathroom at ng muli siyang lumabas ay nakasuot na siya ng damit.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang kabuoan niya. He looks good on my t-shirt. Tamang-tama lang din iyon sa kaniya since we're the same size, parehas pang 6'1. Bagay sa kaniya ang kulay asul dahil maputi at makinis ang balat niya. Maputi rin naman ako, pero mas maputi siya ng kaunti.

The Playboy's Obsession (Obsession Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon