ʏᴏᴜʀ ᴏɴʟʏ ʙᴇʟɪᴇᴠᴇʀ

6 3 0
                                    

CHAPTER ONE

-tok-

-tok-

"Ted, bilisan mo dyan don't tell me nagdadasal ka na sa loob?"

"Teka lang kuya!"

"Nakahain na yung pagkain mo doon"

"Opo!" nang umalis na ang matandang kapatid kinuha na nito ang bag ng kapatid tiningnan ang schedule na nakadikit sa loob ng kabinet, napangiti siya sa isang larawan nilang dalawa na sa ibaba ng larawan ang nakasulat ay 'Best Brother'. Matapos niyang ayusin ang ilang kuwaderno sa bag ay binitbit niya ito sa kusina na kung saan doon niya inilagay ang maluto ng kapatid.

Matapos maligo ng dalaga ay madali siya sa kanyang kuwarto at nakitang nakahanda na ang susuutin niya, na napangiti na lang din siya.

Hindi nagbabago ang kuya eh hayskul na ako pero parang elementarya pa rin ang turing niya sa akin. Halatang hindi na ako magkakaboyfriend sa lagay na ito.

Simula ng maraming nagmimigrate sa bansa namin dumarami ang guwapo at dumarami ang mga kireng bumubukaka na lang, at yun ang ayaw ni kuya na mangyari sa akin ang makakita lang ng guwapo at mayaman bukaka na lang daw. Masyado siyang worrywart hindi naman ako ganun kaya nga batikang nerd ako ng paaralan eh no guy na nagtatry magkacrush or sabihan akong 'huy crush kita'

Matapos magbihis ng dalaga ay binigyan na lang siya ng kuya niya ng dutch mill at rabbit bite na mansanas.

"Salamat kuya, bye!"

"Ingat sa pag-uwi tawagan mo ako kung gagabihin ka" hiyaw nito sa kapatid.

"Ok po!" ngiting sambit niya at kinain na agad ang mansanas habang mabilis na naglalakad.

Sa totoo lang mahuhuli na siya ng ilan pang minuto dahil nga nerd siya or weird whatever gusto niya lagi siyang nasa oras, kapag sa lalaki napakataray at antipatikang tingnan kaya ni isang lalaki walang magcourage na lumapit lalo na at kapag sinusundo siya ng kanyang kuya Michael.

"Huy! Aga ah!" palo ni Carl sa kanyang balikat. Ang kapwa niyang weird na may malaking salami bitbit ang ilang libro na hiniram sa library nung isang araw.

"Maige na yung maaga frend" ngiti ng dalaga

Yan si Carl popular sa mga tamad na tao oo dahil siya ang taga gawa either project nila or essay assignments ang kapalit pera syempre mahirap pati sina Carl minsan doon sa amin yan kumakain kulang na lang tumira dahil minsan isang lingo nasa amin. Okay lang kay kuya mas gusto nya daw na si Carl ang tropa ko kase maaral na bata. The best nga siya eh kahit na half brother ko siya meaning anak ako sa labas kasi yung mother ko at dad niya ang nagkatuluyan, nasa ibang bansa at pinadadalhan na lang kami. Minsan napapa-isip ako na by pity na lang tingin nila sa akin kasi patay na dad ko at ang laki ng agwat namin ng kuya 36 na siya 16 lang ako. Single pa si kuya dahil yung una niyang naging girlfriend namatay sa isang aksidente sa ibang bansa na andun siya kaya alam niya na totoo yun dahil pinaglamayan pa nila. Namatay ang dad ko sa unang heart attack niya si kuya Michael agad ang nagdala sa ospital kaso dead on arrival ang naging status ni papa pagdating sa ospital. Nag-aaral ako sa isang public school so lahat ng uri ng estudyante andito maige na lang at hindi kalayuan ang bahay ni Carl kaya naging close friend ko siya.

Unang subject naming ay math kalugo sa utak ang sumunod ay social studies maigi interesado ako sa topic hindi sa guro. Yung tipong nakikinig ka tapos babatuhin ka ng crumbled paper ang laman ay 'pangit ka' walang magawang matino ang mga ito. Paglingon ko sina Ava, Nicole at Princess na ngingisi-ngisi sa likuran ko. Ang mga bullies ko na dumadami sila dahil nasa harapan pa yung apat sina Jill, Nerissa, Ruth at Kim. Alam kong pangit ako sino ba naman ang hindi madidiri sa itsura ko esponghada ang buhok, pango, makapal ang labi, square ang mukha, singkit ang mata malabo pa at higit sa lahat payat pa sa tingting (sabe nila). Ang kagandahan ko lang sabe ni Carl mabait ako, sweet, masipag, magalang, palaban kapag kailangan at loyal. Kaya nga best ko si Carl eh true na true lahat ng descriptions niya sa akin, pero kahit na panget ako sa paningin ng iba sabe nga ng kuya 'the show must go on' hindi siya nagkulang ng pangaral sa akin kaya best brother ko siya eh.

Old StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon