ʙᴀʟɪɢᴛᴀᴅ ɴᴀ ʙᴜʜᴀʏ

4 1 1
                                    

8

Nagutla na lamang ako na gamit ang isa pang kamay na hindi kapit nung isang babae sinasakal na nya yung isa kaya napa-upo na yung isang babae at yumuko marahil ayaw niyang makita, kaya inalis ko muna yung tingin ko sa kanila na naghahanap ako ng bagay na pwedeng magamit na ni Jerome at gabi na gagabihin na ako sa pagligo nito pati sa pagluluto.

"May galit talaga ang isang ito sa seksi aba"

Dun sa isang maliit na kabinet ng kanyang sasakyan nakita ko ang isang...baril seryoso? 0_0 kanino nya ito gagamitin tapos may pocket knife okay sana itong kutsilyo self defens pero baril? Parang malala...kaya ayun kinuha ko ang kutsilyo tsaka lumabas ng kotse. Nakita ko na dalawang kamay na ang nasa leeg nung babae at nang makalapit ako.

"Oh kutsilyo tagal pa nyan gagabihin pa ako sa pagluluto" sambit ko

Tumayo ang isang babaeng kaninang nakaupo "Huwag!" sa pagkahiyaw niya nagutla ako ng itulak niya ang babaeng kapit niya sa kanya na siyang ikinatumba nilang dalawa

"May sinabi ba akong galawin mo siya?" inis na patanong niya na hindi siya nangangailangan ng kasagutan.

Nakatingin sa kanya ang babae at tumingin ako kay Jerome na kinapitan niya ang libreng kamay ko at dumiretso ng sasakyan na pagbukas niya ng pintuan at sapilitan akong pinaupo, tsaka niya pasalpak na isinarado ang pinto tsaka siya sumakay. Pinaandar niya ang sasakyan na kung saan lumayo muna kami sa lugar.

"Sabi ko saiyo dito ka lang sa sasakyan ah" inis niyang idiniin ang salitang sasakyan sa akin

"Ang tagal mo eh" anggal ko

"Tsaka hindi ako nagtawag ng tulong"

Kinahihiya nya siguro ako kaya ganito nagsusungit naman siya or dahil sa kaninang jowa ko lang siya at hindi asawa tulad ng kilala sa kanya ng guro ko.

"Guro ba yung dalawa kanina?"

"Yung patakbo saiyo ang guro ko"

Gusto kong alamin lahat kaso worth it ba?

Nakarating kami sa bahay dumiretso ako sa banyo na tulad ng dati nagpalit muna ng damit tsaka nagtungo sa kusina. Sa pa-ikot-ikot ng takbo ng buhay ko ganito lang kasimple ito na matapos kong magluto at kumain medyo napapaisip ako kung kamusta na si Sie. Kakamiss eh kaso katulong na siya nung dalawang ate ni Jerome kaya hindi siya makakapunta.

Haaa....kakamiss...

Pagbalik ko sa kama wala siya +_+ lumabas ulit ako nakita andun lang siya sa kotse...seryoso anu to? Kaya pinuntahan ko siya doon at pumasok sa sasakyan, nakayuko siya sa manibela na feeling ko yung mga nakikita mo sa psychological horror hindi na niya nakayanan yung stress at parang nabaliktad na buhay mag-iiba na siya.

Inantay ko lang na mapansin niya ang presensya ko na halata mong hindi kaya hinawakan ko yung handle para makalabas ng kotse, na nagutla na lamang ako sa kanyang kamay na kumapit sa akin.

"Ikukuha na lang kita ng kumot kung gusto mo dito matulog" sambit ko.

Binitawan niya ako tsaka doon lang ako lumabas baka balak nga niyang doon matulog kaso nadinig ko yung salpak ng sasakyan na inaakala kong hindi kaya nagalit kasi nga lumabas ako ng sasakyan? Medyo naguguluhan pa ako sa pag-iisip niya bigla – biglang nagbabago.

"Janna" tawag niya na ikinatigil ko tsaka humarap medyo kabado na paglingon ko ay baka mayroon na siyang kapit na patalim o baril papatayin ako?

0_0

Oo ngayon pa talaga ako ngayon nag-isip ng ganito sa kanya. Hindi ako nagtanong nang niyakap niya ako at mukha niya'y nakasubsob sa kaliwang pag-itan ng balikat at leeg ko. Hindi normal ito.

Old StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon