ᴡᴀᴛᴇʀᴍᴇʟᴏɴ sᴜɴᴅᴀᴇ

10 5 2
                                    

ONE SHOT

ᴘᴀɴɢᴀʟᴀᴡᴀ sa pitong magkakapatid si Jhairra, na tanging tulong niya sa kanyang mga magulang ay tumulong sa bisnes ng kanyang Tita Levy. Endo na kasi siya sa dating nirekomenda ng kanyang pinsan na si Mabelle, kaya kailangan niya ng ekstrang kita para makabili ng gamot ng kanyang bunsong kapatid. Maaga siyang nagising para buksan ang tindahan ng kanyang tiyahin.

Ilang bisekleta ang kanyang nakikitang lumalagpas, may ilang nagjojogging pa na napapatingin sa kanyang gawi, ang itinitinda kasi nila'y mga prutas at ilang mga gulay.


"Ang aga ah! Nagkape ka na ba?" tanong ni Levy habang hinahalo pa ang kanayang kape.

"Hindi pa po. Tatapusin ko lang ito," tugon ni Jhairra sa tiyahin.

"Magandang umaga, tao po!"

"Oh, ayan may nabili na." Turo ni Levy pero siya na rin ang kuma‐usap habang si Jhairra'y nagtuloy sa loob ng bahay para magkape muna.


Lumabas na rin ang Tita Sheila niya na nakikitulong sa kanyang biyenan sa tindahan. Matapos ni Jhairra na magkape'y tumuloy na siya sa tindahan, na kung saan mayroong matatangkad na binatilyong nabili.


"Halika rito mangken, at hindi ko maintindihan sinasabi. Ang sabi eh, bumili na raw sila rito ng pakwan noong Linggo."

"It's sundae not Sunday Ma'am," pagtatama ng isang lalaki kay Levy.

"Ah! Jungkook? I didn't knew isinama mo pa kaibigan mo!"

"Yeah, he wouldn't let me go alone."

"So, another sundae again?" ngiting tanong ng dalaga.

"Yes please,"

"Wait here, I'm going to prepare it." Utos ni Jhairra sa kakilala at bumalik muli sa loob ng bahay.


Matapos ng ilang oras ay kasama na ni Jhairra ang pinsan na si Desiree na isa pang mag gusto kay Jungkook kaya halos ang ngiti nito'y aabot ng tainga.


"Hi!" bati ni Janna sa dalawang binatilyo.

"Ah, hi!" ngiting bati na rin ni Jungkook sa dalaga pero bumalik tingin siya kay Jhairra.


Pagkalapag nina Janna, at Jhairra ang order ng dalawang binatilyo'y nahawakan ni Jungkook ang kanang kamay ni Jhairra.


"Can you stay while we eat?" suwestyon niya sa dalaga.

"Ok!" ngiting tugon ni Jhairra na tinapik siya ng bunsong kapatid.

"Nalimutan mong ako ang bantay ngayon Ate ha, at pinagliligpit ka ng Tita Shiela." Paalala ni Janna sa kanya.

"Ay oo nga!" napatayo agad si Jhairra na tumingin kay Jungkook, "Sorry, I'll wash our dishes first!" paalam niya saka umalis.


Matapos kumain ng kaibigan ni Jungkook napakunot ng noo ito at tumingin sa kanya...


"순대 좋아하는 줄 알았는데 안먹을래?" ["I thought you like the sundae, why not eating it?"]

"뭐, 이미 이 여자 때문에 망했어." ["Well, it's already ruined because of this girl."] Turo niya kay Janna na hindi rin niya naiintindihan ang sinasabi ng dalawa dahilan sa ginagamit nila'y sariling lenguwahe nila.

Old StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon