sʜᴇ ɪs ᴍʏ sɪɴ

7 3 0
                                    

CHAPTER SEVEN

"Teh naiwan nung asawa mo"

"Yemas ka hindi ko asawa yun! Sabunutan kitang yemas ka" pero kinuha ko din sa kamay niya kasi pinaglalaruan ni Itan ang cp ni Rex, pakialamero ang batang ito oo...

Naiwan nga niya...uliyanin kaya nagpaalam muna ako kay tita at tito tsaka siya lumabas binuksan ang data ng cp at inalam ang lokasyon ng gamit niyang cp...hindi kalayuan at walking distance kaya sinundan niya yung mapa na nakasaad sa google map.

"What if alam na niya ang ukol sa ating dalawa?"

"Hindi niya malalaman yun he just not good at knowing it tsaka halata namang istress lang siya dahil malapit nang matapos ang bakasyon niya" isang boses babae at lalaki ang nag-uusap kakatok sana ako kaso intriguing sa chismaks.

"What if nga?"

"Then tell him the truth or napamahal ka na sa kanya? Eliza you have to choose"

Teka Eliza? Dba eto yung ex-gf ni Rex? Ah tapos kausap niya si Hector ganun?

"Syempre ikaw parang feel ko yung past niya lalamunin ako ng buo" ano'ng past? Yemas sabihin nyo kaya kung ano

"Alam ko kaya nga binalikan na kita dahil mahal kita at ayakong masaktan ka niya"

"Na ano?" sambit ko at nagutla yata yung dalawa na kung saan binuksan ang pintuan.

"Sino ka?" ganda pala nung Eliza kaya naman pala nasaktan ng sobra...mahaba ang pilik mata, medyo singkit kissable lips maliit na babae matangkad pa ako, seksi may curves eh tsaka ang puti. Yemas ma-iinsecure ako kaso hindi sawa na ako sa kadramahan na pinaggagagawa ko nitong nagdaang taon.

"Ah usisera lang" sambit ko na nagtawa ako itinago ko na yung cp ni Rex at baka makahalata pa "Ano ba ang past nung pinag-uusapan nyo?" tanong ko baka makalusot.

"Umalis ka na at baka tumawag pa kami ng pulis" hindi pala nakalusot sayang umalis na lang ako. Yemas hindi ko malalaman kaya kung akala nila bababa ako ng hagdanan ay nagstay ako. Kulit lang noh?

"Sino kaya yun?" tanong ni Eliza

"Halatang nerd" sambit naman ni Hector na nagkimpit balikat.

"Sa bagay imposibleng maging crush ni Dylan" sambit ng dalaga.

Ikaw na ang babaeng maganda yemas ka...purkit nakasalamin ako ng malaki at nakapuyod na parang hindi nagsuklay feelingkera ka na over pangit ako? Ngudngud kita sa kubeta eh...yemas nakakainis anu yung past ni Rex? Na hindi ko alam...ugh kainis lang!

Nakita kong nasa labas yung dalawa hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila doon "Eli" sambit kong tawag sa girlfriend ko.

"Mahal?" sambit niya na yumakap sa akin. Bagong palit ako nakat-shirt akong itim na mahaba ang manggas na itinupit ko lang at naka itim akong six packs short.

"Ano'ng meron?" tanong ko

"Ah may nerd na kapitbahay lang no worries natakot namin na tatawag kami ng pulis"

"Ah" sambit ko "So tol dito ka ba manananghalian-"

"Ininvite ko siya na dito kumain sana okay lang saiyo?"

"Oo naman" ngiti ko sa kanya at ngumiti siya pabalik na tumingin kay Hector. Tsaka siya nagtungo ng kusina para magluto. Medyo awkward na nga eh kase hindi siya nag-uusap hindi tulad ng dati.

"Balita ko may girlfriend ka na, tol" panimulang usap namin

"Hahaha kanino mo nabalitaan?" tanong niya na medyo ilang siya

Old StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon