ʟɪɢʜᴛ ɪɴ ʟᴏᴠᴇ

15 9 0
                                    

CHAPTER THREE

Walang nangyari sa buong maghapon wala ding attendance dba magaling?

"Pres wala bang atendance?" tanong ng lalaking kaklase

"Wala eh tsaka unfair dun sa iba na wala dito"

"Hay naku Lito kunwari ka pa ang sabihin mo may crush ka lang kay Ruth kaya ayaw mong mawala siya sa atendace"

"Kaya nga" sang-ayon ng isa pang kaklaseng babae.

Kahit naman magreklamo wala naman magagawa eh siya ang presidente meaning siya ang masusunod at batas ng buong seksyon. Maaga naman naglabasan kahit ang ilang kaklase nila Jhairra ay hindi na makita kung saan na nagtungo.

Naka-uwi naman si Jhairra na walang kahit ano'ng pangyayari maliban na lang sa pinsan niya na hindi niya aakalaing umuwi.

"Saan tungo mo?"

"Ate jusko tinatanong pa ba yan?"

"Malay ko ba naman na baka may iba pa"

"Loyal to teh loyal kay Ichtus!"

"Oo na so ilang araw?"

"Depende" ngiting sagot nito

"Sige gawa kayo ng isang dosena tapos tatawanan lang kita sa kabilang buhay" pagkasabi ni Jhairra nagsimula na siyang magbihis at natigil ang pinsan nitong si Desiree.

"Ate naman nagkakamaigihan lang kami ni Ichtus"

"Wala akong sinabi"

"Eh kase teh yung tono mong isang dosena na para bang nagtatalik na kami nakakadiri ka"

Ngumisi si Jhairra "Kadiri baka naman nasa kabaong na ako may dalawang bata ka na at tatlong sanggol ka ng kapit"

"Ate naman ihh!" nagpout ito.

"Sinasabi ko saiyo Des hayskul pa lang ako eh ikaw elementarya siguraduhin mo lang na hindi ka matutulad sa Ate Ann Drei mo nagpakamatay para lang daw makatakas sa responsibilidad sa kanyang mga anak"

"Alam ko po pero ate bakit hindi mo itry na magboypren"

"At bakit? Sakit sa ulo? O gusto mong mamatay na ako?"

"Ate ang sarap kayang mainlab"

"At hindi masarap kung katawan lang ang habol nya saiyo"

"...hindi naman lahat ng lalaki"

"At paano ko malalaman na hindi siya kabilang doon aber? May suwestyon ka? Hm"

"..."

"Wala? Kasi nga ang alam mo lang magpakaligaya...Des hindi purkit masaya kayo sa isa't-isa yun na yung tinawag na love mga kabataan ngayon tanga"

"Aray ate sobra ka"

Natahimik sila sa isa't-isa na si Jhairra na ang una ng umalis at nagtungo sa banyo.

Nagutla si Desiree na may kumatok sa harapang pintuan "Ah baka Ichtus ko!" ngiting sabi niya tsaka umalis sa kuwarto nang buksan ito ng dalaga medyo nagutla siya.

"Hi!" ngiti ng isang lalaki

"Um hi...sino sila?"

"Ah ako si Jericho at kaibigan ko si-"

"May ate ka?"

"...meron bakit?" medyo kinakabahang tanong ni Desiree

"Kausapin ko"

Old StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon