ʏᴏᴜʀ ᴏɴʟʏ ʙᴇʟɪᴇᴠᴇʀ

5 2 0
                                    

CHAPTER FOUR

"Saan naka-upo yung isa sa mga yun?" tanong ng lalaki na itinuro naman ni Irina binuhat at "Tayo dyan papaltan natin" sambit nito.

"Ganun din yun nag-aksaya ka lang ng lakas dyan"

"Kesa badtrip ka habang nakaen" napangiti na ang dalaga na may sabay na pag-iling. "Sira ka" bulong niya "Bahala ka po mr. President" sambit ni Irina na ipinatong ang tinidor niyang bitbit sa ibabaw ng foil na kung saan naipagpalit nila ang lamesa.

Daig namin ang nagdadate pero sa ganitong simple lang ayus na ako kahit friend ako sa isang higher section. Masaya na ako. Ulam ko ay adobong matanda yung iga. Tumikim siya masarap daw pero halos isang subo na lang yung macaroni.

"Noong araw na kumain ka sa rooftop nalimutan ko baun ko kaya naubos ko yung baun mo" sambit ng lalaki at natawa "Nagutla ako para kang tiyahin ko na kahit gutom binibigyan niya pa ako" dagdag nito.

Syet lalo siyang nagniningning kapag tumatawa ehem Irina puso mo baka mabila-ukan ka

Bumugtong hininga na lang si Irina na kung saan agad nilagyan ng lalaki ng mayonaise ang dulo ng ilong niya.

"Oi kainis to" sambit ng dalaga na napatawa lang ang lalaki sa kanya.

Tinapos nila ang pagkain na walang makapasok sa loob dahil nakita nila na kausap ng dalaga ang lalaking taga section one talaga. Bago umalis ang lalaki "So may next ba to?" tanong niya

So Irina meron bang next time? Wala na siguro kasi yayariin na talaga ako ng mga bully ko

"Wala na siguro" sambit na lang ng dalaga na ilang segundo ay "Ok salamat" sambit nito.

Hala tama ba sagot ko?

Siguro kasi naalala ko pangit ako dba?

Walang karapatan na umibig kahit saglit lang?

Hay...drama ko grabe...anyways at least friend ko na siya tama Irina stay positive kahit na-

Pinitik ng lalaki ang noo ng dalaga na "Parang kausap mo sarili mo"

"Ansakit sobra to" nasambit na lang ni Irina at ngumiti ang lalaki "Two nights ako sa inyo ayos lang?" tanong nito na ikinalaki ng mata ng dalaga ngingiti sana siya kaso ikinunot na lang niya ang noo para hindi halatang kinikilig siya.

"At ano ang gagawin mo dun?"

"Makikitulog malamang" na pinisil niya ang ilong ng dalaga na parang kuya niya kaya pinisil ni Irina ang parehang pisngi nito.

Yemas sarap kasama ng kupal na ito...o_0 emegewd teka hindi I mean...ugh....uh....>////>

Inalis ng dalaga ang pisil niya sa mukha nito at ganun din siya "Kita na lang tayo mamaya" sambit nito tsaka niya ibinalik yung lamesang ginamit nila at yung lamesa niya na ipinagpalit. Medyo masaya kasi may taong appreciated ka in some way as a friend alam ko naman na friend lang gusto niya. Guwapo kasi so kapag panget ang kasama niya friend lang need niya saiyo. Masakit pero totoo. Kapag playboy ang lalaki katawan ang habol niya saiyo kung panget ang mukha mo kulang na lang lagyan niya ng piktyur ni Anne Kurtis yung mukha mo ganahan lang siya. Anyways nang makabalik sina Ava at tropa niya agad akong nabatukan ng malakas bago pa makalingon ang guro sa gawi namin.

Matapos ng subject namin uwian syempre dapat mauna muna sila kaso hindi naalis yung titser kaya nauna na ako, nakasunod yung titser sa akin teka kasama ba siya sa bubullihin din ako? Carl.

"Bes!" tawag ko kay Carl na agad kumaway dali-dali akong lumapit.

"Bes bakit? Parang kabado ka?" tanong ng kaibigan na bumulong si Irina "Feel ko bes, ibubully din ako nung titser uwi na tayo"

Old StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon