CXXXVIII

1.6K 109 32
                                    


[Telegram]

nika
last seen recently

1:21 a.m.

Klein
Psst
Nikalat
Gising ka pa?


Nika
De
Patulog na ako


Klein
Gege


Nika
Whyket?



Klein
May gusto akong sabihin
Pero ittype ko na lang muna
Kahit bukas ka na magreply kung antok ka na



Nika
Oks manoks


Klein
Kauuwi lang kasi namin ni Andy. Hinatid ko siya kanina sa kanila kahit parang ayaw na niya ako pauwiin.




Nika
O e bat ka pa umuwi
Sana di ka na lang umuwi



Klein
Nakaka tempt naman talaga e saya niya kaya katabi matulog madalas siya mang dantay ng hita tapos ang cute cute pa kasi naka sleep mask siya. Di niya kasi kaya matulog ng may ilaw, ako naman di ko kaya matulog pag walang dim light kaya nagsusuot siya ng sleep mask.


Klein
May collection na nga siya nun sa drawer niya tapos favorite niya yung may pumpkin print kasi naaalala niya raw dun yung mommy and baby squash na pananim nila

Klein
Kaso ayon, nung nag uusap kasi kami nung dinner nabanggit ko sa kanya na pagod talaga ako sa office tapos problemado tayo pano aayusin yung sa system kasi nga nakailang ulit na tayo ng repair sa code kaso wala pa ring nangyayari, dumating na rin sa point na trinangkaso ako kasi kulang ako sa tulog diba


Klein
Nakikinig lang naman sakin kanina si andy kasi ang dami kong reklamo sa office hahaha tapos pinaglalaruan niya lang kamay ko. Minsan nga pakiramdam ko wala na siyang naiintindihan sa sinasabi ko kasi nababanggit ko na rin yung product pati yung sa sap gui, basta ang technical na ng dating. Pero yung atensyon niya di man lang lumipad palayo




Nika
Wow
Sweet naman
Edi kayo na





Klein
Pait mo na naman




Nika
Bawal ka magcomment
Itutuloy mo kwento mo o tutulugan na kita dito



Klein
Ayun hinayaan niya lang ako magreklamo tapos sabi niya di naman daw maiiwasan yung ganon sa trabaho basta wag ko raw pabayaan sarili ko. Sabi niya pa kanina magsabi daw ako sa kanya kapag stressed out tayo nang ganon sa office para she can take care of us daw kahit padadalhan niya lang tayo ng pagkain o kaya yung once in a while reminder para mag take ako ng break tapos kung gusto ko raw mag request ng massage sa kanya, pwede raw o kung gusto ko magpasundo sa trabaho kasi baka pagod na raw ako mag drive pauwi, pwede raw ako magsabi tapos pupuntahan niya ako para siya magddrive ng sasakyan ko para sakin




Klein
Sabi ko naman sa kanya na baka ang abala nun kasi nga busy rin siya mag aral para sa bar pero sabi naman ni andy na she can always make time para sakin, sinama ka pa nga niya dun eh basta daw magsabi lang tayo



Nika
Andy 🥺
Sweet talaga ng bebi ko na yan


Klein
Kaya nga eh
Naisip ko talaga na baka ang inconvenient na rin naman nun para sa kanya kaso sabi niya, verbatim: I want to do it for you. It's not an inconvenience.

Klein
Sinabi niya rin na kung willing ako mag adjust para sa kanya, more than willing din daw siya para sakin. Give and take lang daw kami. Kaya niya rin daw mag effort para sakin wag ko daw siya damutan dun

Klein
Tapos nung sinasabi niya yung mga yon naisip ko na lang talaga na ang swerte naman ng makakatulyan nitong taong to tapos naisip ko rin na sana ako na lang yun




Nika
Okay
Grabe 😀



Klein
Parang may umiikot sa tyan ko nika haha
Ewan ko na


Klein
Di ako nakitulog sa kanila kasi naisip ko na deserve ni andy lahat nung stages nang wala kaming nilalaktawan kasi parang may namadali din kami agad e


Klein
Gusto kong ulitin nang maayos para sa kanya




Nika
Hala



Klein
Gusto ko talaga siya

Somehow Last Wednesday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon