Kaba

12 3 0
                                    

SA LOOB NG PAARALAN

SIMON'S POV

"Ma'am Ann, alam mo ba na may nahuli nanamang miyembro ng Gerilla ang sandahang lakas ng gobyerno?" Pang tatanong ng isang guro sa teacher ko. "Sinalakay daw ang kuta ng mga rebelde sa bundok tapos may nahuli daw." pagpapatuloy ng guro. "Nakilala ba kung sinu-sino, teacher?" Tanong ng isa ring guro na naki chismis. "Hindi eh, hindi pa pinapangalanan ng kapulisan pero nagbabanta na naman sila na tutugisin uli ang kabundukan kasi rumarami na daw ang ang miyembro nito" dugtung ng teacher. "Naku! bakit pa kasi kaylangan maging gerilla kung pwede namang mamuhay ng mapayapa. Obvious na mga mangmang iyang mga gerillang iyan!" pangungutya ng naunang guro na nagkalat ng balita. "Hindi natin alam kung anu talaga nangyari at bakit sila nandiyan sa bukid. Alam kung alam nila na mapanganib ang kanilang ginagawa pero ang hindi natin alam ay kung ano talaga ang pinaglalaban nila. Wala tayo sa posisyon para mag salita kasi hindi natin sila kilala. Hayaan natin ang mga awtoridad ang gumawa ng kanilang mga alituntunin sa pagkilala sa mga gerilla at ng kanilang adhikain para mabigyan ng katiwasayan ang ating mga buhay rito. Baka meron silang gustong ipahayag na hindi pa naririnig ang kanilang mga panig." Mahinahon na tugon ni ma'am Ann.

Grabe ang kaba ko sa mga balita nila pero hindi ako pwedeng pahalata. Alam ko ang sitwasyon namin ngayon. Marami na kaming mga kakilala na namatay at tinugis na ng pamahalaan at awtoridad sa bukid. Kailangan namin maging maingat dahil baka mapahamak pa kami. Pero sa loob looban ko, pinapanalangin ko na sana may mga pareho ni ma'am Ann na hindi basta basta nanghuhusga ng kapwa. Nagpatuloy ako sa pagpasok sa aming classroom kasi may ipamimigay pa akong sagot sa mga kakaklase ko. Akmang lalakad na ako ay may nagsalita sa aking likuran.

"Simon, Hintayin mo ako!" pasigaw na tugon ni ma'am Ann. "Ikaw pala yan ma'am! Halos pasigaw ko nang sagot dahil kinabahan ako sa sigaw niya. "Sorry bata ha, nagulat ata kita. Nakita kasi kita, gusto ko masabay ka kaya natawag kita." malambing na sagot din ni ma'am.

"Meron sana ako ipapakiusap sayu. Malapit na ang English month, may UN ambassador at ambassaders tayong kailangan doon, baka gusto mong sumali." Tanung na parang papipilit to ha, naisip ko.

"Pag iisipan ko po, itatanong ko sa nanay ko kung may extra siyang pera para sa magiging susuotin ko kung sakali." pagpapalusot ko kay ma'am Ann. "Ay wag mo na iyang problemahin, ako na ang bahala sa mga gagamitin mo." sinasabi ko na nga ba namimilit na talaga sya. "Kung saka sakali manalo ka ay magkakapremyo ka pa doon." pangiti na sabi ni ma'am. Alam niya talaga ang kahinaan ko. Ang pera. Pera lang talaga ang nakakahikayat sa akin para gawin mga gusto niya. At syempre dahil may pera ay kuminang ang aking mata at napapayag niya agad ako. "Sige ma'am gagawin ko po iyan, magiging representante ako sa event."

"Sige ma'am pasok na tayo." " Sige!." masayang tungo na kami sa classroom.

Palihim ko na lamang ibinigay ang mga assignment ng mga kaklase ko dahil nagkasabay nga kami ni ma'am. "Hoy, ang assignment ko?" tanong ni Adrian. "Oh, ito", pailalim kung binigay sa kanya kasi baka mabuking pa. "Antagal mo naman, na late ka ba?" ani Adrian. "Hindi naman, natagalan lang ako, nag usap kasi kami ni ma'am para sa gaganap sa UN ambassador." "Ah, ikaw na naman gusto nila sumali kasi malakas ka raw mag english eh. Tapos gwapo ka raw sabi ng mga ka klase natin" pang aasar niya. "Tigilan mo nga ako!" gigil kong sambit sa kanya. "Oh, ito yung assignment mo." pagtitigil ko sa kanya.

Never ForeverWhere stories live. Discover now