Lihim

9 1 0
                                    

SA PAARALAN

Dali daling bumaba si Vincent sa trisekel kasi excited na sya pumasok, akalain mo bang may baon ka ngayong araw, gaganahan ka talagang mag aral. "Kuya una na ako! Dali daling bati ni Vincent kay Simon. "Sige! Mag aral ka ng mabuti ha!" aliw din si Simon sa kanyang kapatid na masayang masaya sa naabot niya na pera. Alam naman ni Simon na matalino talaga si Vincent ngunit hindi lang ito maganang mag aral dahil sa wala nga itong baon at halos butas na ang kanyang bag at sapatos. Hindi din naman kasi taon taon ang kanilang bag at sapatos ay napapalitan lalo na kay Vincent na halos tira tira lang ng kuya Sandro at Simon ang kanyang nagagamit. Natutubuan kasi at siya ang pinaka batang kapatid kaya kung ano ang kay kuya niya ay siya rin namang ginagamit niya sa susunod na pasukan.

Si Simon ay 4th year highschool nah samantalang si Vincent ay 2nd year palang. Makikita mo talaga ang pagkakaiba ng kanilang mga galawan kasi matured na si Simon. Pinalaki kasi siyang inuobliga na ng kaniyang mga magulang na alagaan ang kanyang kapatid. Nagsimula ito ng humiwalay si Sandro sa kanila dahil naka pag asawa na ito.

FOUR YEARS AGO

"Ayaw ko na Ma!, pagod na ako sa ginagawa natin! Hindi tayo pakikinggan ng mga 'yon. Marami na sa atin ang nagbubuwis ng kani kanilang buhay para sa paniniwala natin pero anung nangyayari? Wala parin diba?! Kahit yung mga pinaaral natin na ngayun ay nasa kapangyarihan na, ni hindi tayu nililingon!" Galit na galit na banat ni Sandro sa kanyang ina.

Isang miyembro ng NPA ang nanay nila at magsasaka naman ang kanyang ama. Nung nagkita ang ama at ina ni Simon ay nagkagusto agad ang ama niya sa kanilang ina kasi may taglay na ganda at talino ang kanilang ina.

Hindi mangmang ang kanilang ina kung tutuusin. Siya katunayan ay nakapagtapos ng Political Science sa University of the Philippines at nag kamit ng latin honors dahil sa galing nito sa kursong pinasukan ngunit dahil sa kagustuhan nitong matupad ang mga ideyolohiya na kanyang napag aralan at dahil narin sa panghihikayat ng ibang mga kasamahan nito sa ipaglaban nila ang kanilang sariling ideyolohiya ay nahikayat itong umakyat ng bundok at doon nagkita sila ng ama ni Simon.

May pag aari ang ama ni Simon na lupa sa bukid. Pamata ito ng mga lola niya. Hindi naman ito gaanong kalaki ngunit masasabi mong mas mayaman pa sila na taga bukid kaysa sa mga tagapatag at lalo na taga syudad. Biruin mo, may sampung ektaryang lupa sila, mga palay, gulay at isdang tabang ang kanilang ikinabubuhay. Kung tutuusin ay dapat ay mas madali na sa kanila ang lahat pero sadyang mas pinapaburan ng kanilang ama ang gusto ng kanilang ina na gamitin ang kanilang pinagkakakitaan sa pagtulong sa mga gerilla. Kaya sila ni Sandro at mga kapatid niya ang naghihirap at nagdulot ito ng galit kay Sandro kasi gusto niyang mapabuti ang kaniyang pamilya. Gusto niya na hindi na tumulong pa ang mga magulang sa walang katapusang gulo at walang kwentang grupo na iyon.

Umalis si Sandro upang makig sapalaran sa Maynila, may nakapagsabi nalang sa kanila na naka pag asawa na din pala ito. Kaya labis itong ikinalungkot ng magulang nila Simon at Vincent.

Simula nuon ay halos araw araw nang pinapaalala ng mga magulang ni Simon sa kanya na alagaan ang kapatid at huwag tumulad sa kanyang kuya Sandro na iniwan sila dahil naka pag asawa na sa Maynila. Pinapaalala din ng mga magulang nila na hindi magsasabi ng kahit anong lihim nilang pamilya lalo na sa mga kapulisan na pinakakaingatan nila na hindi mabulgar.

Never ForeverWhere stories live. Discover now