Umaga na ng alas singko. Kita ko na ang sikat ng araw kaya gumayak agad ako. Pagkatapos ng pagligpit ko ng gamit ay ang paggising ko kay Vincent na alam kong malapagong kung kumilos. Pinaalam ko na, na maaga akong pupunta ng skwela. Himala na kumilos agad ito. Naalala ko na ang rason. Masaya na itong nakisabay maligo sa akin. May bago kasi itong sapatos para sa skwela kaya sobra ang galak na makapunta ng paaralan.
"Kuya, ako na magpapakain ng manok, maligo kana doon. Madali lang ako matatapos, promise, sabay tayo pumunta ng skwela ha?! Mag aaga din ako ngayon." aba, iba talaga ang dala ng bagong sapatos nya. Sapatos at uniporme ang nabili ni tatay para sa kanya. Nakadiscount daw sila doon eh kaya grabe yung galak nya pag uwi.
Sinasabi ko na nga ba na gaganahan itong batang ito mag aral pag nagkaroon ng mga kakailanganin sa skwela, hindi lang talaga kami gaanong swerte para mabili lahat, pero ayos na iyon kahit papano ay mag bago ito at hindi lang mga pinaglumaan ko.
Naisipan ko na naman ang panaginip ko kaina kaya nakatunganga ako, na siyang ikinagulat ni Vincent. "Kuya? Natulog ka ba kagabi? Bakit ang itim ng mga ibabang talukap mo? Ayos ka lang ba kuya?" nahimasmasan ako sa mga tanung niya. "Wala ito. Maliligo lang ako at mawawala rin ito." Taposin mo na yang pagpapakain sa mga manok." tamang tama naman na lumabas si inang at nagluto ng makakain namin. Natagalan din sila sa paggising ng dahil sa akin. Medyo matamlay si mama at papa.
"Maligo kana Simon, wag kang mag alala. Madali ko lang lulutuin ang e babaon ninyo." saad ni mama. "Sige ho ma." sumunod na rin ako.
Nadatnan ko si papa na nakangiti na ng konti nang makita si Vincent na nagpapakain ng manok. Alam nito ang saya ng aking kapatid kasi sila lamang namang dalawa ang bumili ng mga gamit nito.
"Ang saya ng kapatid mo, naging matagumpay yung pinagplanuhan mo para sa kanya. Mag aaga na iyan araw-araw." ngiting sabi ni papa. Nangiti din ako ng bahagya pero hindi parin ako panatag.
*********************************
"Nakita mo na sila ni Luisa at ang kanyang anak na si Simon. Sila ni Bong ang may-ari ng sakahang ito. Dito kami nakikisaka kasi matulungin sila sa amin. Sila din ang nagbibigay sa amin ng pera para makabili ng sandata. Maging panatag kayo, dahil hindi kailan man naging gahaman ang pamilyang ito lalo na si Luisa. Siya ang isa sa mga utak ng grupo. Alam niya ang mga pamamalakad ng gobyerno. May mga kilala rin siyang mga abodago at mga pulitiko." wika ni Ka Eduardo. "Matagal na ba sila dito?" tanong ni Philip. "Mga dalawampung taon na rin dito si Luisa habang dito na iyan pinanganak si Bong. Pagmamay ari ng mga magulang ni Bong ang lupain." dagdag pa ni Ka Eduardo."Nakita ko lang po sila noon, pero hindi ko po sila nakilala, mukhang nagmamadali sila kaya hindi ko sila naka kwentuhan, magiging masaya po ako kung maipapakilala niyo po ako sa pamilya." ani ni Philip. " Oo, naman. Walang problema iyan." pakakasiguro ni Ka Eduardo. "Kung gayun po ay hindi tayo magkakaroon ng problema sa mga sandata kasi meron ditong magbibigay ng pananalapi para rito." tanong ni Philip. "Nagkakaproblema parin kasi minsan ay maliit ang ani dahil sa klima o kaya mga nagtatrabaho sa sakahan. Kailangan ngayon ng mga tao kaya mas mabuti ay tayo ay magdagdag pa ng mga tauhan." mungkahi ni Ka Eduardo.
PHILIP'S POV
Kaya pala masyadong matapang ang mga ito kasi meron silang mapagkukunan ng kanilang pangangailangan. Kailangan mawala na itong mga taong ito sa gobyerno. Maliit nalang at matatapos ko na ang aking misyon, ang putulan ng mga paa at kamay ang hukbo upang wala na silang maaasahan pa. Makakasama ko na rin ang aking pamilya kung saka sakali ng mahaba haba bago magkaroon ng bagong misyon.
YOU ARE READING
Never Forever
FanfictionI can see you but you can't see me. It's good to see you away than to see me near. I know you miss me but you don't know how much I miss you more. I am dying to see you every day but it is better this way.