BAYAN
Vincent's POV
Nandito na kami ni itay sa bayan. Diretso kami sa palengke kasi may titingnan raw siyang mga binhi. Nagtingin-tingin lang naman talaga siya at pagkatapos ay dumiretso na kami sa mga nagbebenta ng gamit sa skwela kasi nga may bibilhin kaming gamit para sa project ni kuya ngunit sa pagtataka ko ay hindi kami dumiretso sa may mga panindang construction paper kundi sa mga sapatos. Nanlulumo na naman ako sa tuwing nakakakita ako ng mga bentang ganito. Ganitong-ganito naman lagi talaga ang nararamdaman ko pagbagong pasok sa skwela sa kada taon o kaya naman ay may mga ka klase akong nabibilhan ng bago ng kanilang mga magulang. Minsan panga ay inisip kong maging anak mayaman para mabilhan din ako ng bago at maraming mga gamit na kakailanganin ko sa skwela kung sakali man mawalan ako. Sa hirap namin ay hindi iyon magagawa ng mga magulang ko kaya hanggang tingin na lamang ako. Gustohin ko manag ihingi sa aking mga magulang ang nais ko ay alam kung hindi nila ito kaya kahit gustohin man nila. Mga pinaglumaan nila ni kuya Sandro at kuya Simon lang ang pwede ko gamitin para sa skwela. Naging taon taon na iyong gawain namin kasi nga hindi kakayanin nila itay at inay ang bumili ng sabay-sabay. Kahit sapataos ko ngayon ay pinaglumaan na ni kuya Simon. Mag butas na nga iyon pero hindi parin ako binibili nila ni itay. Nakakahiya rin naman kasing manghingi kung alam mo namang wala talagang maibibigay.
Lumapit nga si papa doon kaya nakakapagtaka talaga. Kaya di ateng tindera ay lumapit kay itay.
"Ser, ano pong gusto niyo? Pili po kayo. Marami kaming bagong dating na sapatos. Galing pa po iyan sa Marikina." pag iingganyo ni ateng tindera sa tindahan ding iyon. Kinalabit ko si itay kasi alam kong hindi siya bibili pero nagsalita ito.
"Ay, hindi ho akong susukat mam, ang anak ko ho." Nanlaki ang mga mata ko kasi kahit kailan ay hindi pa ito nangyari sa boung buhay ko pero ngayon ay hindi ko sukat akalain na ang swerte ko sapagkat ibibili ako ni itay ng sapatos. Sa aking pagkamangha ay tinanong ko si itay. "Pa, totoo po? Bibilhan niyo ako ng sapatos?". "Oo anak, pipili tayo ng sapatos na para sayo. Para sa iyo na sapatos lang talaga. Hiningi ni kuya mo Simon na bilhan
Ka ng sapatos para naman ay maranasan mo ang may bagong gamit. Hindi ngalang malaki ang pera natin ngayon at butas na ang iyong sayo, kaya itong sapatos mo nalang muna ang ating bibilhin. Saka na ang iba." sagot ni itay. Sa sobra kung saya ay niyakap ko si itay. "Huwagmo lang masyadong mahalan sa pagpili kasi baka hindi natin kayanin." ngumiti lang ako at tumango. Buti nalang at mabait yung tindera at pinatawad niya kami. Nakamura kami ng halos bente porsyento sa maganda at matibay na sapatos na paninda nila. Saad ni ate na batid niya ang girap ng hindi kailan man makaranas ng bagong sapatos kaya pinatawad niya kami.Lubos ang pasasalamat namin kay ateng tindera at nagpaalam na kami sa kanya. May natira pang pera si itay kasi nakamura kami sa sapatos kaya binalak niyang ibili ako ng bag ngunit masyadong mahal ang mga bag. Pumili nalang siya ng polo para sa skwela kaya napagkasya namin ang perang natira. Ayos na sa akin iyon, ang importante ay nabilhan ako ng bagong gamit ni itay.
Ang saya-saya ko sa araw na ito. Alam ko na marami akong kailangan pasalamatan lalo na si kuya na lakas loob na sabihin ang gusto ko at hindi ko kailan man makakalimutan iyon kaya habang kami ay pauwi na ay walang sawa akong pagpapasalamat kay itay. "Maraming salamat itay." "Ika ilang ulit mo na iyan. Haha" at sabay kaming nagtatawanan pauwi.

YOU ARE READING
Never Forever
FanfictionI can see you but you can't see me. It's good to see you away than to see me near. I know you miss me but you don't know how much I miss you more. I am dying to see you every day but it is better this way.