Gusto

9 3 0
                                    

UWIAN NA

SIMON'S POV

Tumatakbo si Vincent na naka ngiti patungo sa akin. Batid ko ang kanyang hirap sa kakatakbo. Ikaw ba naman tumakbo ng pagkalayo-layo. Nasa dulo ng oval ang room ko habang nasa may entrance ng gate naman ang sa kanya.
Hingal na hingal itong si bata hahaha. Mukha syang aso naka labas ang dila at ang lalim ng hingal.

"Anong nagyari sa iyo?" pagtatanong ko sa kanya. ". "Wala lang, ang saya ko lang na kasabay ko ang mga ka klase kong may baon, haha" walang hiya talaga 'to akala ko kung anong nasa isip. "Pero kuya, ngayong November daw ang report card ilalabas. Kasabay ng Mr. UN ba iyon. Kailangan may magulang daw na dumalo. Makakapunta kaya sila mama at papa?" tanong niya.

Alam kung gusto ni papa at mama ang ma asikaso kami lalo na sa aming pag aaral kaso lang sa sobra nilang busy sa bukid at sa kanilang grupo, e halos wala na silang oras sa amin. Mas malayo na kasi ang kanilang kuta dahil sa mga pagtugis ng mga sandatahang lakas, lalo na ngayong meron silang mga nadakip. Hindi rin tatagal ay baka maraming kumalas at magsumbong sa kanila.

Mahirap sa kanila ang ganitong mga gawain kasi malayo ito sa bukid at dahilan narin sa pagtitiyak nila ng kaligtasan namin. Natatakot kasi sila na baka may makakilala sa kanila at masangkot pa kami. Hindi ko na din alam kung magagalit ba ako sa kuponan o magapaubaya nalang pero alam ko ang balakid at hirap na tinatamasa nila ngayon kaya hindi ko sila masisi.

Matagal kung naisip ang sitwasyon na nakalimutan ko ang kapatid ko. "Kuya? Kuya!" napalingon ako kay Vincent. "Okay ka lang?" pag aalala niya. "Okay lang naman kung hindi talaga pwede sa kanila maka punta pero nakaka umay kasing parating ganito. Sana man lang kahit hindi na sila maka punta ay makita nilang nagsisikap tayo para sa gayun ay bilhan nila ako ng bagong bag at sapatos." at ayan na nga, gusto talaga nya ng bagong gamit sa skwela. Natawa nalang ako pero nakikita kung dapat naman talagang meron syang bago, kung kasya ngalang ang pera ko sa gusto nya, ako na siguro ang bibili pero ngayun ay gipit pa talaga. Kahit nga sa pang araw-araw ay naghihirap kami ano na kaya sa mga gamit talaga pang skwela.

"Sige, isusuyo ko yan kay itay para meron kang bagong gamit sa skwela." nginitian ko na lamang ang aking kapatid pero sabay niyon ang kirot na nararamdaman kasi alam kung malabo. "Salamat kuya!" at yinakap nya ako ng mahigpit.

Gusto kung maluha sa hirap na nararanasan namin ngayon pero kailangan hindi ako panghinaan ng loob lalo na sa harap ng kapatid ko. Hindi to ang gusto kung buhay para sa kanya kaya magsisikap parin ako hanggang kaya ko para mabigay lang yung kahit pang araw-araw naming budget sa pagkain sa skwela. "Sige nah, umuwi na tayo. May mga classmate akong gusto magpagawa ng assignment at project kaya kailangan natin umuwi ng maaga." pagtatapos ko sa yakap at paghikayat din sa kanya na umuwi na. "Tara na!" masigla nyang tugon.

Sa gilid ng aking mata ay may nakita akong pamilyar na mukha, batchmate ko sya, studyante sya sa kabilang section. Maganda sya, mahaba ang kanyang mga buhok at napakalusog nito. Klarong-klaro na inaalagaan talaga itong maigi ng kanyang ina. Napaka linis talaga niya tingnan. Hindi ko nalang sya nilingon ng mabuti kasi alam ko ang layo nya para sa akin at sa sitwasyon ba namin ngayon may tao kayang magkakagusto sa akin lalo na pag nalaman nila kung sino kaming pamilya.

Tinuloy ko na ang paglalakad at inalis ang munti kung pangarap sa isip ko na magkakilala kaming dalawa kasi hindi pwede at pinagbabawal.

Never ForeverWhere stories live. Discover now