Pangarap

10 1 0
                                    

SA BUKID

"Dito nalang tayo sa bukid kuya, ang layo ng paaralan, nakakapagud mag lakad araw araw" panghihikayat ni Vincent, bunsong kapatid ni Simon. "Wala namang tayong mapapala doon, mapapahiya lang tayo kasi kamote lang yung baon natin." pagpapaliwanag nito. Patuloy parin na naglalakad si Simon patungo sa main road dahil gusto talaga nitong pumasok. Wala sa katinuan si Simon na nakinig sa kapatid niya kasi iba ang iniisip nito.

Matayog ang pangarap ni Simon, gusto niyang e ahon sa hirap ang kanyang pamilya. Naisip niya na kung nakaya ng iba na umunlad sa buhay ay makakaya niya rin. At isa sa makakatulong sa kanya ay ang pagtatapos ng pag aaral. Hindi niya alintana ang hirap sa pag lalakad ng kilo kilometro para lang maka abot sa paaralan kasi mas naiisip nya ang kanyang kinabukasan. Gusto niya maging mayaman para makatulong sa kapwa lalo na sa kanyang pamilya.

Miyembro ang mga magulang nila ni Simon ng kapunongan ng mga gerilla, na ang adhikain ay gapiin ang balikung sistema ng gobyerno na nagpapahirap sa bansa lalo na sa mga tulad nilang mahihirap. Kahit ang kanyang nakakatandang kapatid na si Sandro ay isa rin kasapi dati ngunit iniwan sila nito sa kadahilanang mas pinangarap nitong mag asawa sa kapatagan at magpakalayu layu. Kaya sila nalang ni Vincent ang natira sa magkakapatid.

"Malapit na tayo sa highway, wag ka mag alala, makaabot lang tayo don hindi mo na kaylangan maglakad. Meron naman akong pera dito na naitabi, kasya na to pambayad sa trisekel." Hingid sa kaalaman ni Vincent at nang kanyang mga magulang na kahit bata pa ito si Simon ay nag eextra din ito.

Matalino si Simon, madali lang sa kanya ang Mathematics, Science at lalo na ang Araling Panlipunan. Ginagamit niya ang kanyang katalinuhan para magkapera. May mga classmate kasi syang sobrang hina at tamad pero mapera kaya siya ang gumagawa ng mga takdang aralin nila at nagpapakopya pa sya pag may test para may pang snacks at pang lunch.

Patuloy lang ang lakad ng dalawa. Mabilis na naglalakad si Simon at hingal na hingal naman itong si Vincent na obvious na pagod na sa kakasunod sa kuya niyang parang kabayo maglakad dahil sa pagmamadali.

Naka abot na sila ni Vincent sa highway at naka kita agad sila ng trisekel. Pinasakay sila nito at naka abot din naman si Simon ng pamasahe sa driver. "Kuya ito oh pamasahe namin dalawa." Mayhalong ngiti na inabot ni Simon ang pamasahe nila ni Vincent. "Kuya, saan mo galing yung pera? Nagnakaw ka nuh?" Sunod sunod na tanung ni Vincent.  Inabutan ni Simon si Vincent ng sampung piso, "O ito, pang tanghalian mo." "Hindi ako nag nanakaw nuh, may nagpapatulong lang saakin na mga classmate ko tapos inaabutan ako ng pera kaya may pan baon ako ngayon." sagot ni Simon. "Ay ayos, gaganahan nako mag aral nito kasi hindi nako magugutom sa klase. Salamat kuya" Masayang tugun ni Vincent.

Kahit may bukid sila ni Simon at kumikita sila dito ay hindi parin ito kasya sa kanilang pang araw-araw dahil nag-iipon ang kanyang mga magulang ng pera para sa buwis at nagbibigay din ng tulong sa mga gerilla.

Alam ng magulang niya ang ka delikaduhang sitwasyon ng pamilya pero hindi ito alintana sa kanila, kasi mas malaki ang paniniwala ng mga magulang ni Simon na sa pamamagitan ng kanilang pakikibaka ay matutuonan sila ng pansin ng mga tao sa katungkulan na naglalayon din ng pag unlad at masusulosyonan nito ang kanilang kahirapan na dulot ng balikong gobyerno.

"Wag kang mag alala Vincent. Magsusumikap ako para sa pamilya natin para hindi na tayu maglakad pa ng kilo kilometro at magutom pa" pagsisiguro ni Simon kay Vincent na kita ang tuwa sa kanyang sampung pisong baon.

Never ForeverWhere stories live. Discover now