"ITAAAAYYY!" Duguan at wala nang malay ang aking amang nakahandusay sa aming lupang sinasaka. Nanlalamig na ito at maraming tama ng baril. Hindi mahagip ng aking mga mata ang aking ina at si bunso. Yinakap ko si itay at nagsisisigaw sa galit sa kung sino man ang gumawa nito, hinding hindi ko sya mapapatawad. Ako mismo ang papatay sa kanyang kabaliwan. Gaganti ako, dugo sa dugo.
Iyak at hagulgol lang ang nagawa ko sa panahong ito. Parang ang hirap huminga sa ngayon pero may naramdaman akong mga pagkalabit at pagkahawak sa aking mga braso. May kung sinu-sinong tumatawag sa akin. Nagpipilit na sila na agawin ang aking atensyon. Napalingon ako ngunit wala akong nakikita. Nandilim na lamang ang aking paningin.
Napabalikwas ako ng gising. Si papa at mama pala ang gumising sa akin. Natakot daw sila nung sumigaw ako at naghahanap daw ako sa kanya. Grabeng sama ng panaginip ko na narinig talaga nila ang aking takot ng ako ay sumigaw.
"Anak, ayos ka lang ba? Ano bang napaginipan mo, na ikaw ay takot na takot?" pagtataka ni mama sa akin. "Nakita ko po kasing nakahandusay si papa sa sakahan. Puno po siya ng bala sa katawan at wala nang malay. Akala ko nga ho ay totoo kaya nagalit po ako at nakaramdam ng pananakit ng dibdib." hindi ko malaman kung sasabihin ko ba ang nagawa kung balak na paghihiganti sa aking panaginip. Nahihiya kasi ako, hindi ko akalaing panaginip lang pala iyon.
Nagkatinginan sila ni papa at mama. Batid ko ang kanilang pangamba sa nangyari sa aking panaginip. Pwede mangyari ang panaginip na iyon, paghindi sila nag ingat sa kanilang mga kilos. Ito ang lagi naming pangamba sa aming magkakapatid, na baka maging dahilan ang pagiging miyembro nila sa mga gerilla at ito ang makatapos ng kanilang mga buhay.
Gustohin man namin na tapusin nila ni mama ang samahan ngunit ito ay hindi maaari. Masyadong malakas ang paniniwala ni mama sa mga taong ito. Kahit nga sariling anak nito ay kayang tiisin para lang hindi maputol ang kanyang koneksyon sa kanila.
"Huwag kang mag alala Simon, kami ay malalakas pa ni mama mo. Hindi kami padadaig sa mga taong gustong manakit sa atin. Mas lalo pa naming pag iingatan ang samahan upang hindi tayo mapahamak. Hindi na kami masyadong pumupunta sa lugar ng insidente kung saan natagpuan ang mga kasamahan natin kaya wag ka nang mag alala." pagpapakalma ni papa sa akin.
Kahit na nangako si papa na sisiguraduhin nila ang kanilang kaligtasan ay hindi parin mawala ang aking pangamba. Ramdam ko parin ang takot na para bang hindi lang ito panaginip kundi ito ay isang senyales ng trahedya na sana naman ay makagawa ako ng paraan.
Nagsibalikan na sila ni papa at mama sa kanilang silid habang ako naman ay hindi na kailanman nakatulog pang muli. Hinintay ko nalamang ang umaga nang ako ay makaligo na at makapunta ng skwela.
SA LOOB NG KWARTO NG MAG ASAWA
Nagtalo sila ni Bong at ng kanyang asawa ngunit hindi ito malakas na maririnig ng mga bata. Pinapanatili nilang kani-kanila lamang ang mga usaping iyon tungkol sa kanilang pagtatalo.
"Mahal, natatakot na si Simon sa pwedeng mangyari sa atin. Nakita mo naman ang takot sa kanyang mga mata ng sya ay binangungot. Naaawa na ako sa mga bata. Hindi man lang nila kayang mamuhay ng maayos, na walang takot sa kanilang mga puso at walang kinukubli. Batid ko ay iyong nais sa bayan ngunit paano naman ang mga bata. Minsan na tayong nawalan ng anak ng dahil sa pagmamahal mo sa samahan!" galit na wika ni Bong.
"Hindi nawala si Sandro, hindi siya namatay! Hindi lamang ito nagpatuloy at umalis para hanapin ang sarili niya, ngunit alam ko babalik siya upang tulungan tayo!" galit din nitong sagot kay Bong.
"Nahihibang kana. Pagnagkataon na masaktan ang mga bata dahil rito ay hindi kita mapapatawad. Ipagdasal mo na walang mangyari sa pamilyang ito dahil pagnagkataun ay baka itong pamilyang ito ang mabubuwag. Ilalayo ko ang mga bata sayo!" galit na galit na si Bong. Iyon lamang at humigang nakatalikod si Bong sa kanyang asawa.
YOU ARE READING
Never Forever
FanfictionI can see you but you can't see me. It's good to see you away than to see me near. I know you miss me but you don't know how much I miss you more. I am dying to see you every day but it is better this way.