Hiling

5 3 0
                                    

SA BAHAY

Sabado na ngayon at nasa bahay din sila mama at papa bihira lang tong mangyari kasi kadalasan nasa bundok sila. Pero ngayon mukhang hindi muna sila tutungo sa bukid. Nagpapalamig pa sila sa mata ng mga militar kaya kinuha ko nalang ang tyansa na makausap si papa at mama tungkol sa hiling ni Vincent.

Nasa kubo silang dalawa at nagkakape, tinantya ko muna yung mga reaksyon nila sa pagsama ko sa kanila sa kubo. Ayoko ko namang mabigla sila, baka mapagalitan pa ako. Wala si Vincent, kasi pumunta ito sa may sapa para mag igib at maligo narin. Mas maigi na wala sya para hindi sya masaktan kung hindi man ako palarin na ihingi yung gamit nya sa skwela.

Nasa kubo na ako at nakangiting bumati sa aking ama at ina. Nakatingin silang dala, ngumiti si papa at hindi ko mawari ang reaksyon ng inay pero ngumiti parin ako at bumati. "Magandang araw itay, inay!" bati ko. Saka lang ngumiti si inay at nagkasabay panga sila ni itay na bumati sa akin. "Magandang araw din sa iyo Mon, yun ang palayaw nila sa akin. Nagtawanan ang dalawa at hinawakan ako ni inay at niyakap.

"Anak ang laki mo nah. Parang kelan lang, karga karaga pa kita, kayo ni kuya mo Sandro and ni Vincent. Obvious na hindi ko kayo masyadong nabantayan nung mga kabataan ninyo pa." sabi ni inang. "Bata parin naman sila ha. Pwede pa tayo makabawi sa kanila. Kahit nga sila sila lang ng kuya Sandro niya ay nakaraos parin sila. Hindi lang yun, lumaki rin sila na maayos at mabuti sa kapwa dahil likas sa kanila ang pagiging mabuti, kaya siguro masyado tayong kampanti sa kanilang pagpapalaki." dugtong ni papa.

"Dahil rin iyon kay Sandro, magaling kasi sa bata si Sandro, na mimiss ko na yung batang iyon" lungkot na sambit ni mama. Kumalas si mama at niyakap sya ni papa. Alam ko na namimiss din nila si kuya at kahit lumayo ito at kumalas sa grupo ay hindi parin nawawala ang pagmamahal nila ni papa at mama sa kanya.

"Huwag kayong mag alala inang, akong bahala sa pamilya natin. Magsusumikap ako para maka ahon tayu sa hirap. Sisiguraduhin kong hindi mapapabayan si Vincent." pagsisiguro ko kay mama.

Napaisip si mama (alam ko kung kailan sya may malalim na iniisip kasi katulad ko, kapag nag iisip ako ay tutunganga ako minsan), alam kung gusto nanaman nito isisi ang sitwasyon sa gobyerno pero ayaw niya pang ilahad sa akin ang mga nalalaman niya kasi baka matulad ako kay kuya Sandro. Pinutol ko na lamang kung ano pa ang anong mga iniisip nya.

"Ma, pa. Meron lang din sana ako e hihiling sa inyo. Hindi po ito para sa akin." pagpukaw ko kay mama at pagtawag ko kay papa para malaman nila kung bakit ako nandoon. "Alam ko naman pung marami kayong iniisip ngayon pero ihihingi ko talaga itong pabor ngayon", hindi kumibo si mama pero ngumiti si papa. "May card day kasi ngayong Lunes at gusto ni Vincent na pumunta kayo ngunit alam naming nagpapalamig kayo sa mga militar at gusto nyo lang masiguro ang aming kaligtasan. Baka po pwede na imbis na pumunta kayo sa skwelahan ay ibili nalang si Vincent ng gamit sa skwela." pagdugtong ko.

"Salamat anak sa pag unawa ninyo ni Vincent sa sitwasyon. Sa gamit naman sa skwela ay, medyo mahihirapan tayo pero may naipon naman kami ni mama mo titingnan natin kung anong kayang ibili noon." sabi ni papa.

"Okey lang ba sa inyo kung kunin namin ang naipon nyo?" nakukonsensya kung tanung. "Anak, kailan man hindi ko kayo nakitang humingi sa amin, lalo kana. Ngayon ka lang naman humingi ng pabor para pa sa kapatid mo. Wag ka mag alala hahanapan natin ng paraan yang hiling mo para kay Vincent." sagot ni papa.

Never ForeverWhere stories live. Discover now